Chapter 4: Her Last Letter

10 2 0
                                    

Angelo's

"Now, now what do we have here? A lover's quarrel. Hahahaha" kakarating lang kasi ni Mary at nakabusangot si Jacob.

"Anong nangyari Mary? Bat mukhang badtrip ka?" Pangangasar ni Yvonne habang hindi umaalis sa tabi ni Mary si Jacob.

"Iniwan ba naman ako mag isa sa kotse." Pairap na sabi ni Mary saka pumasok sa loob, hindi ko alam kung matatawa ba ako sa itsura ni Jacob.

"Pano ba yan pre? Mukhang malapit na ang break up niyo." Ani ni Leigh na nakikisali na rin.

"Hmm marami pa naman akong kilala sa campus namin. For sure panalo ang ganda ni Mary don." Sabat ni Irish habang nangata ng egg sandwich.

"Fuck..." Wala itong nagawa at sumunod nalang sa loob.

"Matagal tagal din tayong hindi nag kita, kahit wala pa yung iba. Balita ko si Nicole at Kieffer pauwi na galing probinsya?" Panimula ko, halos mamiss ko kasing makasama ang mga ito.

"Yep, siguro may nabuo na. Same with Brianna ang Aj baka nga..." Si Irish na tumataas na ang kilay.

"Kelan naman pupunta si Xela?" Tanong ni Leigh na inaayos ang buhok ni Lovelyn.

"Baka raw bukas, busy sa clubbing." Sabi ko sakanya, kahit naman ganon ang babaitang iyon e napakasikap pa din mag aral. Wasted lagi pero matalino.

"Si Ichie kaya kamusta na ba siya? Magaling na ba?" Sakto naman ang labas ni Mary habang nakasunod pa rin si Jacob.

"Yup, mas maayos na raw ang paningin na pero blurry pa din well...kesa naman noon na halos mabulag na raw siya." Si Leigh talaga ang may pinakamaraming alam at close sa dsti naming kaklase. Ano pa ba maasahan talaga siya dati as a president.

"Mga ijo at ija, salamat naman sa pag punta ninyo. Alam kong matutuwa si Ira kapag nakita niya kayong magkakasama." Napadaan din sa labas ang tatay ni Ira na mugto pa rin ang mata.

"Ay magandang gabi po sainyo, pasensya na ho sa ingay namin." Ani ni Yvonne.

"Magandang gabi." Bati nila Mary.

"Magandang gabi rin ho." Sabat nila Jacob at Irish.

"Heto pala nakita namin ang sulat na ito sa kwarto ni Ira. Nakapangalan sa inyo." Ibinigay niya ang sulat kay Mary, mukhang nabasa na ito at may bahid pa ng dugo.

For class **** to ****
        Kung kakamustahin niyo ako, mabuti na ang kalagayan ko at hindi na mapakali makalabas. Pasensya na sa mga nagawa kong kasakiman at sana mapatawad niyo ako. Nadala ako ng emosyon at galit hindi ko na naintindihan ang sarili ko. Natutuwa ako at naging kaibigan ko kayo, lahat ng alaala natin ay masaya para sakin maliban sa araw ng retreat natin. Mag iingat kayo da-

Halatang may punit ito sa bandang dulo ng papel para bang dahil sa basa,kaya napunit. "Parang kulang...anong gusto niyang sabihin?" Nagtatakang tanong ni Irish.

"Sa hospital...saang hospital po ba siya lumipat?" Biglang singit ni Mary.

"Sa San Diego, bakit mo naman naitanong?"

"Nandon pa po ba yung mga gamit niya?" Anong gusto niyang iparating?

"Hindi ko lang alam, mostly kasi ang kinuha lang namin ay mga importanteng gamit niya." Sumangayon nalang si Mary.

"Ah ganon po ba, salamat."

"Why are you so curious?" Tanong ni Leigh.

"Nothing...Babalik na lang ako dito bukas. I'm too tired." Ani nito habang humihikab.

"Dadating naman ata yung iba bukas, magkita kita nalang ulit tayo rito." Inalalayan ni Leigh si Lovelyn na makatayo dahil nakaupo ito sa may semento.

"Kailan pala ang libing?" Dagdag ni Yvonne, sabagay para mafree ko na din yung sched ko.

"Next week, inaabangan lang yung iba na makarating. For sure matatagalan kila Kieffer, Cebu ba naman." Sabat ni Leigh ,Nagsimula na ang iba na mag ayos.

"Sana makumpleto ulit." Huling sabi ko.

"Matapos ng retreat hindi na naman talaga tayo kunpleto." Napatingin kami kay Mary na nag simula na mag lakad papunta sa kotse niya. Sabagay...tama nga naman siya. Lagi na kaming kulang.

The Unexpected ReunionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon