Jacob's
I actually didn't expect na siya ang mauunang mag sorry at nag dala pa ng pagkain para saakin. Pero na feel ko naman na gusto rin itong magpaalam na aalis. Dahil sa sobrang pagod kahapon at ngayon kakatapos lang nglecture and practical exams, sumasakit ang ulo ko.
"Oh, Jacob ayos ka lang?" Inalalayan ako ni Felix makatayo dahil muntik na akong mahulog sa upuan ko.
"Medyo pagod lang." Maikling tugon ko.
"Pinagod ka ba ng girlfriend mo?" Napatingin naman ako sakanya tapos bigla itong kumindat. Maliban sa peck sa lips, cheeks and cuddles wala pa kaming balak gumawa ng bata. I fully respect her because she deserves it.
"Oho, I smell something fishy. Mabilis ka ba talagang mapagod Jacob?" Biglang sumulpot si Dean na kapag sa kalokohan talaga ay mabilis. Natawa na lang ako.
"Nope, dahil lang sa tambak na schedule at iba pa." I suddenly remembered Ira, Kailanga kong magpahinga ng kaunti dahil pupunta pa kami mamaya.
"Guys, baka gusto niyo pumunta sa bagong bukas na restaurant?" Lumapit naman saamin si Miya. Nagatinginan ang dalawa.
"Saktong sakto nagugutom na rin ako, Jacob tara itry natin." Aya ni Dean at hinila hila na ako. Actually, I really wanted to try something sa store nila Mary. Pero minsan lang naman ito.
"Just a sec, I'll get my things."
Magkasama sa kotse si Dean at Felix dahil dala ko rin yung kotse ko nakisabay saakin si Miya. Malapit lapit lang din pala ito sa restaurant nila Irish, I guess I'll visit them later. Nakarating naman kaagad kami at si Miya na nag order ng food.
"Miya, bakit parang bagay kayo ni Jacob? "Bigla nalamang nag salita si Dean, nanatili na lang akong tahimik lalo na kapag walang kwentang bagay.
"Ah what do you mean?" Napatigil tuloy kumain si Miya.
"Kasi matalino kayong parehas tapos heartthrob pa ng campus. Nakikita niyo ba yan? Makurbang katawan, mahaba at kulot na buhok, makinis at maputi, mahabang pilik mata at lastly mabait pa!" Nasapok naman kaagad ito ni Felix.
"Eh kung kumain ka na lang kaya." Tumawa na lang si Miya.
"You are making her uncomfortable." I said habang kumakain pa rin.
"Jacob looks hot, messy brown hair, matangkad, medyo macho alam ko may abs yan mga 10." Napatawa naman ako mga sinasabi niya, magaling talaga to sa kalokohan. "Fair skin at medyo cold lang."
"Yes, I know right." Ani ni Miya. Am I?
"Wait, Jacob isn't that your girlfriend?" Napatingin naman ako sa labas kung saan tinuturo ni Felix. I accidentally choked in the air. What the hell is she wearing? A fitted maid outfit with her hair tied up.
"Fuck, siya ba yung girlfriend mo? No wonder kaya ka napagod." Halos hindi rin maalis ang tingin ni Dean kay Mary and I hate the way he stares at her.
"She's a true beauty kahit tanned skin." Sabat ni Felix na nakatingin naman sa dereksyon ko at itinaas ang dalawang kilay. Napatayo nalamang ako sa kinauupuan ko at lumabas ng resto. Tumawid ako ng kalsada at unti-unting lumapit dito.
"What are you wearing?" Nagulat na lamang ito ng hilain ko siya papalayo sa area na iyon naglakad kami papalayo.
"Jacob? What a coincidence. Anong ginagawa mo dito?" Napakainosente pa ng bati nito, nakarating kami sa kotse ko at pinasok ko siya sa backseat at sumunod naman ako.
"Anong ginagawa mo?" Kinuha ko yung jacket ko sa ipinatong sakanya.
"Paano ko ba ieexplain to? Heto o." Itinaas niya yung flyers para maiharap sa mukha ko.
"What's with it at nakasuot ka pa ng ganyan?" Hindi pa rin masagot ang tanong ko ang daming paligoy ligoy. Napabuntong hininga nalang ito.
"Sabi nga nila kailangan mong gamitin ang katawan mo para sa trabaho." Proud na proud siyang nagsalit at tinanggal ang jacket agad ko naman itong binalot sakanya. Ngayon naiintindihan ko na yung posisyon niya. "Should I greet your friends? Kanina pa sila nag aantay."
"No, stay here."
"Lalabas din ako, babatiin lang e." Kahit kailan talaga ang kulit.
"Do what ever you want." Hindi ko na rin naman siya mapipigilan. She's always like that ever since we were young. Lumabas kami ng kotse at pumasok ulit sa resto.
"Hi, I'm Dean kapag break na kayo ni Jacob you can call me." Agad agad itong tumayo para makipag shake hands.
"Felix, Jacob's friend." At least Felix knows how to introduce.
"Hi! I'm Miya close kami ni Jake dahil nag oOJT ako sa St. Jude's." Nakipag shake hands din ito kay Mary.
"I'm Mary, we own the resto over there! So I hope you don't mind checking out our menu." Binigyan niya sila ng tig isang flyers, she's getting better with bussiness talk.
"I need to go, I'll pay for the bill bye." Umalis na kaagad kami at nagpunta sa resto nila Irish.
"Mary! naubos ko lahat ng flyers." Sinalubong kami ni Irish ng yakap. Napansin din namin na dumami ang customers, napatingin ako kay Mary at biglang nalang itong kumindat.
"Using your body for work, mission success." Sana hindi na nila to gawin sa susunod. Naiwan kami ni Mary sa manager's room at nagpalit muna siya sa cr ng mas maayos na damit.
"Much better." Ani ko ng lumabas itong burado ang make up at nakauniform na para sa shop nila.
"Jake pala ha. So you're Jake now." Naupo ito sa may sofa at tumabi naman ako sakanya.
"She said Jacob is too long, so she's calling me Jake." Hinila ko naman siya papalapit saakin.
"Magsama kayong dalawa." Is she seriously jealous? Well...it also made me happy.
"Okay, I won't let her call me that. Iiwasan ko siya if you want just tell me." Tinitigan ko siya sa mata and she just smiled.
"Just kidding. Wala ka ng gagawin sa univ?" Umiling ako. "Ako meron pa, I'll manage the store pa you can nap here may kwarto sa left side use it. I'll wake you up nalang, sweet dreams." She kissed my forehead then, took her leave.
"I'm going crazy." I mumbled.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Reunion
Mystery / ThrillerPart 2 of the Last Retreat Mahigit apat na taon na ang nakakalipas matapos ang trahedyang kanila kinaharap. Sa hindi inaasahang pangyayari sila'y muling nabuo, problema noon ay muling uusbong. Panahong ngayon sila'y masaya, akala ba nila'y tapos na?