Chapter Fourteen

5 0 0
                                    

" ang talino ko no? "

" ngayon Lang naman gumana utak mo " sagot ko.

" wag mo nga akong Linangin. Alam ko namang may hidden motive ka kaya mo ako tinulungan eh. So bilis na lumayas ka na at gawin mo na yung hidden motive mo "

" eh saan ko siya hahanapin? "

" problema ko ba yun? Bahala ka. "

" bwisit. Jan ka na nga "

At lumayas Si Bubbles. Pakamatay na siya kung gusto niya. Sinuri ko ang sarili ko. Bakit kasi ang ganda ko kahit nakasuot ako ng hospital gown diba?

May isang nurse na nagtatakang tumingin sa akin. Dali dali naman akong umubo ng kunwari.

" miss ayos ka Lang ba? " nag alalang tanong ng nurse. Oo Basta lumayas ka Lang now na! " ano.. * ubo * hindi. Pero.. * ubo ubo * I'm under medication naman so... * ubo * I'll be fine " mahinang sabi ko. Ngumiti ako mang malungkot.

Sobrang worried ang peg ng expression ng nurse.

Hindi ko ba nasabi? Best actress ako. Hindi best supporting actress.

Best actress.

" ihahatid na Kita sa room mo Miss. Ano nga pala ang pangalan ng doctor mo? " tanong ng nurse

Patay. Anong room nga ba yun na suhol ni Bubbles doon sa front desk? At doctor? Shit. Sinong doctor ang sasabihin ko?!

" ahah... Sa room 14-3 ako. Si doctor.... Uhmm .. " patay Monica marie. Sinong doctor mo?! " Si doctor.... Castillo! Tama Si Doctor Castillo nga! " Dali daling sabi ko

Mag dasal na Lahat ng engkanto na may Doctor Castillo sa ospital na ito

Kumurap ang nurse " pa-pasyente ka Si Doctor Castillo? " natatarantang sabi ng nurse

Huh? Problema Nito? " oo? " Ay Bakit pa tanong?

" naku miss! Kailangan mong Bumalik sa room mo ngayon din. Kapag nakita ka ni Doctor Castillo na pagala gala magagalit yun at... Well hindi masayang eksena kapag nagalit Si Doctor Castillo " natatarantang sabi ng nurse

" huh? Pero--- "

Hindi na niya ako pinansin at kinaladkad na niya ako papunta sa room 14-3. Leche paano ko maisasagawa ang plano ko nito?! Papasok ko sa room 14-3 agad niya ako pinahiga sa kama syempre sa kama hindi sa sahig.

" jan ka Lang Miss Ok? wag kang lalabas kunin ko Lang yung mga prescribed Medicine para sayo "

Gamot sa puso meron? Ngumiti ako ng matamis. " Ok nurse "

Malamang dali dali siyang umalis diba? Agad naman akong tumayo. Asa namang hindi ako aalis right? So dali Dali akong lumabas ng room ko at nag tango sa room 32-4.

Ngumisi ako nang malapad. Akin ka ngayon John Jan Ramos. Hindi ka makaka lusot sa mga kamay ko.

Pero bago ko pa man din nabuksan ang pinto may narinig akong naguusap sa loob

" Anong ibig mong sabihin? "

Oh my. Boses ni John!

" hindi ako sigurado pare. Pero parang siya talaga yun eh. "

Huh? Sinong kausap niya? Boses ni... Ewan Di ko matuloy kung boses ba Si Charles o Angelo.

" hindi mo ba talaga nakita nang malinaw? "

" hindi talag pare. Pero yung dating kasi eh parang siya "

" Pero ano namang gagawin niya sa lugar na to? "

" Malamang nagpapagamot naka suot siya ng hospital gown eh alanganaman pumunta siya sa patay "

Tumahimik sa loob ng room. O baka hindi ko Lang marinig ang pinag uusapan nila. Sino ba kasi yun?

" Bakit nasa labas ka? "

" Ay Gulay kong mahalay! " napahawak ako sa dibdib ko.

