Pusong Binalewala

20 1 0
                                        

Araw-araw tayong nagkikita,
minsa'y sa grupo'y nagkakasama.
Ang araw ko'y sumasaya.
Masilayan ka,araw ko'y sumisigla.

Ngunit tanggap ko na,
tanggap ko na'ng gusto mo ay iba.
Kaya itatago ko nalang ang aking nararamdaman,
dahil wala ako sa posisyon para ika'y pigilan.

Pero bakit?bakit ganito?
Tinatrato mo'ko na parang espesyal sa'yo.
Pinaglalaruan mo ba ang damdamin ko?
Ang aking puso'y iyong pinapagulo.

Kaya tama na!ayo'ko nang umasa ulit,
hindi ko na makakaya ang sakit.
Tama na yung minsa'y ako'y umasa,
dahil napapagod din ang puso kong binalewala.

Mis PoemasStories to obsess over. Discover now