CHAPTER THREEUmaga noon, maagang naghanda ng almusal si Chon Hee para sa kanyang mga kapatid. At matapos non ay dumiretso na sya sa malaking bahay para tulungan sina Yaya Emi sa paghahanda. Hindi na sya tumanggi dahil kailangan din naman nya makaipon ng pera.Ang sabi kasi ni Yaya Emi ay kailangan nya pa ng katulong para sa paglilinis ng bahay.
May mga katulong naman pero hindi nila iyon kayang tapusin sa maiksi lang na panahon dahil may kalakihan talaga ang bahay.
Bukod kay Yaya Emi at Sir Bum may tatlo pang katulong sa bahay na uwian din naman pag sapit ng gabi.At may isa rin na hardenero.
Talagang si Yaya Emi ang matagal na dito at katiwala na rin ng pamilya kasama si Sir Bum.
Nakatanggap kasi ng tawag si Sir Bum na pupunta daw si Atty. Min at may kasama ito.Kaya ganoon na lang ang paghahanda nila.May kasungitan din kasi ang abogadong yon ayaw nito ng maduming paligid at maalikabok.
Noon pa man ay pinangarap na rin talaga ni Choon Hee na makapasok sa malaking bahay na ito. Pakiramdam nya kasi ay isa itong palasyo na nasa kalagitnaan ng gubat. Kaya naman ng makita sya noon ni Yaya Emi na madalas sumisilip sa labas ng gate ay pinapapasok sya nito. At simula noon ay halos araw-araw na syang pumupunta doon para maghatid ng gatas. Kabisado na nga nya ang mga pasikot sikot doon. Kaya naman noong kailangan nga ni Yaya Emi ng tutulong sa kanila ay sya agad ang naiisip nito.
Dahil sa pagiging abala ni Chon Hee ay hindi na nya napansin ang oras,magtatanghalian na.
"Naku lagot kailangan ko na palang umuwi baka uuwi na sina kuya ng pananghalian."
anas nya sa kanyang sarili.Matapos maisalansan ang mga prutas sa basket at inilagay sa mesa ay nagpaalam na agad sya kay Yaya Emi para makauwi.
"Uuwi ka na?"
tanong ni Yaya Emi sa kanya."Opo Yaya Emi magluluto pa kasi ako ng tanghalian nina kuya at baka gutom na rin ang mga yon?"
mahabang turan ni Choon Hee."Ikaw bahala, sya nga pala heto tanggapin mo,."
ani Yaya Emi sabay abot ng isang sobre sa kanya.Kanya itong binuksan at tiningnan.Dalawang libo at limang daan ang laman noon.
"Salamat po dito Yaya Emi."
ani Choon Hee sa matandang babae"Walang anuman basta kung kailangan ko ulit ng makatulong ay pupwede ka."
sagot naman nito.Opo naman Yaya Emi basta sabihan nyo lang ako agad.Wala na rin naman pasok ngayon kaya pwede ako kung gustuhin nyo.
pahayag nya dito."Salamat naman kung ganon."
tugon naman ni Yaya Emi."Sige po aalis na po ako."
paalam nya dito.Dahil sa excitement ay hindi man lang alintana ni Jun Hyun ang pagod. Halos mahigit labin-apat na oras din ang travel nya mula Boston hanggang Korea pero hindi man lang sya nagreklamo sa haba ng byahe.
Pagdating sa airport ay labis ang kanyang tuwsng nadama at sa wakas ay nandito na sya nasa Korea na talaga sya.Kahit na first time nya sa Korea ay agad din naman nyang nakagaanan ng presensya lalo na ang mga sumundo sa kanya.
At hindi ibig sabihin na sa Boston na sya lumaki at nag aral ay hindi na sya marunong magsalita ng Korean.Tindig at aura pang European pero ang kutis at hitsura nya ay pang Korean pa rin.
At laking gulat na lang ni Sir Bum ng makita at nakaharap nya na ang binatilyong si Jun Hyun.Ang tangkad na kasi nito halos kawangis nito ang ama.Lalo na ng batiin sya nito gamit ang wikang Korean.
"Annyeonghaseyo!
Hello kamusta!"Wow! Marunong kang mag hangul?"
hindi makapaniwalang tanong ni Sir Bum."Ne,naneun malhal su-issda."
Yes, I can speak."Kahit naman sa Boston ako lumaki kung ang mga nag alaga naman sa akin ay mga Korean hindi imposible na hindi rin ako matutoto.
hayag ni Jun Hyun dito."Ang tangkad mo matangkad ka pa sa akin, at ang gwapo mo pala talagang bata.
puri nito sa kanya."Akalain mo nga naman kay bilis lang talaga ng panahon noon halos nakabalot ka pa sa lampin at nakapampers ng umalis ka papuntang US tapos ngayon heto ka isa ng binata,isang napakagwapong binata mo na.
anas ni Sir Bum sa kanya."Talaga ba Mr Bum."
nakangiting turan naman nya dito"Yan ang mga hitsura na mga pinagpapantasyahan ng mga kababaihan ngayon, Kilala mo ba yung sikat na aktor na si Ji Chang Wook?"
patuloy nito."Hindi eh. nakakamit sa ulo na sagot nya.
"Hindi ka pala nanunuod ng Korean drama o movie? talagang may pagkahawig talaga kayo, alam mo bang heartrob yun dito sa Korea."
pagkukwento ni Sir Bum.Ngiti lang ang reaction ni JunHyun sa sinabi nito.
May point din naman ito. May mga nagkakagusto din naman talaga sa kanya sa school nila pero hindi nya ito pinagtutuonan ng pansin dahil para sa kanya pag aaral muna ang dapat unang isipin.
Love comes in the right time at masyado pa syang bata para doon.
Halos tatlong oras din ang tumagal ng byahe nila bago sila nakarating ng Daegu pero hindi man lang nakatulog o na bored si Jun Hyun sa byahe.
Lalo na nang papasok na sila sa bukana ng lupain na pag aari ng pamilya Kwon.Ang simoy ng hangin,at ang magagandang kulay na tanawin sa labas ang nagpapagaan sa kalooban nya. At nararamdaman nyang nasa probinsya na talaga sya. Sayang nga lang talaga at hindi nya kasama ang kanyang ina.
Ilang metro lang ang layo nila mula sa gate ay natanaw nya ang isang nakabesikleta na kalalabas lang mula sa mataas at bakal na gate. Nakasalubong ito ng sasakyang kanyang kinalululan.
Isang babaing nakabisekleta na bihira lang nyang makita dahil sa Massachusetts ang mga babae doon ay mga nakasakay sa kotse kung may naka bisikleta man ay kadalasan mga lalaki.
Nakasuot ng puting blusa ito isang lumang pantalon ang pang ibaba habang nakapusod ang mahaba nitong buhok.Ngunit tila nilalaro ng hangin ang mga natitirang hibla nitong hindi nasama sa pagkakapuyod.
Maraming magaganda ang mga nakikita nya na pero iba rin ang ganda nito.Iba pa rin talaga ang beauty ng isang Asian na halos simple nga lang pero litaw na ang kagandahan." That was the exact beauty of an asian?"
Kahit na nakalagpas na ito sa kanila ay hinabol pa rin nya ito ng tingin.Pagdating nila halos naroon lahat para batiin at e-welcome sila. Si Yaya Emi na sa video nya lang nakikita ay tila hindi rin makapagsalita ng makita sya ng harapan,halos naluha na ito sa tuwa ng yakapin sya.
"Yaya Emi kamusta po kayo?"
bati niya dito na lalong napamangha ng marinig sya."Talaga bang ikaw na yan?Ang batang si JunHyun noon?"
paniniguro nito."Oho,.
Nakangiting tugon nya dito.Kita sa mukha ng matandang babae ang saya nito.
"Ang laki mo na pala talaga at ang tangkad mo na ngayon."
usal nito."Yan din ang sabi sa akin ni Mr Bum kanina sa airport ng makita nya ako."
nakangiting kwento ni JunHyun dito."At meron pa,
patuloy nya."Ano yon?"
Tipid naman na tanong ni Yaya Emi sa kanya."Na gwapo ako,.
nakangiting dugtong ni Jun Hyun.At nagtawanan sila.
BINABASA MO ANG
CEO's LOVER
RomanceAnong kayang gawin ng isang taong umi-ibig? You can't choose if who,when and where you fall in love.But Kwon Jun Hyun fall in love to the girl that he cannot fall for. Lahat gagawin nya para sa babaing bumuhay ng pagkalalaki nya at bumihag sa puso...