Tumawa siya. " gulay mong mahalay? Anong Gulay ang sinasabi mo? "

Bakit ba parang mushroom to?! " ano kasi.... " Anong sasabihin ko?!

Muling Tumawa Si Angelo. " binibisita mo ba Si John? Bakit hindi ka pumasok sa loob? Teka Bakit naka hospital gown ka? "

Agad naman akong umubo " nagpapagamot kasi ako " sagot ko

" may sakit ka? " kumunot ang noo niya " Anong sakit mo? Kaya ka ba nawalan ng Malay kanina? "

Hindi! Sakit sa puso dahil sa sobrang iritasyon At stress dahil ang daming sagabal sa plano ko " hindi pa lumalabas ang results eh" Dali Daling sabi ko

" Pero Wala ka namang lagnat? " tanong niya at idinampi niya sa noo ko ang palad niya. Agad naman akong umatras.

" Ay wala. Wala akong lagnat " sabi ko labnat Lang.

" mas mabuti pa siguro ng Bumalik ka na sa kwarto mo saan ba ang room mo? Ihahatid na Kita " sabi niya

Grr. Effective ba talaga itong plano no Bubbles?! Wag kako siyang magpapakita sakin dahil baka masakal ko siya.

" Ay ayos Lang ako. Napadaan Lang ako kasi May narinig akong... Ano.... Ah nandito Si John nag alala Lang ako " sabi ko

Nagbuntong hininga Si Angelo. " I naalala mo siya Pero hindi mo i nalala ang sarili mo. Ayos Lang Si John . Kailangan lang niyang mamalagi saglit sa ospital kasi... Ah wag mo ng intindihin yun. Mabuti pang ihatid na kita sa kwarto mo At--- "

Argh. " Ay. Hindi na " Dali Daling sabi ko " ayos Lang talaga ako. Oh paano. Mauuna na Muna ako. Bye! "

Bago pa siya nakapagsalita agad na akong pumunta sa elevator bwisit. Ang daming sagabal. Noong bumukas ang elevator. Halos malaglag ang puso ko

What is he doing here?! Agad kong tinakpan ang pagmumukha kong maganda at tumalikod.

" chief it is what I heard. "

" nonsense. I would have it first. "

" but chief-- "

" excuse me "

Oh no agad akong tumabi " miss please go to your room it's not good for patience to.. Excuse me? You look familiar "

Ay talagang pamilyar ako. Pero utang na loob! Kahit ngayon Lang wag mo akong kilalanin! Itakwil mo na rin ako kung gusto mo Pero ngayon Lang!

Agad akong umubo at maglakad papunta sa ibang direksyon. Patay. Lagot.

Nasan ba kasi ang emergency stairs dito?!

Dali Dali akong tumakbo papunta sa kung saan-- well Hindi ko na kasi alam kung saan ako pupunta-- habang naririnig ko pa ring tinatawag niya ako.

MaButi naLang at nakita ko kaagad ang emergency stairs.

Ang talino ko talaga.

Noong nakarating na ako sa third floor agad akong nagpatuloy sa kwarto ko

Teka papasok ba ako? Pero what If may doctor sa loob?! What if tumawag ng doctor yung nurse na yun? Yari ako. Mama save me!!

Ok huminahon ka Monica Marie Anong sasabihin ng mama mo sayo ng ganitong sitwasyon? Keep calm and stay beautiful Ok. Maganda ako maganda ako

Maganda ako. At dahil maganda ako... Potek. Anong kinalaman ng ganda ko rito?! Nica! Huminahon! Pumasok ka sa loob kung Ayaw mong maabutan ka niya jan sa labas. Ma uli ka-- yung doctor sa loob o Si .... Papa?

Pumikit ako. Malamang yung doctor sa loob! Bahala na! Pag bukas ko ng pinto halos malaglag panga ko. Pati na din undies

" Anong nangyari sayo at Bakit ka baka suot ng hospital gown? " malamig niyang tanong sakin

Oh no. Mali ang choice ko kanina class mahuli ka ni papa o ni .... John?!

Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon