CHAPTER TWO

69 7 22
                                    


ASTRID'S POV

Nakaupo lang kaming lahat sa guidance office habang hinihintay ang parusang ipapataw ni Mr. Principal.  Ano kaya ang parusa namin? Manonood na naman ba kami ng drug symposium ngayon? Okay lang naman kung may libreng snacks. Pero alam naman nilang hindi kami drug user, drug addict o drug lord man lang. Adik lang kay Bebe Khairo, pwede pa hihi. Napatili naman ako sa kilig nang mapasagid sa isipin ko si Khairo. Pag naging zombie talaga si Khairo, hindi talaga ako magdadalawang isip magpakagat sa kanya. As if naman na may zombie dito sa Pilipinas.

Agad namang nawala sa isipan ko si Khairo nang maalala ko si Maam Berger. Iba kasi ang vibes at aura niya kanina. Ano ba talaga ang nangyari sa kanya? Bakit ang gulo niya? Bakit madalas na siyang makakalimutin ngayon? Epekto yata 'yun ng pagka-foodaholic niya? Ay hala bakit ako concern? Teka lang, kumakain na naman ba 'yun ng burger sa McDo? 

Hindi ko nalang inisip pa si Maam Berger baka kasi lalong ma-stress pa 'yung cerebrum, cerebellum at brain stem ko. Chos! Bumuntong hininga ako at binuksan ang TV sa guidance office, tutal wala namang mga guro dito o mga epal man lang at isa pa tanging classmates ko lang naman ang nandito. Ewan ko ba kung bakit nila kami iniwan. Ikaw, alam mo ba ang dahilan kung bakit ka iniwan?

''Hoy Lacambra! Makakatikim na naman tayo!'' galit na angal ni Divya, self proclaimed teacher's pet ng klase namin. Akala ko ba walang kill joy dito sa'min? Anyare? Kaloka. Bakit ba sa buhay natin may mga kontrabida? Required ba talaga 'yan? Kailangan ba 'yan? Hindi ako nakinig kay Divya, kinuha ko nalang ang remote sa desk ni Mr. Principal at bumalik sa kinauupuan ko. ''Lacambra! Ano ka ba 'ha? Magbigay ka naman ng galang kay Divyana.'' saad naman ni Hargel, alipores ni Divya. Inirapan ko nalang siya at kinuha ang chips na nakatago sa bag ko.

Napatigil naman ako ng hawakan ako ni Divya ng madiin sa kanang braso ko habang matatalim ang titig niya sa akin. ''Wala ka ba talagang respeto sa akin? Nakalimutan mo na ba kung sino ang binabangga mo? Just to inform you Lacambra, I'm the president of our class.'' 

''Then? 'Eh muse ako sa klase.'' sagot ko kay Divya at saka ngumisi. Agad naman niyang binitawan ang braso ko. Then she crossed her arms across her chest. ''Nagpapatawa ka ba Lacambra? For your information, president is much better than a lousy worthless ugly muse. Alam mo ba kung bakit pinaka importante ang pangulo sa lahat ng posisyon?'' mataray na sabi ni Divya sa akin.

Napatawa ako dahil sa sinabi ni Divya. ''Oo alam ko 'yun.'' Tumikhim muna ako bago ako nagsalita ulit. ''President is important to us because if there will be no president in a particular country, the country will not be balanced and there will be no rules in the country and all will start fighting. The president also helps decide for us. Siya rin ang namamahala sa bansa . Ang ekonomiya natin, pamahalaan, mga batas, at iba pa. Sinisikap niyang pagbutihin pa ang ating buhay.''

''Oh alam mo na pala 'eh. Bakit wala kang respeto sa'kin? Sa ganda kong 'to? You should treat me like a queen.'' mataray na wika ni Divya. 

''Pake ko po sa ganda niyo? Muse ka ba? Kaya nga napili ako bilang muse 'diba kasi mas maganda ako.'' matapang na sagot ko sa kanya. Ngumisi muna ako sa kanya bago ko inirapan ang bruha. Bahala na siya sa buhay niya.

Nagulat naman ako bigla nang sugurin niya ako at sinabunutan. ''Wala ka ba talagang respeto sa'kin? 'Diba sinabi ko na nga sa'yo na tratuhin mo ko bilang reyna?!'' nagngingilid sa galit na sabi niya. 

 ''Alam mo ba Divyanna, na ang pangulo ay iba sa reyna?'' sarkastikong tanong ko sa kanya.

''Ang dali naman ng first round. May second round pa ba?'' bulong ng isa naming kaklase na parang na-eenjoy sa panonood sa'min ni Divya. 

''Hindi ko talaga akalain na magkakaroon ng boxing dito sa guidance office. First time ko lang nakita ko sa tanang buhay ko.'' dagdag pa niya.

''Ayan lang ba ang kaya mo?'' tanong ko kay Divya. Ngumisi naman ang bruha. ''What a stupid question, Lacambra!'' Aktong sasampalin na sana ako ni Divya nang mabilis ko itong naiwasan. Manghang-mangha naman silang nanonood dahil sa bilis ko. Ayun tuloy ang alipores niya ang kanyang nabagsikan sa kanyang sampaling skills. Napaiyak nalang bigla si Hargel nang dumapo ang sampal ni Divya sa mukha niya. 

Lollipop ChainsawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon