Chapter 8 : Split Personality

9 2 0
                                    

Andito na ako ngayon sa aking kwarto at hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa mga nangyari kanina. Ano ba tong nangyayari sa akin? Simula nang pumunta kami dito sa Nashville at nag-aral sa Gladiolus University ay nag-iba na ako. Hindi! Dahil talaga to sa lalaking yon kay Alyxzus. Simula nung first day ko sa paaralan ay para bang naaakit ako sa kanya sa hindi ko malamang dahilan. Tila pa ay parang may kapangyarihan siyang ihypnotize ang isang tao.

Tiningnan ko ang orasan...

"Shit!",nagulat ako na mahuhuli ako sa klase. Parang kanina lang alas-6 palang ngayon 6:30 na. Hindi ako makapaniwala na mahigit tatlumpung minuto akong tulala dito sa kwarto.

Nagmadali na akong tumayo at pumunta sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko agad ang aking uniporme at nagbibihis. Habang nagbibihis ako ay sumagi sa isip ko si Alyxzus. Gising na kaya siya? Nakatulog kaya siya ng mahimbing? Ah bahala na! Bakit ko ba siya iniisip? Napairap nalang ako dahil hindi ko alam kong bakit ko ba siya pinoproblema.

Pagkalabas ko nang kwarto ay agad akong may naamoy na masarap. Pumunta naman agad ako sa kusina para tingnan ko ano ba iyon at nagulat ako sa aking nakita.

"Oh wow! I'm shocked!",napasabi ko nalang dahil nagulat talaga ako na ang nasa harapan ko ay si Alyxzus.

"Why? You think I can't cook?",sabi niya habang patuloy na nagluluto at nang matapos siya ay inihanda na niya ito sa hapagkainan.

"I didn't expect na ang isang napakamayaman ay magluluto",sagot ko sa kaniya at umupo na para kumain.

Nang matapos siya ay hinubad na niya ang kaniyang apron at umupo nadin sa harap ko.

Habang kumakain kami ay hindi ako mapakali dahil nahihiya padin ako sa mga pinangagawa ko kagabi. Sobrang tahimik ng hapagkainan, ni isa sa amin ay walang nagsalita.

"Masarap ba yong niluto kong ulam kaya hindi ka makasalita o nahihiya ka dahil ako yung ulam mo kagabi?",sabi niya sa kalagitnaan nang katahimikan habang nakangisi pa kaya't nabilaukan ako dahil hindi ko inaasahan ang kaniyang mga sinabi.

Tiningnan ko nalang siya ng masakit bilang tugon sa mga pinagsasabi nito kanina at talagang tumawa pa. Makalipas ang ilang segundo medyo humupa naman ang galit ko nang inabutan ako nito ng tubig.

"Sorry",paghingi niya ng paumanhin dahil sa kaniyang ginawa. Kasi naman muntik na talagang lumabas yung mga kinain ko dito sa ilong ko.

"Oh? Marunong ka pala niyan?",sarkastiko kong tanong sa kaniya. Hindi ko inaasahan na marunong palang humingi ng tawad itong lalaki na ito.

"I'm not cold-hearted as you expect me to be",sabi niya at tumayo na sa kaniyang inuupuan at umalis na ng bahay.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko naman ang aming pinagkainan at nang matapos na ako ay umalis na din ako papunta sa school.

Mabuti naman ay pagkadating ko sa aming classroom ay wala pa ang aming guro. Habang papunta ako sa aking upuan ay hindi ko nakita si Alyxzus kaya nagtaka ako kung saan ba siya pumunta. Mas nauna siyang umalis sa akin pero kahit ang bag niya ay wala dito.

"Goodmorning class!",bati ng aming kakadating lang na guro kaya nagmadali kaming lahat pumunta sa aming mga upuan.

"So our topic for today is about the history of vampires",ani ng aking guro.

"So who among you believes that vampires did exist or did not exist?"

"Sir!",pagtawag ni Yanna.

"Yes Yanna? What's your answer?"

"I believe that vampires did exist sir as vampire superstition thrived in the Middle Ages, especially as the plague decimated entire towns. The disease often left behind bleeding mouth lesions on its victims, which to the uneducated was a sure sign of vampirism. When a suspected vampire died, their bodies were often disinterred to search for signs of vampirism. In some cases, a stake was thrust through the corpse's heart to make sure they stayed dead. Other accounts describe the decapitation and burning of the corpses of suspected vampires well into the nineteenth century sir",sagot ni Yanna at napangiti naman ako dahil kahit may pagka isip bata siya ay matalino naman pala talaga.

"Ok thank you for your answer Yanna! You may sit down."

"Yes Heart? What is it?",pagtawag ninsir kay Heart dahil ito'y nakataas ng kaniyang kaliwang kamay.

"Vampires didn't exist sir. It wasn't uncommon for anyone with an unfamiliar physical or emotional illness to be labeled a vampire. Many researchers have pointed to porphyria, a blood disorder that can cause severe blisters on skin that's exposed to sunlight, as a disease that may have been linked to the vampire legend.",pagsagot ni Heart at hindi pagsang-ayon sa sagot ni Yanna.

Makalipad ang isang oras ay natapos na din ang klase ay hanggang ngayon wala padin si Alyxzus. Sobrang nagtataka na talaga ako kung nasaan ba siya at bakit hindi siya pumasok kahit naka-uniporme siya kanina.

Papunta na ako ngayon sa laboratory kasama ang tatlo ngunit napahinto ako dahil nakalimutan ko palang dalhin ang aking aklat.

"Balik muna ako sa room!",pagpapaalam ko sa kanila at nagmadaling tumakbo pabalik sa classroom.

Nang makadating ako sa room ay agad kong kinuha ang aklat ko sa aking bag ngunit natakot ako nang biglang narinig ko ang pag sarado nang pinto. Hanggang ngayon ay nakatalikot padin ako at hindi ko talaga kayang humarap dahil natatakot na talaga ako sa kung ano or sino man ang nasa aking harapan.

"Ahhhhh!",napasigaw ako sa takot dahil may biglang humawak sa aking beywang at tinakpan agad ng taong nasa likod ko ngayon ang aking bibig para ako ay hindi na makasigaw.

"Shhh! It's me.",sabi ng taong nasa likod ko at naging kalmado naman ako nang malaman ko kung sino ito.

Pinaharap niya naman ako at tama nga ang aking hinala, si Alyxzus nga ang lalaking nag sarado at humawak sa akin.

"Bakit hindi ka pumasok?",nagtataka kong tanong sa kaniya. Yun agad ang pumasok sa isip ko kaysa tanungin siya kong bakit niya iyon ginawa.

"Come with me!",sabi niya at hinila na ako palabas ng classroom.

"Saan ba tayo pupunta?",pagrereklamo ko sa kaniya dahil siguro iisang oras na kaming nagalalakad.

Napatahimik nalang ako dahil na din sa pagod ako at nahumaling ako sa paligid ko. Ngayon ko lang ito namalayan dahil kanina ay iba ang aking iniisip.

"You like them?",tanong ni Alyxzus at napatango nalang ako dahil sobrang nahuhumaling ako sa aming paligid ngayon. Napapalibutan kami ng mga bulaklak at sa likod nito ay may malaking lawa ng isda.

"But I know that the place that I will show you will make you love it instead of just like it and especially you'll be captivated."

"Where?"

"Glorious Island!"

~~~~
Chapter 8 Done✔

Unexpected Love of Fate (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon