LAURA'S POVMaaga akong nagising ngayon. Excited na kasi akong umuwi sa'min. Uuwi na ako ngayon sa Pilipinas. Uuwi na ako sa pamilya ko. Nakangiti akong bumangon mula sa higaan at naligo para makapag-impake na ako. Hindi na kasi ako nakipag-impake kahapon kasi late na ako umuwi sa condo ko. Pagod na rin ako pag-uwi ko galing sa trabaho.
Pagkatapos kong maligo. Tinawagan ko muna si Florante, sekretarya ko upang ihanda ang pag-uwi ko sa'min. Tanging si Florante lang ang nakaka-alam na uuwi ako ngayon sa Pilipinas. Hindi ko na rin pina-alam sa pamilya ko na uuwi ako ngayon. Gusto ko kasing ma-sorpresa sila sa pagdating ko. ''Florante? Handa na ba ang lahat?'' tanong ko sa kanya.
''Almost there.'' sagot niya sa kabilang linya. ''Florante? 'Wag kang magpapahalata, kung hindi malalagot ka.'' mahinahong utos ko.
''Yes Ms. Laura, my love. Basta 'ah pagkatapos nito gagawa na tayo ng baby.'' natatawang sagot niya. Bwiset na lalaking 'to. ''Gusto mo ba mawalan ng trabaho?'' naiinis na tanong ko.
''Squeeze Honeypie Pinky Marshmallow Cupcake Mellow Buko Pandan Chocolatey Sugar Mama. Ayan na 'yung bagong endearment natin 'ha. I'm not your secretary anymore, I'm now you're Sugar Daddy.'' natatawang wika niya sa kabilang linya. ''I Love You.'' dagdag pa niya. Gago 'to ah. Humanda ka sa pag-uwi ko Mr. Florante Macaregla. Makakatikim ka talaga ng sinabawang sapak at pritong sampal.
Hindi ko na pinansin ang sekretarya ko. Baka kasi ma-stress pa ako. Wala rin akong oras sa mga pambwibwiset niya. 'Wag lang niyang sirain ang mood ko ngayon kung hindi malilintikan talaga siya. Biglang namang lumakas ang hangin sa buong paligid. Weird. Nakapagtataka lang, nakasara naman ang mga bintana at ang pintuan. Napatili ako bigla nang mahulog ang litrato ng aming pamilya mula sa sala. May kakaiba akong naramdaman na hindi ko maipaliwanag. Iniwan ko lang sa mesa ang aking telepono at dali-daling pumunta sa sala upang kunin ang nahulog na litrato.
Nakatitig lamang ako sa litrato namin. Hindi naman ito nabasag. Hindi ko namalayan na unti-unting umaagos na pala 'yung luha ng pangungulila ko. Namimiss ko na talaga ang pamilya ko. It's been almost 10 years since I last saw my family. Sobrang tagal na pala. When I arrived in the Philippines, I would hug them tightly and apologize for what I had done. Bigla naman akong nagulat nang marinig ko ang boses ni Florante. ''Ms. Laura?'' tawag niya mula sa kabilang linya. Narinig ko ang pag tawag ni Florante sa'kin kasi nakaloud-speaker 'yung telepono ko. Dinig ito hanggang sala. ''Ms. Laura?'' pag-uulit niya.
Kinuha ko ang aming litrato at isinandal sa pader. Dali-dali akong naglakad papunta sa telepono ko. ''Florante? Ano?'' tanong ko sa kanya. Hindi na siya sumagot. ''Florante? Hoy?'' tawag ko. Anyare sa kanya? Akmang papatayin ko na sana ang telepono nang magsalita siya ulit.
''Ms. Laura? There's something bad happened.'' nanginginig na sabi niya sa kabilang linya. ''Si Tita..?'' dagdag pa niya. Nanikip ang dibdib ko at parang nahihirapang huminga. ''Anong nangyari kay Mama?'' naiiyak na tanong ko. Unti-unting nabitawan ko ang aking telepono at dali-daling nag-impake na.
••••••
DARIUS' POV
I can't explain chemistry. I really can't. I haven't got a clue what it's all about. It just happens. It's like falling in love. You can't explain why you fall in love or explain why it's this particular person. ''Ako na ang lalabas. Maiwan ka rito.'' utos ko kay Astrid at niyakap siya ng mahigpit. Biglang bumilis ang book ng puso ko. It felt like love. I don't know. Pero alam kung pag-ibig ang tawag dito. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero nahuhulog na yata ako sa bestfriend ko. Mali ba itong nararamdaman ko? Hindi naman masamang magka-gusto sa kaibigan mo diba? Wala namang pinipili ang pag-ibig diba?
