PROLOGO

214 41 91
                                    


ASTRID'S POV

Marahan kong iminulat ang aking mumunting mga mata. Nakakakita na ba talaga ako? Sino ba naman ang mag-aakala na may pag-asa pang makakita ang bulag na gaya ko? Ang maliwanag na sikat ng araw ay lumagpas sa bintana at nagbigay ng liwanag sa maliit at tamihik kong silid.

Nangingibabaw ang katahimikan sa loob ng silid ko, walang niisang ingay akong narinig. Nakakapanibago lang. I was just lying down in my bed, waiting for some sound to come. Lumipas nalang ang isang oras, wala pa rin akong narinig kahit huni ng ibon wala. Bakit kaya sobrang tahimik? Nabingi ba ako? Nakakaloka.

Sa loob ng ilang minuto na nagising ako. Nagsisimula na akong makaramdam na hindi na niya ako mahal. JOKE. Nagsisimula na akong makaramdam ng sakit sa buong katawan ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga kahit nanakit ang buong katawan ko at umupo ng maayos. Pain shoots through my back hanggang sa leeg ko. Napamura nalang ako sa agarang sakit. Takte!

Inilibot ko ang tingin sa buong silid. Bughaw ang kulay ng dingding. May mga kabinet din dito, at may TV rin. 'Dun ko lang naalala na nasa ospital pala ako. Anong nangyari pagkatapos sa surgery ko? Asan kaya sila? Ilang araw na kaya ako dito?

Napalingon ako sa bandang gilid ng gabinete at may napansin akong mga tsokolate. 'Dun ko lang napagtanto na nagugutom na pala ako. Saan kaya galing ito? Kinuha ko ang isang maitim na tsokolate at kinain ito. Paulit-ulit ko itong nginuya pero hindi parin sapat ang mga tsokolate para mabusog ako. Kailangan ko magpalakas. Kailangan ko ng desenteng pagkain na talagang mabubusog ako.

Pagkatapos ko kainin ang tsokolate, huminga muna ako ng malalim bago ako marahang tumayo kahit nanginginig ang tuhod. I could possibly no longer feel the pain all over my body, all I can feel right now is hunger.

Dahan-dahan akong lumakad papalapit sa may pintuan. Nakatitig lang ako sa door knob ng pinto. Asan kaya sila mama? Bubuksan ko na sana yung pinto nang may mahagilap ako sa gilid ng pintuan. Isang salamin.

Biglang napatitig ako sa salamin. Nagulat ako sa nakita ko. Nakakita kasi ako ng isang babae na nakatayo at ginagaya ang eksaktong moves ko. Ako ba 'to? Hindi ko nalang namalayan na papalapit ng papalapit na pala yung mukha ko sa salamin ayun tuloy nauntog ako ng dahil lang sa katangahan at kagagahan ko.

Ako nga 'toh! Taena. Napamura na lang ako sa labis na kasiyahan. Matagal ko na kasi hindi nakikita ang maganda kong mukha eh. 'Nung na bulag kasi ako, ang tangi ko lang nakikita ay kadiliman ni walang niisang ilaw man lang. Black out kaya palagi. Kaya nga labis talaga ako nagpapasalamat sa donor ko kasi nakakakita na ako. 'Nang dahil sa donor ko naging maliwanag ulit yung buhay ko. Nabigyan ulit ng kulay ang madilim kong paningin. Pero teka sino kaya yung donor ko? Bakit hindi nasabi nina mama sa akin kung sino yung donor? Patay na ba yung donor? Sayang naman magpapasalamat sana ako.

Binuksan ko na ang pinto at naglakad na sa hallway. "Hello, tao po?" tawag ko ngunit walang niisang sumagot. Kaloka baka wala silang load kaya hindi sumasagot? Pagbibiro ko pa. Sobrang tahimik ng paligid pati na nga yung mabibigat kong hininga naririnig ko na. "Hello?" pagtawag ko pa ulit pero wala paring sumasagot. Kaloka. Ano 'to A Quiet Place lang ang peg? Weird.

Wala paring tigil ako sa paglalakad. Nauuhaw na ako. Napatigil nalang ako sa paglalakad ng maka-abot na ako sa cafeteria ng ospital. Pumasok ako at naghalungkat ng maiinom. Kailangan ko ng tubig. I need water in order to survive. Binilisan ko nalang yung paghahanap ko ng tubig baka may makakita pa akin at mapagkamalan pa ako ng magnanakaw o di kaya patay gutom. "Hoy Astrid, wag ka patutuklaw kay Judas! Wag mong kunin yung mga Piatos at Nova diyan." paalala ko sa aking sarili. Kanina pa kasi ako naglalaway sa mga chips na yan eh. Aside sa pagkauhaw ko, nagugutom rin ako. Kanina pa ako gutom na gutom.

Lollipop ChainsawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon