Inaalagaan mo ako simula pa noong ako'y iyong pinagbubuntis pa,
at alam ko pong nahirapan ka noong ako'y iyong isinilang na.
Sinamahan mo ako sa hanggang ako'y nagka isip na,
kaya masaya ako na ikaw ang aking ina.Pasensya na kung kaming magkakapatid ay palaging nag aaway,
pasensya na din po kung minsa'y sobrang magulo ang bahay.
Palaging umiinit ang iyong ulo,
dahil sa aming magkakapatid na sobrang magulo.Maraming salamat po sa pagmamahal nyo sa amin,
kahit minsan naging pabigat kami sa inyong damdamin.
Sana maging masaya ka ngayong araw ng mga ina.
Mahal na mahal ka namin aming mama.

YOU ARE READING
Mis Poemas
PoesiaAng nilalaman nito ay collection ng mga sinusulat kong tula. ||PS. errors ahead.||