Chapter Nine

176 5 0
                                    

Park Jimin POV

"I miss you so much! Please don't do this to me,."

Hindi kaagad ako nakakilos dahil sa ginawa niyang pagyakap sa'kin. Maging sa mga salitang binanggit niya ay napaluha ako. How I miss him so much too. Dahil kung alam niya lang kung gaano ako nagtiis upang hindi siya pansinin nitong mga nakalipas na araw ay hindi ko na kinakaya.
Mabilis akong nagpahid ng mga luha ko at kumalas sa mga yakap niya. Ako na rin mismo ang nagpahid sa mga Luhang naglandasan sa kanyang pisngi.
Ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng dahil sa akin. At iyon ang pinaka-ayaw ko sa lahat ang makita siyang umiiyak dahil Masakit iyon para sa 'kin.

"Akala ko ba galit ka sa 'kin? Umiiwas lang kasi ako Sa'yo, hindi ko alam na iiwasan mo din ako pabalik."

Seryoso kong turan sa kanya. Nasa isang park kaming dalawa upang magpahangin. Dito kaming dalawa madalas tumatambay nong mga bata pa lang kami. Maghahabulan sa gitna ng fountain kapag bukas na ang tubig kasama ang iba pang mga bata.
Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti tuwing naaalala ko ang kabataan ko kasama si Jungkook.
Lumingon ako sa kanya dahil ramdam kong kanina pa siya nakatitig sa mukha ko.

"Hindi ka naman galit sa akin, hindi ba?"

Tanong ko. Umiling lang siya.

"Kung ganon... Bakit mo ako iniiwasan pabalik?"

Tanong ko pa bago ako nag-iwas ng tingin sa kanya. Magkaibigan pa rin kaming dalawa. Kaso nga lang pakiramdam ko subrang dami ng nagbago, dahil kapag nandiyan siya sa tabi ko, hindi na ako komportable sa presensiya niya.
Parang gusto ko nalang siyang suluhin at ipagsigawan sa buong mundo na kasintahan ko siya.
Kahit pa alam kung mananaginip lang ako ng gising.

"I was just bored!"

Maya-maya ay Sagot niya kaya bigla ko siyang nasapak sa kanyang braso. Aish, iyon naman pala!....
Bored lang siya kaya nagawa niyang iwasan din ako.
Ibang klase!.

"Chim?"

"Hmm?"

Nilingon ko uli siya.

"Where's my gift!?"

"Regalo para Saan?"

Kunwa'y tanong ko kahit alam ko na kung para saan ang regalong hinahanap niya. Kailan ko pa siya  nakalimutang regaluhan sa tuwing nananalo siya ng basketball game.?

"Ano bang gusto mong regalo ngayon?"

Seryoso kong tanong sa kanya. Maging siya ay Seryoso habang  nakatitig sa mga mata ko. Wala ng tao sa paligid dahil saktong bumukas ang fountain at ito ang pinagtuunan nila ng pansin. Tanging ang ilaw ng poste ang nagsisilbing ilaw naming dalawa ni Jungkook habang nakatitig kami sa isat-isa.

"Hindi gusto ang kailangan ko. "

Aniya. Napangiti naman ako habang hindi maalis sa mukha ko ang pagtataka.

"so...Kung hindi gusto ang kailangan mo, eh ano?"

Tinitigan na naman niya ako..
Subrang weird din ng kumag na to..

"I don't need a gift.. Huwag mo lang akong iwasan uli."

Tinitigan ko naman siya ngayon. Hindi ko mabasa sa mukha niya ang isang pagkukunwari o pang-aasar. Subrang Seryoso niya habang binabanggit niya ang mga katagang iyon.

———

"Huwag mo lang akong iwasan uli."

Tanging tango at yakap lang ang naisagot ko sa kanya. Sino ba naman ako para tumanggi sa kanya kung iyon and kagustuhan niya? Well.. He's my Prince, my Love after all..

I Love You✔️(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon