Chapter 2

13 8 0
                                        

Chapter 2

Umiling iling ako at umatras palayo sakanya. Umiwas agad siya ng tingin sakin at lumagok ng inomin na inabot niyang nasa mesa.

"Ibabalik ko nalang ang bayad mo hindi ako lumalabas kasama ang costumer pasensya na" binunot ko ang pera sa bulsa ko at nilapag sa harap niya.

Iniwan ko siyang nag iisa doon. Hindi na din ako bumalik pa dahil kinakabahan akong isipin ang sinabi niya sakin. Kung hindi pa ako nakapag pigil ay baka sumama agad ako sakanya.  Umiling iling ako ngayong naka harap sa salamin. Ako lang ang mag isa dito sa dressing room dahil abala na marahil ang iba doon sa labas. May kanya kanyang diskarte para magkapera.

Huminga ako ng mamalim nang nagtantong binalik ko ang pera at wala akong perang maii uuwi ngayon. Wala na din akong gana pang bumalik sa labas at baka makita ko na naman ang lalaking yun.

Nag bihis nalang ako at inayos ang mga gamit ko. Dumaan ako sa likod para maka labas agad ng di nakikita ng iba. Naglalakad lang ako pauwi ngayon dahil wala ako ni isang kusing, nakakainis din yung baklang yun hindi ko nakita. Hindi tuloy ako naka hingi. Sanay naman akong nag lalakad kaya ayos lang.

At isa pa kilala ko na din ang mga taong gumagala sa gabi dahil costumer ko ang iba sa Club. Niyakap ko ang sarili ko nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin sa gabi. Nag iisip ako kung saan ako makaka-otang para sa perang kailangan ng kapatid ko.

Nahihiya din akong kunin iyong pera dahil tinangihan ko ang lalaking yun na lumabas. Hinaplos ko ang labi ko ng maisip na naman ang ginawa kong pag halik sa kanya. Pumikit ako ng mariin at winala sa isip ko ang nangyari.

Nabigla ako ng may bumusinang sasakyan sa akin kahit na nasa gilid naman na ako ng kalsada. Biglang bumaba ang bintana ng kotse at nakita ko doon ang lalaking iniwan ko kanina sa Bar.

"Hatid na kita" baritong boses agad ang narinig ko. Hindi ko lubos maisip na ganito pala ang boses niya kanina. Marahil ay maingay doon kaya hindi ko masyadong napa kingan ang boses niya doon.

"H-ha? Ayos lang hindi na kailangan malapit lang naman ang samin. Sige" naglakad na ulit ako, naramdaman ko siyang sumunod na naman sa akin. Binagalan niya lang ang takbo ng mamahalin niyang sasakyan para masabay ako, kaya hindi ako nakapag pigil ay nilingon ko na ulit siya.

"Ayos lang talaga. Hindi mo na kailangang gawin yun. Pasenya kana kanina hindi talaga ako sumasama kapag nilalabas ako. Hayaan mo na ako" pagkatapos kong sabihin yun ang mabilis akong lumiko sa masikip na kalsada at nagmadaling tumakbo para maka punta agad sa kabila. Nandon pa kasi ang bahay namin.

Kumatok agad ako pagdating ko. Pinagbuksan naman ako ng kapatid kong may hawak na namang libro. Siguro ay nag aaral na naman siya dahil may pagsusulit na naman bukas.

"Ayos ka lang ate? Bakit hinihingal ka?"kumuha siya ng isang basong tubig at binagay sakin.

"Oo. May humabol lang kaya tumakbo ako"ininom ko ang tubig at hinubad ang lumang sandals ko.

"Ate may pera na ako pang bayad bukas. Pinahiram ako ng kaklase ko"umupo sa tabi ko ang kapatid ko at pinakita ang limang libong hawak niya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Mabuti naman dahil sa katangahan ko kanina ay hindi ako nagka pera.

"Buti nalang, wala kasi akong costumer kanina Miko kaya pasenya na. Ako ang magbabayad niyan bukas. Matulog kana" tumango lang ang kapatid ko at pumasok sa kwarto niya.

Nagising nalang ako ng tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Nakatulog pala ako ng hindi nakakain kagabi, nagpapahinga lang sana ako sa kwarto kagabi pero nakatulog na pala ako. Tinali ko ang buhok ko inayos ang kama ko.

Calamitous of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon