Jacob's
-At Ira's funeral-
Naririto kami ngayon sa Divine Mercy Chapel para sa mga nalalabing araw ng burol ni Ira. Halos lahat ay hindi makapaniwala. Sa mag aapat na taon unti-unti naman siyang gumagaling, actually next month pwede na siyang mailabas sa mental hospital pero biglaan nalamang siyang nagpakamatay. I am currently waiting for our other classmates including Mary.
"Pre, kamusta na? " Sakto naman ang dating ni Leigh kasama ang kanyang girlfriend na si Lovelyn.
"Okay lang naman heto meron pang 6 years sa medical course ko." Natanaw namin si Yvonne na kasama si Angelo, lumabas muna kaming dalawa ni Leigh at pinauna ang tatlo sa loob.
"Teka, asan pala si Mary at hindi mo kasama?" Biglang tanong niya ng maupo kami sa may bench malapit lang sa may chapel.
"Ah, inaantay lang nila yung closing time ng restaurant nila ni Irish pero papunta na ang mga iyon. I was about to fetch her kaso she insist na mauna na ako." Napa hmm nalang siya.
"So, napatayo na pala nila yung dream bussiness nilang magkakaibigan huh?" Tumango nalang ako. Si Irish, Jade, Den at Mary na dating nagpaplano lang ngayon ay natupad na. "Bakit parang biglaan naman ata?" Napalingon naman ako sakanya.
"Hindi ko rin alam, kahit ako hindi ko inaakala na mangyayari ito. Next month dapat ilalabas na siya...pero ayon nakita daw sa kwarto niyang nakabigti gamit yung mga kumot." Narinig kong napa buntong hininga ito.
"Tol, alam mo ba naisip ko lang...meron kayang koneksyon to sa nangyari noon?" Mas lalo akong nabigla sa tanong niya. I can't answer, hindi ko alam pero biglang natikom ang bibig ko at biglang bumigat ang hangin.
Napakagat nalamang ako ng labi. " Naisip ko rin yan, pero sana hindi."
Mary's
Kasalukuyan kaming nag liligpit na ng mga gamit minsan kailangan din tulungan yung mga trabahador namin since medyo kaunti lang sila sa night shift, and hindi naman namin inaasahan na dadami ang tao sa gabi.
Napatigil ako ng makarinig ako ng kaguluhan sa may kitchen. Agad naman akong nagpunta doon at naabutan ang isa naming trabahador na nag siseizure. "Teka, Ate Judith patawag ng ambulansya ngayon na." Kumuha ako ng kutsara at inilagay sa bunganga ni Freya.
"Anong nangyari?!" Aligagang nabitawan ni Irish ang hawak niyang mga utensils at lumuhod sa tabi ko.
"Ako na bahala dito, inform mo nalang yung iba at patapos na lahat ng gawain ako na ang pupunta sa hospital." Nakita ko itong mangiyak-ngiyak na.
Makalipas ang kalahating oras, nakarating naman naman kaagad kami sa ospital. I actually paid the bills since sa facility namin nangyari. Sabi ng doctor light attack lang daw yung nangyari pero mas maganda daw kung mag iistop muna siya mag trabaho. The truth is hindi ko alam ang gagawin, Freya is one of our best workers meron siyang kapatid na pinapaaral at kaya naman pinag work namin siya sa resto, kahit na under grad pa siya and it seems na masipag naman talaga siya.
Narinig kong nag ring yung phone ko, it was Irish. "Mary! I forgot na ipaalala sayo na pupunta tayo sa burol ni Ira. Sorry...nastress talaga ako sa nangyari kanina." Naririnig ko ang panginginig sa boses niya.
"Kalma, Freya is fine and everything has been settled down." I comforted her with words.
"Really? Mabuti naman, hindi talaga ako mapakali dito." Angal niya.
"By the way, mauna ka na muna sa pag punta sa Chapel susunod nalang ako. May kailangan pa kasi akong pirmahan dito." Napalingon ako sa nurse na kanina pa nag aantay, sinenyasan ko siya na pasensya na. Mabuti at mukhang mabait.
"Sure ka? Baka gusto mong sunduin nalang kita? Nandito pa kotse mo at susi naiwan mo pa. Paano ka makakapunta doon? Hindi ko dala kotse ko dahil sabi mo sabay tayo. Ano nalang sasabihin ko kay Jacob? Alam mo naman yo-"
"Teka teka ang dami mong sinasabi dyan! Magmaneho ka na papunta doon! Bawal pag antayin yung patay, saka ano ako bata? Hindi marunong mag commute? Dalian mo baka dalawin ka pa non." Bago ko pa ibaba yung tawag ay may napahabol pa siya.
"Shit! Mag isa lang ako dito! Bwiset k-" saka ko naibaba yung tawag.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Reunion
Mystery / ThrillerPart 2 of the Last Retreat Mahigit apat na taon na ang nakakalipas matapos ang trahedyang kanila kinaharap. Sa hindi inaasahang pangyayari sila'y muling nabuo, problema noon ay muling uusbong. Panahong ngayon sila'y masaya, akala ba nila'y tapos na?