Chapter 1
"Kung ako sayo mag sayaw ka nalang sa labas ng kumita ka naman! Hindi iyong nag mumukmok ka dyan ng walang kinikita!" Sermon ni Ada sakin habang naka upo ako sa harap ng salamin.
Busy ang lahat sa pag mi make up at dahil tapos na ako ay nag mukmok nalang ako.
"Sabay na tayo. Ayokong lumabas ng mag isa" matamlay kung sinabi.
"Sinabi ko naman kasi sayo! Walang kwenta ang lalaking yun-"
"Oo na oo na tara na nga"hinila ko siya palabas ng namataan na tapos na siya sa mukha niya. Nasalubong pa namin ang baklang make up artist ko kanina, tinampal nito ang pwet ko. Para sa pag papa alala ng bayad sa make up kanina.
"Oo nga pag kumita ako ngayong gabi!"sigaw ko at agad nagpatuloy sa pag lalakad. Ng maka labas sa bukana papuntang stage binitawan ko na si Ada at dahan dahang lumabas sa stage.
Madami kami doon nasa gilid lang ako. Gumigiling, sumasayaw na parang walang nakikita. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng madilim at maingay na kwartong 'to, sa dami ng mga tao ngayong gabi. Imposibling wala akong kikitain.
Sinenyasan ako ni Ada na may mag t-table sakanya. Kumindat naman ako sakanya kaya nag hiyawan ang mga lalaki doon. Sinuyod ko ito ng tingin, mayayaman.
Pwede ito, lima silang nasa upuan makikisig at mukhang mga walang asawa o sa itsura lang iyon? Humarap ako sakanila saka ginalingan ang pagsasayaw.
"Woah!"sigaw nung lalaking naka suit. Mukhang kagagaling pa nito sa trabaho. Kinindatan ko iyon at tumalikod na para pumunta sa kabilang dako ng stage sumasayaw gaya ng iba. Walang paki alam sa mga nanonood.
Kung sayaw lang naman ayos lang sakin. Sanay ako dito sanay na sanay. Pero kung ilalabas na kami ibang usapan nayon. Pera ang hinahanap ko dito hindi katalik.
Ngumiwi ako ng may matandang gusto akong abutin. Sumasayaw nga kami ng ganito pero hindi naman kami nag papahawak o nagpapa galaw. Ayos lang kung e table kami. Other than that, ayoko na. Depende din iyon sa mga pumapatol talaga yung mas nanga ngailangan.
Malaki laki naman lagi ang tip ko kaya ayos lang at dalawa lang naman kami ng kapatid ko. Pag aaral lang niya ang iniisip ko. Kolehiyo na siya at malaki ang matrikula niya dahil engineering ang kurso.
Kahit hindi ako nakapag aral ay pinasa ko na ang pag asa ko sakapatid ko. Matalino siya at pursigedo kaya tiwalang tiwala ako na makaka ahon kami sa hirap dahil sa kanya.
Nakita ko iyong baklang nag make up sakin pinsan nito ang may ari ng bar, suminyas ito na bumaba ako. Kaya naman sinunod ko ito.
"Ano?!"iritado kung angil.
"Gaga! May nag papa table sayo!"Winagayway niya ang ilang libo na hawak niya at binagay sakin ang kalahati.
"Hangang isang lingong bayad yan ah!"inirapan ko siya. Sa halip na patulan ang pag mamaldita ko ay nginuso niya iyong lalaking gustong mag table sakin.
Tinitigan ko ang lalaking kasama noong lalaking kinindatan ko kanina. Mukhang nag hihintay nga sakin malamang Scarlet! Binigyan ka nga mg ilang libo agad! Kaloka naman. Kung ilalabas ako neto ibabalik ko ang kalahati, yung nasa bading syempre lugi naman ako pag yung sakin.
Naglakad ako palapit sa mesang iyon at tumayo kaharap ang lalaking naka luwang ang tie, mala modelo sa isang magazine. Naka akbay ang kamay niya sa sofa at ang isa naman ay nakatapik lang sa hita nito.
"Naks! Ang bilis mo ata ngayon Val"ngumisi iyong naka corporate attire. Kumindat ito sakin kaya ngumiti nalang din ako.
"Ako ang ngitian mo hindi yan, binayaran kita ngayong gabi." aroganting sambit nito.
Hindi ko alam pero nairita ako sa sinabi niya. Sa dami ng na table ako noon mababait naman sila sakin. Bakit ang isang ito ay parang halimaw.
Imbis na irapan ko ito ay ngumiti ako ng sobrang plastic at umupo ng pabebe sa tabi niya.
"Regular customer kaba dito Sir?" mema sabi lang scarlet sige lang. Go lang sayang pera nito e. Lumingon ito sakin na parang naiirita sa kung sino. Bumuntong hininga ito bago ako sinagot.
"No"
Maingay na nagtatawanan ang mga kasama nitong may kanya kanyang babae na. Mga kasamahan ko ito at mukhang gustong gusto ang mga costumer nila ngayon dahil lahat naman ay gwapo at halata mong mayayaman.
"Hmm. Bakit ngayon ka lang nakapunta dito?"kunot noong tanong ko. Nag kunwaring interesado kahit hindi naman talaga.
Humarap ito sakin at tinitigan ako. Hindi ko alam pero bigla akong na conscious sa itsura ko.
"Don't have always extra time for this" hirap niyang sinabi. Umiling ito na parang nahihirapan at uminom ng inomin na hawak niya.
"Tol alis nako. Alam muna"ngumiti sakin ang babaeng naka kapit sa braso ng kasama nitong Val sa pagkakarinig ko kanina.
Tumango lang itong katabi ko at hinarap ako. Akala ko may sasabihin siya pero wala naman pala. Imbis ay hinawakan niya ang hita ko at ginilid ng mabuti para maka daan ng maayos iyong kaibigan niyang nagpa alam.
Gusto ko siyang sampalin pero parang wala lang naman pala iyong ginawa niya sakin. Kumunot lang ang noo niya at binitawan ang hita ko.
"S-salamat" mahinang saad ko hindi ko alam kung rinig niya ba dahil sa ingay o hindi. Hindi niya na ako nilingon ulit kaya naman hinila ko ang kwelyo nito at hinalikan ng mariin.
Hindi ko din alam kung bakit ginawa ko iyon. Siguro ay nagalak lang ako sa perang ibinayad niya sakin. Sayang iyon kung kakausapin ko lang siya' t tapos na agad. Halik lang naman, halik lang.
Pero iyong halik na ibinigay ko ay ginantihan niya ng mainit at mapanuyong halik. Amoy alak ang bibig niya at animoy kaka mouthwash lang sa sobrang bango.
Naramdaman kung hinawakan niya ang bewang ko at mas inilapit pa ako sakanya.
Click!
Natulak ko siya ng may narinig akong click ng camera at sa silaw na din galing noon.
Dahil sa malapit ito samin ay mabilis niyang na abot ang cellphone at ibinulsa galing sa kaibigang humahalakhak patungong dance floor.
Umiwas ako ng tingin at natahimik. Kaming dalawa nalang pala dito sa table. Hindi ko namalayan iyon dahil sa halikan naming dalawa.
Uminit ang pisngi ko sa naisip kung sobrang lambot ng labi niya. Pakiramdam ko ay mas malambot pa ang labi niya sa labi ko.
Imbis na mandiri ay nagustohan ko iyong halik niya. Gustong gusto ko, lumingon ako sakanya at nakitang kagat nito ang labi niya bago binigkas ang nagpakaba sakin ng sobra.
"I want you out tonight, with me"