Chapter 4

2 3 0
                                        

Chapter 4

Hindi kami umuwi ni Ada hangang hindi pa nagsasara ang Bar. Masyadong madaming tao ngayon dahil narin siguro ay Biyernes.

Unti unting nagsi-alisan ang mga costumer kaya tumulong na ako, may gusto pang mag extend kaso hindi na pinayagan ng mga bouncer dahil sobrang lasing na at baka magka gulo pa.

Inilibot ko ang paningin ka sa buong Bar at nakahinga naman ako ng maluwag na walang bakas ng lalaking yun. Tumulong ako sa pag kuha ng mga baso sa mga mesa, may mga basag ding buti sa VIP table. Hindi ko alam kung may nag away ba kanina dahil nasa kusina lang naman ako.

"Scarlet tara na...nahihilo na ako. Naka inom ata ako hihi" umiling ako ng nakitang pumula na ang mukha ng kaibigan ko at hindi niya na kayang tumayo ng tuwid.

"Teka lang last na ito"

Pumasok ako sa kusina at nilagay ang mga baso doon. May nag huhugas pa naman buti at nahabol ko, bago ako lumabas ng kusina ay nag paalam muna ako sa mga tao doon. Nag pa alam na din ako kila Bubbles bago kami lumabas sa Bar dahil itong kasama ko ay sobrang nagmamadali na.

Napagpasiyahan niyang sa bahay nalang daw siya matutulog dahil pagod na siyang umuwi sa kanila at halata kong lasing na tagala ang kaibigan ko kaya ayos lang din na samin muna siya. Medyo malayo din kasi ang bahay nila Ada kung mang gagaling ka dito sa Bar.

Pagka labas namin ay may isang pamilyar na sasakyan akong nakita, hiniwakan ko ang kamay ni Ada at nagmadaling maglakad para malagpasan ang sasakyan.

"Ano ba Scarlet! Dahan dahan naman masakit ang paa ko, buti kapa nga nasa kusina ka lang kanina eh..."

Kapag minamalas ka nga naman ay mukhang na lintekan na ang babaeng ito, pumi-pikit pikit ang mata niyang naglalakad. Mas lalong siyang bumabal sa pag lalakad kaya bago pa man namin malagpasan ang sasakyan ay bumukas na agad ito at lumitaw ang mukha ng lalaking ayaw na ayaw kong maka salubong sa gabing ito. Nakaharang na siya ngayon sa dadaanan namin.

"Umalis ka nga pogi! Uuwi na kami ng kaibigan ko..."hinawi siya ni Ada kaya muntik ng mabuwal ang babaeng ito. Buti nalang at nasalo niya agad si Ada bago pa ma salampak sa kalye.

"Ihahatid ko na kayo" umiling agad ako at binawi ang kaibigan kong hindi na mabalanse ang katawan niya.

"Hindi na--"

"Ano ka ba naman friend! Yun naman pala ehahatid tayo dika agad nag sabi pogi! Hihihi sumama na tayo nag mamagandang loob na itong si pogi e....Kita mong pagod na ako dito oh tara na pogi buksan mo! Bilis!" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ada at bumuhay na naman ang kaba sa dibdib ko.

At ang masunuring lalaking ito naman ay mabilis na binuksan ang backseat niya't inalalayan ang kaibigan kong wala na sa sarili para maka pag isip ng tama. Akala ko ba ay gusto niyang umiwas ako sa lalaking to pero parang ngayong naka inom siya ay masama itong idea para sa akin.

"Thanks pogi!"umikot ang mata ko ng nakitang parang tangang sabi mi Ada sa lalaking 'to at agad na humiga sa backseat, akala mo'y siya ang may-ari. Huminga muna ako ng malalim bago hinarap ang lalaking naka antabay na sa pintoan ng kanyang sasakyan para sa pag pasok ko. Nakatitig lang siya sakin at naghihintay kung kilan ako papasok.

"Pasenya kana lasing ang kaibigan ko, hindi ka na sana nag abala pa di ka sana matatagalang umuwi ngayon" nakatingala ako ngayon sa kanya at napatitig sa kanyang pula at manipis na labi. Naiisip ko naman agad ang gabing may nangyari sa amin, biglang uminit ang pisngi ko ng ma alala paani siya gumalaw nun sa ibabaw ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Calamitous of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon