Chapter 16 : Secretum Consilii

17 3 0
                                    

Alyxzus POV:

Mag-iilang oras na kami dito ay hindi padin namin nahahanap si Max.Tumawag na din ng nga pulis si Jez para tulungan kaming hanapin siya.

"Pasensya na sir.Nilibot na namin ang gubat pero hindi po talaga namin siya mahanap",sabi ng chief of police.

"Ano?",napataas ang boses ni Jez at halatang kinakabahan ito.

"Sorry po talaga miss Jez",wala nang masabi ang pulis at yumuko nalang.

"Kumalma ka Jez.Mahahanap din natin si Jen, okay?",sabi ni Yanna sa kaniya at pinapakalma ito.

Asan ka ba Max?Hindi na din ako mapakali dahil mag-ilang oras na namin siyang hinahanap.

"Chief! Dito!",biglaang pagsigaw ng isang pulis.

Dali-dali namang tumakbo pabalik ang chief doon sa kinaroroonan ng lalaki.

"Tulong!"

Pamilyar ang boses na iyon.Nang marinig ko ang boses ay agad din akong pumunta sa kinaroroonan ng boses na iyon.

"Max!"

Max POV:

Pagkalabas ko ng bayan ay para bang nawalan ako ng enerhiya.Nagugutom at nauuhaw na din ako.Parang kahit anong oras ay matutumba na ako.

Tinahak ko ang dinaanan namin kanina ni Mizayah para makabalik ako sa parke.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay nasilayan ko na rin ang liwanag sa malayo.Madami ding tao ang nakalibot sa gubat.

"Tulong!",pagtawag ko sa isang taong malapit sa akin.Hinarap niya rin sa akin ang kaniyang flashlight at mas nanghina ako dahil ito'y napakaliwanag.

"Chief!Dito!",narinig kong pagtawag niya sa kaniyang kasama.

Napaluhod nalang ako sa damuham dahil hindi ko na talaga kayang maglakad pa.Dumidilim na din ang aking paningin.

"Max!",napaharap naman ako ng marinig kong may tumawag sa akin.Pamilyar ang boses na iyon.Kahit hindi malinaw ang aking paningin ay nakikita kong papalapit ito sa akin.

"Al",mahina kong pagsabi at iyan na lamang ang lumabas sa aking bibig.

"Max",pagtawag niya ulit sa akin at bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

Habang niyayakap ako ni Alyxzus ay nakita kong papunta din sina Jez,Yanna at Hearty sa amin.

"Saan ka ba nanggaling?Kanina ka pa namin hinahap!",pasigaw na tanong ni Jez sa akin.Pero kitang-kita sa kaniyang mukha ang pag-aalala.

"Sorry",iyan na lamang ang nasabi ko sa kanila dahil hindi ko kayang magsalita ng napakahaba.

"Al",pagtawag ko sa kaniya.Binitawan niya din ako at humarap siya sa akin.

"Nauuhaw ako",sabi ko sa kaniya.Kanina pa tuyong-tuyo ang aking lalamunan.

Tumango naman si Al at pinatayo niya ako.Inalalayan niya ako ng dahan-dahan at naglakad na kami pabalik sa lawa.

Habang naglalakad na kami pabalik ay sumunod na din silang tatlo sa amin.

"Sandali",sabi ni Yanna kaya't napalingon kami sa kaniya.

Dahan-dahang pumalapit sa Yanna sa isang lugar.

"Ano na naman ba yan Yanna?",naiinip na tanong ni Hearty sa kaniya at sinundan nalang siya.

"Ahhhhhhhhh!",hiyaw ni Yanna at nakaupo sa ngayon sa damuhan.Hindi maiguhit ang kaniyang mukha at parang takot na takot ito.

"Huy Yan! Anong nangyayari...",dali-daling pumunta si Hearty kay Yanna at hindi niya naitapos ang kaniyang sinasabi dahil nagulat din siya sa kaniyang nakita.

"Tulong!May patay dito!",sigaw ni Hearty at agad din namang lumapit ang mga kapulisan malapit sa kanila.

