ASTRID'S POV''Lacambra!''
Nagising nalang ako bigla sa tawag ni Mrs. Chardonnay MacDonald Berger, guro namin na mala shotgun ang bibig. Nagtataka lang ako kung kumakain 'din ba siya sa Jollibee? Favorite ba talaga niya ang burger?
"Lacambra!" tawag niya ulit sa akin. Hindi ako nagpatinag sa alarm clock. Boring kasi si Maam 'eh kaya ayun hindi ko mapigilang makatulog sa classes niya.
Nanatili lang akong nakahiga sa mesa habang yakap-yakap ang Dora the Explorer na unan na dala ko. Damang-dama ko ang lambot ng unan at ang sarap pa ng amoy nito. Kailan naging masarap ang amoy? Natikman ko na ba? Actually nilagyan ko kasi ito ng downy kaya ayun ang bango-bango at ang fresh pa.
Ang sarap sarap sarap sarap sarap sarap ko talaga. JOKE. Kailan ba ako naging masarap? Ano ba talaga yung true lasa ko? Manamis-namis ba? Mapait? Yummy? 'Ah basta, ang sarap talaga matulog dito sa classroom. May libre kasing aircon. May libre 'ding ticket papunta sa guidance office kung mahuhuli kang natutulog sa klase. Diba ang bongga ng school namin? Free lahat. Pero nagtataka lang ako kung bakit walang libreng jowa dito sa school na 'to?
"LACAMBRA!"
Ang lakas ng pagbigkas niya sa makabigting hiningang apelyido ko. Mukhang nagalit na yata si Maam ng bongga. Dinig na dinig pa ito sa kabilang classroom. Paano ko iyan nasabi? Aba malay ko, basta nakakasiguro ako na dinig na dinig yung boses ni Maam sa kabilang classroom.
Hanggang ngayon nakahiga parin ako sa mesa at ayaw ko pa rin talaga bumangon. Manigas si Maam. Pati mga kaklase ko, pilit pa ako ginigising kaso nabigo 'din sila sa huli. Actually gising naman talaga ako 'ah pero hindi ko pa gustong bumangon. Hindi ko parin kasi matanggap na hindi natuloy ang kiss namin ni Khairo sa panaginip ko. Sayang talaga. Epal kasi si Maam Berger. Araw-araw niya talagang sinisira ang mala fairytale na panaginip ko.
Alam ko naman sa panaginip lang ako hahalikan ni Khairo. But in reality, malay mo magkatotoo. No one knows. Pero pagdating kasi sa kissing scence namin ni Bebe Khairo sa panaginip ko, palagi nalang epal si Maam. Palagi niya akong ginigising kapag magkalapit na halos ang mukha namin ni Khairo.
Pero nagtataka ako ngayon kung bakit iba ang napaghinipan ko. May umeksena kasi sa panaginip ko. Alam niyo ba kung sino? Diba hindi?
Aktong hahalikan na nga sana ako ni Khairo 'eh nang dumating si Maam Berger at sinabi ang mga katagang na "Itigil ang kasal." Paepal talaga. Paano kaya nakapasok si Maam sa panaginip ko? Paano kaya nakapasok si Maam sa fairytale dream ko? Paano ba? Aba malay ko! Basta ang alam ko, sinira niya yung panaginip ko kahit hindi naman totoo.
Tutal wala naman akong magagawa pa para maibalik yung panaginip ko kaya ayun tinanggap ko nalang kahit masakit. Shutang Iring. Rinig na rinig ko na ang yapak ni Maam Berger. Papunta na 'yata ito sa kinaroroonan ko. Sermon is waving at me hehe.
Pero dahil wise akong nilalang, inunahan ko na siya. Sinermonan ko ang aking self. "Hoy? Lacambra! Tulog ka nalang ng tulog! Hindi ka nakikinig sa mga discussion ko! Hindi mo nga magawang mamemorize ang classmate mo! How about your dreams, your future? May magagawa ba ang pagtulog mo sa kinabukasan mo?!''
Sa totoo lang, ang kapal kapal kapal kapal naman ng face ni Maam Berger. Hindi raw ako nakikinig? Shutang Iring si Maam. Memorize ko nga 'yung mga kontrabidang lines niya 'eh. So pathetic. My ghed matalino kaya ako.
Napanganga nalang si Maam sa sinabi ko akala niya yata hindi ako nakikinig sa pauulit-ulit na sermon niya.
"Gising ka na pala?" tanong ng boy bestfriend ko na nagngangalang Darius. "Binilhan kita ng lollipop."
BINABASA MO ANG
Lollipop Chainsaw
אימהAko si Yllyanah Nevaeh Astrid Journee Delaney Lacambra. Nabulag ako dati dulot ng isang aksidente nangyari lang kahapon. Nagising naman ako sa isang hospital na wala ng tao. Isang rin akong animadora. Sa aming escuela. Gamit ang motosierra ko. Kaya...