Chapter 3

15 6 1
                                        

Chapter 3

Pagdating na pagdating namin sa condo niya ay binuhat niya ako agad at ipinasok sa kwartong hindi ako pamilyar. Hiniga niya ako malambot na kama, dahil madilim ay hindi ko kita ang loob ng kwarto niya.

Ang tanging na aaninag ko lang ay ang pag huhubad niya ng kanyang suot. Maliwanag ang buwan ngayon kaya may konti akong na aaninag.Hindi ako makagalaw sa kinahihigaan ko basta ay ang nararamdaman ko lang ay ang malakas na tambol ng puso ko. Parang gusto na nitong lumabas sa dibdib ko, sobrang ingay nito at nakakabingi.

Naramdaman kong gumapang siya sa akin at dinaganan ako. Sinimulan niya na naman akong halik saglit sa labi bago niya binaba ang halik niya sa leeg ko. Kasabay noon ay ang pag himas niya sa bewang ko na may halong pang-gigil.

Dali dali niyang tinaas ang damit ko para mahubad ito sakin. At para hindi na siya mahirapan ay tinulungan ko naman siya sa gusto niyang mangyari. Tumigil siya kakahalik sa leeg ko't naaninag kong nakatitig siya sa dibdib kong walang saplot. May foam na kasi yung suot ko kaya hindi na ako naka pag suot mg brassiere.

Uminit ang pisngi ko ng napagtantong titig na titig siya doon at parang galit na nakatitig dahil sa pag kunot ng kanyang noo. Narinig ko pa siyang malutong na nagmura bago yumuko at halikan ako doon.
Napahawak ako sa buhok niya at napatingala.

Nakakabaliw, hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko dahil sa banyagang nararamdaman ko sa kaloob looban ko. Masyado akong lasing sa ginagawa niya sa katawan ko. Hindi ko alam, gusto kong matigil ang lahat ng ito pero may parte din sa aking sumisigaw na hindi dapat kami tumigil.

Basta ay nagising nalang ako ng sobrang sakit ng katawan ko at ang pagitan ng hita ko, sa unang pagkakataon ay nabigay ko ang natitirang yaman ko sa sarili sa lalaking ka kikilala ko palang. Wala na bang mas tatanga pa sa akin?

Nilingon ko ang lalaking katabi ko sa kama at tinitigan ang mukha niya. Hindi ako magugulat at magwawala sa nangyari dahil ginusto ko naman ang lahat ng ito. Hindi din ako lasing para mag reklamo dahil sa aming dalawa ay siya naman ang naka inom. Kahit bumabagabag sa aking wala na ang iniingatan ko ay pilit akong tumayo sa kama na sapo sapo ang ulo ko at e ika-ikang maglakad.

Natatandaan ko lahat ng nangyari sa amin kani kanina lang. Tiningnan ko ang cellphone kong may tatlong tawag galing kay Ada bago tiningnan ang oras. Alas tres palang ng umaga hindi ako sigurado kung may sasakyan ngayon basta ay ang alam ko kailangan ko ng umuwi.

Maingat kung pinulot ang damit ko at sinuot ito ng dahan dahan. Bago ako umalis ay nilingon ko pa siya ng isang beses bago dahan dahang sinara ang pinto ng kwarto niya.Kung sini-swerte ka nga naman ay may taxi'ng dumaan kaya mabilis ko namang pinara at sinabi ang address ko.

"Ate si ate Ada nasa labas...ate..."naramdaman kong may yumugyog sa akin kaya dinilat ko ang mga mata ko.

"Mico? Nakauwi kana pala?"dahan dahan akong umupo sa kama at sinapo ang ulo kong sobrang sakit pati ang buong katawan ko.

"Oo ate kanina pa. Wala po kaming pasok e. Pero si ate Ada nasa labas po hinahanap ka"

"Bakit? Teka anong oras na ba?"takang tanong ko at pinakiramdaman ang gutom na sikmura ko.

"Alas dos na ng hapon ate" namilog naman ang mata ko. Ganon ako katagal natulog?

"May lakad pa ako ate pa papasokin ko nalang si ate Ada dito ah" tumango nalang ako sa kapatid ko kahit gulat na gulat pa din ako sa tagal ng iginising ko.

"Scarlet! Jusko naman! Hinanap kita kagabi! Nag aalala ako sayo saan kaba nag susuot kagabi at nawala ka bigla!"niyakap niya ako ng mahigpit bago umupo sa gilid ng kama ko.

Calamitous of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon