Park Jimin POV
Kasalukuyan akong nasa tabi ni Jhope habang kumakain ng may umupo sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin dahil masamang - masama ang loob ko sa kanya.
Ibang klase!
Ilang araw ba niya akong hindi pinapansin dahil nakatuon lang ang buo niyang atensyon kay Taehyung? Baka nga sila na pero hindi pa rin niya sinasabi sa'kin. O gusto niyang sa iba ko pa malalaman na sila na!.
Tsk!!.
Trying myself not to get jealous, pero kaibigan niya ako.... Sana man lang kahit ihatid niya lang ako pauwi, hindi naman nangyari dahil kay yoongi ako sumasabay pauwi nitong mga nakaraang araw.
Mabilis Kong tinapos ang pagkain ko at tumayo."Busog na Busog ako, mauuna na ako Sa'yo jhope, Hihintayin Kita sa room."
Hindi na ako Lumingon kay Jungkook, Dahil baka kapag ginawa ko iyon matutunaw nalang ng basta ang tampo ko sa kanya.
Nasa hallway ako ng si Taehyung naman ang makakasalubong ko. Napakaseryoso ng mukha niya, malayo sa Taehyung na nakilala ko sa court noon.
Sinubukan ko siyang hindi pansinin ngunit sadya niyang hinaharangan ang daraanan ko.
Aish,."I just want to remind you park jimin, na sana alam mo kung saan ka lumulugar. Sana naman maging sa atensyon ng boyfriend ko ay hindi ka na makikihati pa."
Boyfriend ko.
Boyfriend ko,
Boyfriend ko!Unti-unting nagsisink-in sa utak ko ang lahat ng sinabi niya. Ibig sabihin ay sila na nga ni Jungkook? At sa kanya ko pa talaga maririnig na sila na!?
Hindi ko mapigilang hindi matawa sa isip ko. Ngayon palang Masakit na....
Jungkook bakit kay Taehyung ko pa malalaman?
Ibig kong sabihin bakit siya?
Hindi naman yata siya mabait,.. Maging kasi ang atensyon ni JK para sa akin bilang kaibigan ay ipinagbabawal nitong kaharap ko."Mauuna na ako Sa'yo. Excuse me,"
Tuluyan ko na siyang nilampasan, ngunit hindi pa man ako nakakalayo nagsalita na naman siya ulit.
"Hindi ka naman siguro makasarili, hindi ba? Matalino ka and I know you got my point."
Napahinto ako at hindi makagalaw upang ihakbang palayo ang mga paa ko kahit pa alam kung nakalayo na siya.
Hindi ba na sa aming dalawa siya ang makasarili?
Hindi pa niya asawa si Jungkook pero kung makaasta siya ay akala niya pag-aari na niya ang taong mahal ko. Boyfriend lang naman siya, ako pa rin ang matalik na kaibigan ni JK.--
"ANO? ULITIN MO NGA ANG KUWENTO MO?"Napatakip ako ng dalawa kong tenga dahil sa sigaw nitong si jhope.
Grabe mabibingi pa yata ako dahil sa sigaw niya. Mabuti nalang nasa soccer field kami, kung nasa library lang sana kaming dalawa malamang kanina pa siya Nakayuko dahil sa pagkapahiya."Narinig mo naman hindi ba? Hindi ko na uulitin."
Dahil tuloy sa paalala ni Taehyung tudo Iwas na ako kay jungkook. Mahirap na baka kasi mag-away kaming dalawa ni Tae-tae, ako pa ang magmukhang masama kay Kookie.
"Akala ko ba mabait ang isang iyon, bakit Tila yata makapal pa sa bakal ang mukha niyang ipagkait ang atensyon sa'yo ng pinakamatalik mong kaibigan."
"Hindi ko alam! kaya nga ako na ang umiiwas para lang hindi magselos si Taehyung."
Turan ko. Umupo naman siya sa tabi ko.
"Ewan ko lang sa 'yo, chim ha! Hindi ka ba naaawa kay JK? Umiiwas ka sa kanya dahil lang sa Taehyung na' yon!? Natatakot ka ba sa kanya?"
"Kay Taehyung?"
Tanong ko, Mabilis naman siyang tumango na ikinailing ko. Hindi ako natatakot sa kanya. Umiiwas lang ako sa posibleng mangyari.
"Huwag ka ngang tudo iwas kay JK dahil baka ikaw naman ang iwasan niya."
"Eh di mas maganda!"
Seryoso kung sumbat sa kanya.
Aish, nakatikim pa ako ng sapak sa braso."Naman eh, Masakit ah!"
"Wala pa yan sa sakit na nararamdam mo ngayon!."
Napatigil ako at natahimik. Maging siya ay napangiti pagkatapos niya akong bigyan ng isang peace sign.
"Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng broken hearted. Mas Masakit pa sa palo ni Mama nong bata pa ako."
"Mabuti ka pa, hindi pang level pero broken hearted kana!"
"Jung Hoseok!!"
Nanggigigil kong tawag sa buo niyang pangalan.
At talagang tumawa pa siya?! Sa Inis ay tinalikuran ko siya at naglakad dahil kanina pa siya sa 'kin. Parang hindi rin kami magkaibigan.."Sorry na, Chim!"
Hinabol niya ako habang sunod - sunod ang kanyang paghinga.
"I'm just trying to make you laugh. Sorry na kasi! Pangako! hindi na mauulit."
Matitiis ko ba naman siyang hindi pansinin? Syempre hindi!. Siya ang sunshine sa buhay ko eh! Isang kaibigan na kahit Dumaan din sa isang mapait na pag-ibig siya pa rin ang nag-iisang Jung Hoseok sa buhay ko na tanging nagbibigay ng ngiti tuwing Umaga sa 'kin.
Hinawakan ko ang kamay niya at sabay na kaming lumabas ng soccer field.___________
Nakatitig ako sa kisame ng kuwarto ko ng may bigla nalang lumundag sa tabi ng kama ko. Napaupo ako dahil sa Gulat. Bago pa man ako makasigaw ay Mabilis niya ng tinakpan ang bibig ko gamit ang mga kamay niya.
Walang hiya!
Ang lakas naman ng loob nito na pumasok nalang ng basta sa kuwarto ko.
Damn!
Mommy!!
Katapusan ko na yata, Juice colored marami pa akong pangarap sa buhay. Magsasama pa kami ng Magiging asawa ko pagkatapos Bubuo ng isang masayang pamilya. Huhuhu!. I'd try my best to push him but he's so strong compared to me. Paano ko ba malalaman kung sakaling may gagawin itong masama sa'kin kung maging lahat ng bahagi ng katawan nito'y balot ba balot.
Teka, sadali!
Napatitig ako sa dalawang pares ng brown nitong mata.
Hindi ako pwedeng magkamali,.. Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos nitong pakawalan ang bibig ko, but damn again, Dalawang kamay ko naman ngayon ang pinangko nito Mula sa likuran ko.
The hell was that!."What are you doing here? Let me go! Kung hindi ay tatadyakan Kita."
Kung Kailan naman tudo Iwas na ako sa kanya saka pa siya nagkaroon ng pagkakataon upang gumawa ng paraan.
"Try me Park Jimin! Huwag mo akong susubukan."
Galit niyang turan sabay tanggal sa suot niyang mask. Tsk! Galit din naman ako sa kanya.
Quits lang!."Bastard! Akala mo ba hindi Masakit itong ginagawa mo? You're trespassing!."
Nagpumiglas pa ako para lang sana pakawalan niya ang mga kamay ko, pero sadyang malakas niya kumpara sa 'kin.
"Ito nalang ang naisip kong paraan para kausapin mo ako, akala mo ba hindi ko alam na tudo Iwas ka sa'kin. Hindi ako natutuwa, Jiminssi!"
Gusto kong pawiin ang galit na nararamdaman niya ngayon para sa akin pero hindi ko kaya.
Panindigan ko na lang na kailangan ko pa rin siyang iwasan."Hindi ako umiiwas sa 'yo kaya umuwi ka na, Gusto ko ng magpahinga,"
Sunod kong naramdaman ay ang pagkakaluwag ng pagkakahawak niya sa dalawang kamay ko. Maging ang unti-unti niyang pagbaba Mula sa kama. He's standing beside me.
"Ito ba talaga ang gusto mo? Ang umiwas sa 'kin? Bakit? Hindi ba dapat na supurtahan mo nalang ako sa relasyon naming dalawa ni Taehyung? I love him so much, Chim! Sana naman maintindihan mo!."
Nanatili akong nakapikit kahit na alam kong nakatitig siya sa mukha ko ngayon. Gusto ko siyang sagutin na hindi ito ang gusto ko, ang iwasan siya. Naiintindihan ko naman siya palagi dahil mahal na Mahal ko siya, pero Paano ko naman sasabihing masaya ako sa isang relasyon na hindi Sang-ayun ang puso ko.
Iiwas ba ako sa kanya kung si Taehyung na mismo ang nagsabing ayaw nito ng kaagaw sa atensyon ng taong pinakamamahal nito!?
Ugh! Gulong - gulo na ako.. Gusto ko nalang magsisigaw!.
![](https://img.wattpad.com/cover/200097434-288-k167553.jpg)