Agad din namang inalayo ng mga pulis si Yanna at Hearty sa bangkay.

Ito yata ang babaeng pinatay kanina ni Mizayah dahil sa uhaw na uhaw na siya kanina.

"Mauna na tayo Max",sabi ni Alyxzus sa akin at nagsimula na ulit kaming naglakad pabalik ng sasakyan.

Andito na kami ngayon sa sasakyan ni Al.Binigyan niya ako ng tubig kaya kahit kaunti ay naging mabuti ang aking nararamdaman.

"Babalik lang ako Max",pagpalaam ni Al sa akin ay pumunta siya kina Jez at mga pulis.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na din si Al sa sasakayan at pinaandar na ito.

"Uuwi na ba tayo?",tanong ko sa kaniya.

"Oo.Kailangan mo nang magpahinga Max.Alam kong pagod ka at bukas na kita tatanungin kung anong nangyari",sagot ni Al.

"Hindi pa ako nakapagpaalam sa kanila Al"

"Nakapagpaalam na ako Max wag kang mag-alala.Naiintindihan din naman nila na kailangan mo nang magpahinga."

"Matulog kana.Gigisingin nalang kita kapag nakarating na tayo sa bahay",sabi niya at humarap siya sa akin.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at napakalapit na din ng kaniyang mukha.Pumikit nalang ako at tila'y ramdam na ramdam ko ang kaniyang mainit na mga hininga sa aking leeg.Tumindig ang aking mga balahibo sa kaniyang ginagawa.

Napamulat ako dahil narinig ko ang kaunting hagikgik ni Al.

"Tinatawa mo?",tanong ko saya at inirapan siya.

"You really thought na hahalikan kita or what?",sabi niya habang nakangisi.

"Ewan ko sayo!",sagot ko sa kaniya at iniwas ko nalang ang aking tingin dahil sobrang nakakahiya.

"I just buckled your belt Max",sabi niya sa akin at nagsimula nang magmaneho.

Tiningnan ko naman ito at totoo nga ang kaniyang sinabi.Humarap nalang ako sa bintana at hindi umimik.

"Hey Max! We're here.",pagtawag sa akin ni Alyxzus.Nagising naman ako sa aking pagkatulog at nasa harap na nga kami ng bahay.

Makalipas pala ang ilang minutong byahe ay nakaramdam ako ng antok at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Agad naman akong lumabas ng sasakyan at binuksan ang bahay.Dumiretso nalang ako sa aking kwarto dahil mas nakakaramdam ako ngayon ng antok at pagod kaysa gutom.

Pagdating ko sa aking kwarto ay agad na akong humiga sa aking higaan.

"Pa?",pagtawag ko sa kaniya.

"Ano iyon anak?,tanong ni papa sa akin ng may ngiti sa kaniyang mga labi.

"Kailangan ko po munang bumalik doon.Baka hinahanap na ako ng aking mga kaibigan",sabi ko sa kaniya.

"Bakit pa anak? Ayaw mo ba dito? Ayaw mo bang makasama ako?",pagtatakang tanong ng aking ama.

"Gusto ko pa pero hindi ko naman pwedeng iwan nalang bigla ang aking mga kaibigan at si mama",pagmamakaawa ko sa kaniya.

"Sige,pero may pabor ako sa iyo anak",sabi ni papa at humarap naman ako sa kaniya.

"Tutal ngayon ay naikwento ko na sayo kung ano talaga ang totoong pagkatao ng iyong Ina.Gusto kong magmasid ka sa bayan na iyon anak."

"Bakit pa?",pagtataka kong tanong sa kaniya.

"Kailangan natin ng maraming impormasyon tungkol sa pamilyang de Holmes anak.At ikaw ang kailangang gumawa nito"

Kailangan kong gawin ang ipinapagawa ng aking ama para na rin maging matagumpay kami sa aming plano.

Ako lang ang makakagawa ng planong iyon dahil ako ay isang Haroque na walang nakakakilala.Hindi nila alam na anak ako ni Hellixno at gagawin ko ang lahat para kay papa at sa kaharian.

~~~~
Chapter 16 Done✔






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected Love of Fate (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon