Chapter 3: Remember?

12 2 0
                                    

Ichie's

Dahil sa aksidenteng nangyari noon nagkaroon ako ng trauma at unti-unting lumabo ang mga mata ko. For almost 4 years halos mabulag na ako at walang makita, mabuti nalang ay pinakilala saakin si Dr. Arielle isang opthomologist at dati na ring chemist.

Nagpasama ako sa assistant niyang si Mae na bagong hire nila last week lang. I enjoy being with her, medyo kaage ko lang din siya. My vision is still blurry pero mas maayos na rin ito kesa noon. Nakarating na kami sa clinic ni Doc at kasalukiyang naghahanda na ito para sa weekly check up ko.

"So, kamusta ang mga mata mo? Any irritations sa new medications? Nag iimprove ba or is it still blurry?" Tanong nito habang naririnig ko ang pagscribble ng kayang pen.

"Hindi ko po alam doc, pero medyo blurry pa ang paningin ko at since last 2 month pa po ito but, mas maayos kesa noon." Narinig kong napatigil ito sa pag susulat.

"I see...let's have you checked up. Mae, please assist Mr. Shorichie." Naramdaman ko ang tapik ng kamay sa balikat ko. Dahan dahan niya akong inalalayan at naamoy ko ang pabango nitong mabulaklak sa ilong parang chrysanthemum.

Natapos ang check up at nag bigay ng panibagong gamot si doc. hopefully ay mas lalong mag improve ang aking paningin. Matapos akong ihatid ng assistant na si Mae ay sinalubong ako ng magulang ko.

"Salamat sa pag hatid sa anak ko. Halika, may ibabalita ako sayo." Inantay muna ni mama na makaalis si Mae at saka kami pumasok sa loob.

Pinaupo ako at pinaghainan ng meryenda. "Ma, ano po ba iyon? Pinapakaba mo ako."

"Nabalitaan mo na ba ang nangyari sa kaklase mong si Ira? Natatandaan mo pa ba siya?" Agad kong naalala ang mga panahon na gusto kong kalimutan, mga alaala na masakit tandaan.

"Ah si Ira? Balita po makakalabas na siya next month. Napaaga ba ang pag alis niya? Mabuti sana kung ganoon." Naramdaman ko ang mga kamay niya sa kamay ko.

"Anak, nagpakamatay ang kaklase mo." Halos manlumo ako sa aking narinig, bumili ang tibok ng puso ko, lubhang nanginginig ang mga tuhod ko at bumigat ang pakiramdam ko. May koneksyon ba ito noon? Magsisimula ba ang kinakatakutan ko?

Jacob's

All I did sa café ay wala she kept on blabbering things but my mind is away. It has been 30 minutes at feeling ko nakapag pahinga na si Mary so I might just go back.

"Miya, I need to go back. Mary is probably waiting for me in her car." Nakita kong nagbago ang expression nito.

"Iniwan mo siya para mag kape? How silly of you." She chuckled.

"Yes, because I wanted her to rest." I took my coffee cup and choco latté for Mary then, left.

Nakarating na ako malapit sa may kotse, marami rami pa namang tao kung saan ako nag park napili ko yung pwesto na yon para hindi siya gaanong matakot if ever na may mangyari. Nakita ko si Mary na tulala at para namumutla is she sick?

Kinatok ko ang bintana nito at nahulog nito ang phone niya hawak. Napahawak ito sa dibdib niya at binigyan ako ng masamang tingin. "Saan ka ba galing? At bakit ngayon ka lang? Alam mo ba na kanina pa ako mag isa dito?" Nakakunot ang noo nito ng buksan ang bintana, nagagalit itong mahinhin ang boses dahil maraming tao ang nakapaligid pa.

"Ano bang nangyari?" Nabitawan ko na yung kapeng hawak ko. At binuksan ko ang pintuan malapit sakanya, hinawakan ko siya sa balikat.

"Wala, umalis na tayo..." Hindi niya akong tiningnan sa mata.

"Look, I'm sorry okay? I left kasi I wanted you to take a nap while I'm buying something." Itinaas ko yung paper bag ng starbucks pero hindi niya pinansin. I sighed I feel so tired matapos mag kape, I wonder why?

Isinarado ko ang pinto at nagpunta sa may driver's seat. Nakikita ko pa rin yung bags sa mata niya nakaiglip ba talaga siya? "Nakatulog ka ba kahit kaunti?" Tanong ko at napabuntong hininga ito.

"Nope, not even a wink." Hindi ko pa naidalpak ang susi at natigilan ako sa sinabi niya pero pinagpatuloy ko ang pag papaandar.

"Bakit naman?" Nagsimula na akong magdrive papaalis sa parking lot.

"Jacob...natatandaan mo pa ba yung pastor sa retreat house?" Agad akong napapreno at muntik na siyang maumpog sa may salamin. "Shit! Jacob ano ba? Sabihin mo lang kung gusto mo na ako na magmamaneho."

"Sorry, nagulat lang ako sa tanong mo. Ano ba talagang nangyari nung wala ako?" Nakita ko itong mag dalawang isip kung sasabihin ba niya.

"Nevermind, baka madisgrasya pa tayo. " Inayos niya ang kanyang seatbelt at nanatiling nakatingin lamang sa labas.

"Fuck, bakit ba kasi umalis pa ako?" Pabulong na tanong ko sa sarili ko.

The Unexpected ReunionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon