Bumalik na kami ng bahay at ngayon ko nalang naramdaman ang takot.Pagpasok namin ay agad naman akong umupo sa sala dahil parang naubos ang enerhiya ko kanina sa epekto ng pagsakal at tapon ni Miss Ahora kanina.
"Here!",humarap naman ako kay Alyxzus at nakita kong inaabutan niya ako ng tubig.Siguro ay nahalata niyang parang wala ako sa sarili.
"Thank you!",kinuha ko naman ang inabot niyang tubig dahil parang natuyo ang aking lalamunan.
"What happened?",tanong niya at tinuro ang aking leeg.
Hinawakan ko ang aking leeg at naramdaman kong may sugat nga ang aking leeg.Tiningnan ko naman ang kamay ko na may bakas ng kaunting dugo.
"It's hard to explain.Baka hindi ka din naman maniwala!"
"What if I can?",sabi niya at umupo sa tabi ko.
"Kasi si Miss"
"Miss what? Oh common Max.Spill it!"
"Si Miss Ahora kasi!She--she's a vampire!"
"What?huh?",sabi niya lang at tinawanan na lang ako.Sabi ko na nga ba hindi siya maniniwala.
"What?",napatanong niya sa akin dahil tiningnan ko siya ng masakit.
"Matulog kana.Inaantok ka lang!",sabi niya at tumigil na din sa kakatawa.Dahil kung hindi siya tumigil kanina eh baka masapak ko na to.
Tumayo naman ako at tiningan ko na naman siya ng masakit.Umalis na ako sa harap niya at pumunta sa aking kwarto.
Inihagis ko ang sarili ko sa kama at maya-maya ay ramdam ko nang nahuhulog na ang aking mga mata hanggang sa itim na lang aking nakita.
Tug.tug.tug.
Napagising ako dahil sa ingay na nang galing sa terrace.Para bang may kumakatok sa pintuan at rinig ko din kung ano kalakas ang hangin galing sa labas.
Tumayo naman ako at pumunta malapit sa pintuan ng terrace.
"Ahhh!",napasigaw ako nang binuksan ko ang kurtina.Nakita ko ang isang ulo ng usa na puno ng dugo sa terrace.Napaupo nalang din ako sa sahig dahil sa takot sa nakita ko.
Bigla naman akong napalingon ng kumalabog ang pintuan.
"Max!Anong nangyari?Buksan mo to!",sigaw ni Alyxzus at kumakatok padin sa pintuan na para bang masisira na ito.
Agad naman akong tumayo at pumunta sa pintuan para buksan ito.
"Hey?",nagulat ata siya nang bigla ko siyang niyakap at humagolgol na sa kakaiyak sa kaniyang balikat.
Hinawakan niya naman ang aking ulo na para bang sinasabi nito na tumahan na ako.
At unti-unti kong naramdaman ang pag itim ng aking paligid.
"Aray!",masakit ang aking ulo at hindi ko maramdaman ang aking katawan.Nilalamig din ako ngayon at nahihirapang gumalaw.
Tatayo na sana ako nang bigla akong pinigilan ni Alyxzus at pinahiga ulit.
"What?Why?",tanong ko sa kaniya dahil naguguluhan ako.
"You have a high fever kaya mas mabuti pang humiga ka nalang diyan and rest",sabi niya at nilagyan niya ng malamig na bimpo ay aking noo.
Hinayaan ko nalang siya at pipikit na sana ako ulit ngunit bigla kong naalala yung nangyari kanina.
"Ano ba?Sabing magpahinga kalang diba?",napataas ng kaonti ang boses ni Al siguro ay dahil sa nainis na ito.
"Al?The deer...the head!",sabi ko sa kaniya at hanggang ngayon ay ramdam ko padin ang takot dahil sa mga nangyari kanina.
"What?What deer?Head? What are you talking Max?",tanong niya habang nakakunot ang kaniyang noo.
"Hindi mo ba yon nakita? May ulo ng usa na puno ng dugo diyan sa terrace!"
"Wala akong nakita kase wala naman Max!",sagot niya ng may kalma nang boses.
"Are you high?",tanong niya.
"No I'm not!",sagot ko naman dito.Baliw to ah wala nga akong bisyo drugs pa kaya.Iniripan ko nalang siya.
"Epekto lng siguro yan ng sakit mo.Matulog kana.",sabi niya at kinuha ang palangganang may malamig na tubig.
Tatayo na sana siya ng pigilan ko ito.Humarap ako sa kaniya at hinawakan ko siya sa kaniyang braso.
"What?You need something?"
"Wala wag nalang",sagot ko at binitawan nalang siya.
"Ano nga?"
"Wala nga!",sagot ko ulit sa kaniya at ngayon at tumalikod na ako sa kaniya.
Bigla naman ako nitong hinatak paharap sa kaniya at nagulat naman ako nang magkalapit ang mukha namin.Nakahawak siya sa braso ko at pinaupo niya ako.
"Eat this first",inabot niya sa aking ang mangkok na may laman na lugaw.
"Wala akong gana",sabi ko sa kaniya at inilagay ang mangkok sa malapit na lamesa sa gilid ng kama.
"Kakain ka o kakain ka?",sabi niya ng may masamang tingin.Katakot!
"Eh wala akong gana!"
"Kumain ka!Para gumaling ka agad!",sabi nito sa akin at kinuha ang mangkok.Kumuha siya nito at inihipan ang lugaw at iniharap sa akin.
"Oh?",tanong ko dahil naguguluhan ako sa ginagawa niya ngayon.
"Open you mouth"
Binuksan ko naman ang bibig ko at isinubo sa aking ang kutsarang may lugar.Wala naman akong nagawa at kumain nalang hanggang sa maubos ko ito.Pagkatapos ay inabutan naman ako ni Alyxzus ng tubig at gamot.
"Ayaw ko!",sabi ko sa kaniya na ikinakunot na naman ng noo niya.
"Iinom ka or ako magpapainom sayo?",banta niya sa akin pero hindi ako nagpadala sa mga pinagsasabi niya.
"Ay ganon!",sabi niya dahil pagkatapos kong umiling ay bumalik na ako sa pagkakahiga at tumalikod na sa kaniya.
Bigla niya na naman ako hinila at sobrang lapit na ng mukha niya ngayon sa akin.Mas malapit pa sa kanina habang ang kamay niya ay nakagawak sa kamay ko at inilagay niya ito sa gilid ng ulo ko.Dahil sa ginawa niya ay nagulat ako kaya ay hindi ako makagalaw.
Sobrang lapit na niya ngayon sa akin at unt-unti niyang nilalapit ang kaniyang mukha sa akin.Napapikit naman siya at ganon din ang ginawa ko.Makalipas ang ilang segundo ay naramdaman ko ang kaniyang malambot na labi.
Habang tumatagal ay lumalim ang aming paghahalikan at ang kaniyang kamay ay mahigpit nang hinawakan ang kamay ko.Maya maya ay pumaitaas siya sa akin at biglang huminto sa paghalik.Bubuksan ko na sana ang aking mga mata ng biglang naramdaman ko na naman ang kaniyang labi na may kakaibang lasa.
"Madali ka din naman pala",sabi niya at umalis na sa ibabaw ko.Inilagay niya pala sa bibig niya ang gamot kaya may kakaibang lasa ito.
"Al",naglakas loob akong tawagin siya dahil may hihingin sana akong pabor.
"Can you sleep here? Natatakot ako eh"
"Why?",sagot niya habang nakatalikod padin sa akin.
"I don't know.Basta ang bigat talaga ng dibdib ko ngayon.Natatakot talaga ako"
"Okay",sagot niya na ikinangiti ko naman.
~~~~
Chapter 11 Done✔
BINABASA MO ANG
Unexpected Love of Fate (On-going)
FantasyWhat is Fate? Fate is a power that some people believe that it controls and decides everything that happens in a way that cannot be prevented or changed. Dalawang Pamilya.Dalawang Pagkatao. Mga salitang nag-uugnay sa propesiya. Ang nakasulat na hind...