Ako'y may lalaking napanaginipan,
ngunit ang lalaking ito'y 'di ko kilala.
Ako'y sa kaniya'y napahanga,
kung kaya't di nilulubayan ang aking isipan.
Ang kanyang tinig ay nakakamangha,
ngunit 'di ko maaninag ang kanyang mukha.
Ang kanyang ugali ay nakakabighani,
sapat na upang mabihag ang isang binibini.
Ngunit tila ito'y guniguni lamang ng aking isipan,
kung kaya't palagi ko siyang napapanaginipan.
Ako'y hindi na dapat nag-iisip ng ganito,
Dahil ang lalaking iyon ay malabong maging totoo.
YOU ARE READING
Mis Poemas
ŞiirAng nilalaman nito ay collection ng mga sinusulat kong tula. ||PS. errors ahead.||
