Andito ako ngayon sa silid-aklatan at naghahanap ako ng libro na may kinalaman sa mga bampira.Alam ko at sigurado ako na totoo ang mga ito.Siguro para kay Al ay guni-gini ko lang ang mga nakita ko nang gabing iyon dahil sa may sakit ako pero hindi eh.Iba talaga ang nakita ko at hanggang ngayon ay ramdam ko padin ang sakit na ginawa sa akin ni Miss Ahora.
Pagkagising ko nang umaga na iyon ay tumambad agad ako sa salamin at nalito ako kung bakit wala na ang sugat sa aking leeg.Pero sigurado akong meron talaga, nagkasugat ako dahil sa matatalas na kuko ni Miss Ahora ng sakalin niya ako.Hindi ako makapaniwalang nawala ito bigla.
tug.tug.tug
Napatingin ako sa aking likuran ng bigla ko na namang narinig ang pamilyar na tunog.Ito yung tunog na narinig ko sa kwarto noon na.Tumaas naman ang aking mga balahibo dahil sa tingin ko ay may sumusunod sa akin at takot ang nararamdaman ko ngayon dahil ako lang mag-isa dito.
Naglakas ako ng loob kaya ay nagsimula na namang maglakad at hinanap na naman ang libro.Makalipas ng ilang minuto ay nakita ko na din ang hinahap ko kaya dali-dali ko naman itong kinuha at umalis na doon.Pumunta ako sa isang bakanteng lamesa at napanatag naman ang aking kalooban dahil madami na ang estudyanteng kasama ko dito.
Binasa ko ang libro at naghanap madami din naman ang mga aral na nakuha ko rito.Makalipas ang ilang minutong pagbabasa ko ay tumunog na ang bell na kung saan ay nagpapahiwatig na oras na ng klase.
Andito na ako ngayon sa room at buti naman wala pa ang aming guro ngayon.Tiningnan ko ang direksyon kung saan nakaupo si Alyxzus at nakita kong tulog na naman ito.Pagkatapos ng mga nangyari ay bumalik na naman siya sa dati.Pagkabalik namin galing sa isla ay naging malamig at suplado na naman ang pagtrato niya sa akin.
"Goodafternoon class!",tumaas na naman ang mga balahibo ko ng marinig ang pamilyat na boses.
Humarap naman ako sa direksyon ng boses at bigla na naman akong nakaramdam ng kung anong bigat sa aking loob.
"So how's you're weekends? Mine was great!",sabi ni Miss Ahora ng may malaking ngiti sa kaniyang mukha.
Tumingin naman ito sa akin at ngumisi na sanhi ng pagkaramdam ko ng takot.Pagkatapos non ay tumalikod na siya at nagsulat sa pisara.Nakita ko naman na nagising si Alyxzus at tinawag ko ito.
"Al!",mahina kong tawag sa kaniya.Tumingin naman siya sa akin at tinaasan lang ako ng kilay.
"Natatakot ako"
"Why?",naguguluhan niyang tanong sa akin.
Tiningnan ko siya ng matagal at napag-isipan kong wag nalang sabihin sa kaniya kaya ay umiling nalang ako na nagpapahiwatig na humindi ako.Bumalik naman ito sa kaniyang pagtulog habang ako naman ay humarap na sa pisara kung saan si Miss Ahora.Nilakasan ko ang loob ko at hinayaan na muna siya.Hindi dapat ako nagpapadala sa takot ko.
"That would be all.Goodbye class!",pagpaalam ni Miss Ahora at nang papalabas na siya sa pintuan ay tiningnan niya na naman ako ulit at ngumiti.Nakakatakot!
Makalipas ang isang oras ay natapos na din ang huli naming asignatura.Tatayo na sana ako ng biglang may kumalabit sa akin.
"Ahh!",napasigaw ako dahil sa gulat at humarap ako sa kaniya.Napanatag naman ang loob ko nang malamang hindi ito si Miss Ahora.
"Jen!Nagiging magugulatin kana ah",sabi ni Yanna habang si Jez naman ay tumatawa.
"Ang cute mo kanina Jen!",sabi ni Jez nang matapos na ito sa kakatawa.
"Parang hindi mai-drawing yung mukha mo sa kacute!",sabi niya at sinamaan ko nalang ito ng tingin hababg siya ay patuloy na tumatawa pero patago na lang.
"Btw sasama ka ba samin mamaya?",pag-aya sa akin ni Yanna.Tumingin ako sa likuran nila Yanna at Jez dahil napagtanto kong wala ata si Heart.
"Wala si Hearty.Lumandi pa yon sa crush niya!",sabi naman ni Jez.Nahalata niya siguro ang pagtingin ko kanina at nagulat naman ako sa sinabi ni Jez.Hindi ko inaakalang marunong palang lumandi si Hearty.
"So ano na?Sama ka?",kinalabit na naman ako ni Yanna para sa kaniya mapunta ang atensyon ko.
"Saan?"
"Sa aming bayan.Malapit ba kasi yung kaarawan ni papa and every year nagpapa-Light Festival siya.",sagit naman ni Yanna sa tanong ko.Hindi naman ako nagdalawang isip at umoo naman agad ako sa kanila dahil nagtataka din kung ano ito.Simula nang nanirahan kami dito ni mama hindi pa ako nakakagala kaya ngayon hindi ko na tatanggihan ang oportunidad na ito.
Pagkadating ko sa bahay ay nakita ko naman si Alyxzus na nakaupo sa sala at komportableng nanunuod ng tv.Sa sobrang komportable niya parang bahay niya na tong bahay namin ah.
"What?",sabi niya dahil nakita niya akong nakatingin sa kaniya.Hindi ko na siya binigyan ng pansin at umalis na sa harap niya.Umakyat naman ako sa aking kwarto at nagsimula nang maghanda para sa lakad namin mamaya.
Kinuha ko naman ang maroon ko na longsleeves at pinaresan ito ng high-waist na pants.Kulay maroon din na fashion boots at maliit na itim na bag.Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako.
"Where are you going?",biglang nagsalita si Alyxzus nang dumaan ako sa harap nito.
"Sa kabilang bayan.Light Festival ata yon",sabi ko sa kaniya at akmang bubuksan ko na sana ang pintuan ng magsalita na naman siya.
"Sasama ako!",sabi niya at pumunta sa kaniyang kwarto.Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na din siya.Naka longsleeve polo siya na kulay puti at jeans.
Habang tinititigan ko si Alyxzus ay hindj mo mapigilang mahumaling sa kaniya dahil sobrang gwapo niya ngayon sa damit niya.Parang yung Alyxzus na malamig biglang naging si Alyxzus na sobrang mainit.Wahhh Jen nagiging manyak ka na naman!
"Lets go!",pag-aya sa akin ni Al na nagpagising naman sa sarili ko.
Sumakay na kami sa sasakyan niya at nagsimula nang bumyahe papunta sa kabilang bayan.Makalipas ang isamg oras ay nakadating na din kami.
Andito kami ngayon sa parke at kitang-kita dito na madaming tao talaga ang pumupunta dito para masaksihan lang ang kagandahan ng mga lights dito.
Habang naglalakad kami ni Al papunta sa malapit na lawa kung saan ipapalipat ang mga parol ay nakita ko si Jez.
"Jez!",tawag ko sa kaniya at napatingin naman agad siya sa direksyon ko.
"Buti nandito kana.Punta na tayo kay Yanna malapit na din kasing mag-umpisa",sabi niya sa akin.
"Oh? Al? Andito ka?",nagulat ata siya ng makita niyang kasama ko si Al.
"I'll explain later",sabi ko sa kaniya at hinila siya papunta sa lawa.
"Yanna!",tawag ni Jez sa kaniya.
"Hey!",nagpaalam naman si Yanna sa isang matandang lalaki, iyon ata amg papa niya at pumunta naman agad siya sa amin pagkatapos.
"Buti andito na kayo!Pakilala kita kay papa Jen!",sabi niya at halata kong nasasabik siyang ipakilala ako sa kaniyang ama.
"Pa!",tawag niya sa kaniyang ama at tumingin naman agad ito sa direksyon namin.
"Oh nak?"
"Pa! She's Jen pala, my new bestfriend!",pagpakilala niya sa at ngumiti naman ang papa ni Yanna.Inabot naman niya ang kaniyang kamay at nakipag-kamay din ako sa kaniya bilang simbolo na din ng pagkilala at pagrespeto.
"Oh Alyxzus, you're here iho!",sabi niya at niyakap ito.Makikita ko sa mukha ng ama ni Yanna na ito'y nagagalak na makita si Al.
"Tito",sagot naman ni Al at niyakap din ito pabalik.
~~~~
Chapter 12 Done✔
BINABASA MO ANG
Unexpected Love of Fate (On-going)
FantasyWhat is Fate? Fate is a power that some people believe that it controls and decides everything that happens in a way that cannot be prevented or changed. Dalawang Pamilya.Dalawang Pagkatao. Mga salitang nag-uugnay sa propesiya. Ang nakasulat na hind...