Xela's
Nagising akong halos hindi malaman kung nasaang bahay ako, ang naaalala ko lang ay nung binigyan ako ni Myra ng gummy bears ba iyon? Fuck, I feel dizzy.
"You're already awake?" Napatingin naman ako sa lalaking nakahilata sa tabi ko. I mean I'm used to it na, I've slept with a lot of guys but mostly mga kaibigan ko lang and walang masama don as long as masatisfy lang namin yung nararamdaman naming pagkasabik.
"Nasan ako?" Tanong ko, napahmm nalang si Gerald.
"Emerald Hotel." maikling tugon nito at bumalik sa mahimbing na pagtulog niya. Kahit kailan talaga itong lalaking to.
Bumangon na kaagad ako at nagtungo sa shower. Tanginang hangover to and sakit talaga sa ulo, first time kong makaramdam ng ganito kasakit na hangover. Napaderetso naman ako sa sink, ibinun ko yung buhok ko saka ako nag hilamos. Putcha ang lamig ng tubig matapos kong magsabon ng mukha ay napatitig ako sa salamin na nasa harapan ko. Mga ilang minuto ang lumipas at nakatitig pa rin ako sa salamin. Napaisip ako kung ano ng nangyayari sa buhay ko, matapos ng retreat hindi ko na alam kung tama pa ba to...muling tumulo ang mga luha ko.
"Kasalanan mo to." Halos nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang pamilyar na boses mula sa aking likuran.
"Kyla?" Buhay pa siya? Ano ba itong nakikita ko?
"Hindi mo man lang ako nagawang iligtas." Bumalik sa isipan ko ang lahat ng pangyayari kahit matagal ng panahon ang nakalilipas, hinding hindi ko makakalimutan ang lahat. Bakit? bakit kami pa?
"I can explain, Kyla please I'm sorry..." Tuloy pa rin ang pag hagulgol ko sa loob ng banyo, matagal ko ng sinisisi ang sarili ko sa pag kawala niya. Ako na kaibigan niya ay walang nagawa...
"Fuck." Pumikit ako panandalian at pagtingin ko ay nawala na siya. Hindi ko na alam...kakayanin ko pa ba ito?
Mary's
Napagdisisyunan namin ni Irish na mag sarado ng maaga dahil may pupuntahan pa kaming lamay. Naexplain na naman namin sa mga trabahador namin at nakikiramay din sila, binigyan din muna namin ng pahinga si Freya dahil baka kung ano pa ang mangyari sakanya. Hinayaan ko rin makatulog si Jacob sa manager's room, madalas kasi namin gamitin yun kapag nag oover time kami ni Irish.
"Tapos ka ba mag ayos dyan?" Tanong ni Irish mula sa kusina, akala ko nakaon yung speakers at nakamikropono yung gaga. Abot labas yung boses niya, nagwawalis kasi ako sa harapan namin halos mag aala-singko na ng hapon.
"Malapit na, ipapasok ko na lang itong mga karatula." Sabat ko sakanya habang isa isa kong dinala paloob yung mga gamit sa labas. Hanggang ngayon hindi ko pa rin ginigising si Jacob, halatang pagod siya sa mga gawain niya sa university kaya hinayaan ko na lang muna na matulog siya.
Natigilan akong mag ayos ng matanaw ko ang isang matanda sa gilid ng resto namin, nandon lang siya nakaupo sa may bench at mukhang gutom. Pumasok muna ako sa loob at pinuntahan si Irish sa may kusina.
"Meron pa ba dyang natirang ulam at kanin?" Nakita ko siyang nag pupunas ng mga platito.
"Marami pa nga e, bakit?" Itinuro niya kung saan nakalagay yung mga sobra kanina. Hindi rin naman namin mauubos to at for sure mapapanis lang.
"Merong matanda doon sa labas, nakakaawa naman mukhang hindi pa siya kumakain e." Tumango tango na lang ito at nag tungo na ako sa ref.
"Meron ding natirang cookies sa may cabinet ibigay mo na rin, hindi naubos nila manang." Pumunta rin ako sa may cabinet at pinack yung mga pagkain ng maayos. Kumuha rin ako ng mga bottled water mga dalawa. Saka ako lumabas ng resto.
"Heto po pala para sainyo." Nang makalapit ako dito ay biglang lumiwanag ang mukha nito, teka para siyang pamilyar saakin.
"Maraming salamat saiyo." Iniabot ko naman sakanya yung pinack ko na pagkain.
"Walang anuman ho." I said, pero bakit iba yung pakiramdam ko. Tumalikod na ako at bago pa man ako makapasok sa loob ng resto ay bigla siyang may pahabol na salita na lubhang kinagulat ko.
"Ija, huwag mong hahayaan na mangyari ulit yung nakaraan. "
BINABASA MO ANG
The Unexpected Reunion
Mystery / ThrillerPart 2 of the Last Retreat Mahigit apat na taon na ang nakakalipas matapos ang trahedyang kanila kinaharap. Sa hindi inaasahang pangyayari sila'y muling nabuo, problema noon ay muling uusbong. Panahong ngayon sila'y masaya, akala ba nila'y tapos na?