I don't think falling in love is bad. If love hits you hard, then you couldn't do anything about it. It's either you choose to express your affection or hide it forever. You can't blame gravity for falling in love. Love does not appear with any warning signs. You fall into it as if pushed from a high diving board. No time to think about what's happening. It's inevitable. An event you can't control. A crazy, heart-stopping, roller-coaster ride that just has to take its course.
Gusto kong sapakin si Mr. Principal dahil sa pang-iinsulto niya kay Astrid. Nagtitimpi lang talaga ako kanina. Wala naman akong issue kay Divya kasi alam kong makakaya lang 'yun ni Astrid. Palaban kaya si Crush. Walang kinakatakutan, walang kinikilingan, walang pinoprotektahan serbisyong totoo lamang. Joke lang hihi. Ang masasabi ko lang talaga ay matapang siya. Lahat ng pagsubok, haharapin niya alang-alang lang sa mga mahal niya sa buhay. ''Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa'yo.'' dagdag ko ulit.
Pinagmasdan ko lang ang maamong mukha ni Astrid. ''Darius?'' malambing na wika niya. Natural lang ang ganda ni Astrid ngunit dala siguro sa mala anghel niyang ngiti mas lalo pa itong gumaganda. Her pin curly golden brown hair complements her small heart-shaped face. Her lips were natural pink, so ravishingly soft and her butterscotch eyes matched her natural gorgeousness. ''Darius?'' malambing na wika ni Astrid ulit.
Kahit saan ako tumingin, si Astrid pa rin ang nakikita ko. Unti-unting naglaho ang mga kaklase namin at si Mr. Principal. Anong nangyayari? Tanging kami nalang dalawa ni Astrid ang natira. Gusto kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Pero hindi ko magawang sabihin. Natatakot ako na baka hindi niya masuklian ang pagmamahal ko.
Hinawakan ni Astrid ang magkabilang pisngi ko. Anong gagawin niya? ''Darius? Mahal mo ba ako?'' wika niya. Napatigil naman ako sa sinabi niya. Alam ba niya na may gusto ako sa kanya? Halata ba? Naramdaman ko nalang na parang nanigas ang buong kalamnan ko sa sunod na ginawa niya. Hinatak niya ako at hinalikan. Fuck. Totoo ba 'to? She kissed me so hard at pinalupot niya ang braso niya sa leeg ko para raw mas mahatak niya ako papalapit at madiin ang labi niya sa labi ko. Hindi ba ito panaginip lang? Ang kamay ko ay nakahawak sa bewang niya habang magkadikit ang katawan namin.
I licked her lips and pushed my tongue inside her. She opened her mouth to welcome me. I wanted to taste her more. I wanted her to treat me like she owns my lips. Unti-unting humiwalay na si Astrid sa pagkakadikit ng katawan namin. Tumakbo siya malapit sa pintuan ng guidance. Ngumisi ito sa'kin at sinenyasan ako na lumapit raw sa kanya. Dahan-dahang lumakad ako papalapit sa kanya. Nakatitig lang siya sa'kin. This girl is driving me crazy. Isang hakbang nalang papunta kay Astrid nang biglang nauntog ang ulo ko sa pader. Shit.
''Fafa Darius? Anyare sa'yo Fafa Darius?'' napatingin ako bigla sa gawi ng boses na narinig ko. Si Divya lang pala. ''Anong nangyari sa'yo? Mr. Salvador, adik ka ba?'' kunot-noong tanong ni Mr. Principal. Adik lang kay Astrid. ''Naka-drugs ka ba?'' dagdag pa niya.
Napatingin naman ako sa kanilang lahat. Napangiwi ako nang makita ko silang nagtatawanan. ''Nababaliw ka na ba, Darius?'' natatawang tanong ng isa kong kaklase. Nababaliw na ba talaga ako? ''Kanina ka pa kasi salita ng salita at parang may hinahalikan ka sa hangin. Nagprapractice ka ba ng French Kiss?'' dagdag pa ng kaklase ko. Taena. Ano ba 'yung pinag-gagawa ko?
Marahan akong napakagat labi at iniwas ang namumula kong mukha, parang gusto kong lamunin na lang ang lupa sa matinding kahihiyan na nararamdaman. Napatigil ako bigla nang maalala ko si Astrid. ''Asan si Astrid?'' tanong ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Lollipop Chainsaw
HorrorAko si Yllyanah Nevaeh Astrid Journee Delaney Lacambra. Nabulag ako dati dulot ng isang aksidente nangyari lang kahapon. Nagising naman ako sa isang hospital na wala ng tao. Isang rin akong animadora. Sa aming escuela. Gamit ang motosierra ko. Kaya...