Chapter 28

7 0 0
                                    

🎶 There, away from my reach
From the distance I send my only wish..
Just one look from her lovely eyes
My heart will Melt it's lonely ice... 🎶

🎶 For her to see me, for her to finally feel
This heart and my feelings so real...
If I had to, I would wear. Clothes of purple
Just to have you look at me, Purple Girl 🎶

Ok. Hindi ako feelingera much. Pero kakalbuhin ko talaga Si John kapag hindi ako ang inspiration niya sa kantang yan. I mean. Gano Ba karami ang mahilig sa purple na kakilala niya?!

Joke Lang. Hindi ko siya kakalbuhin. Kukurutin Lang. Joke ulit. Pero kasi....

Naman! Yung kanta kasi! Nakakainis naman o. I mean yun pala ang bagong single nila! Tapos.... Tapos yun pa ang tema ng title ! Nakakakilig kaya!

Kahit na nagfifeeling Lang talaga ako na para sakin ang kantang yun.

Hay nako. To make things more nakakaloka at nakakainis ang girl na nasa MV nila Eh Si Lovely Belmonte Lang naman. Kung hindi Lang talaga Maganda at nakakakilig ang kanta---na tipong tapos sa heart kong sexy--baka binato ko na ang remote control sa TV.

Ok Nica. Kalma Lang. Pero paano ako kakalma?! I mean hindi naman ako hater ni Lovely. Bat ako magiging hater niya Eh di ko naman siya Kilala ng bongga right? Malay ko ba sa pagkatao niya at hindi ako naging intresadong halungkatin ang talambuhay niya. Hindi naman kasi ako nag seselos dahil baka may gusto Si John sa kanya. I'm positive na Wala.

Malinaw na malinaw sa akin na kung meron mang nagugutoshan Si John Eh Yung binibining Singkit at may kutis porselana yun. Ewan ko kung iyon nga ba ang katotohanan of sadyang iyon kang ang gusto kong pa paniwalaan . Pero hindi ee malinaw talaga sa akin. Ewan. Feel ko Lang

Medyo naiinis Lang talaga ako kasi pakiramdam ko Eh maagawan ako ng trono kahit hindi naman ako ang nagmamayari ng tronong iyon. Nagfifeeling Lang Eh basta purple kasi Eh I mean hindi Lang naman ako ang nag iisang mahilig sa purple sa buong Galaxy kaya Wala akong karapatang mag reklamo at mag emote Dito right? Pero kasi... Nakakainis naman kasi talaga. Kasi naman!

Pwedeng kahit Yung kanta nilang Purple Girl ee sa akin nalang?

May gulays. Ang crazy ng request kong nirerequest ko Lang sa brain ko.

Bat ba kasi ako nageemote dito at Sampung beses na pinapaulit ulit ang MV ng Purple Girl?

Simple Lang.

.... Dahil iniimagine kong ako ang babaeng nasa MV

Sumandal ako sa mini couch kong nasa harapan ng TV Habang pinapanood pa rin ang MV. Nag buntong hininga ako.

Hindi naman kasi ako perfect Eh. Although para akong isang Babaeng binalutan ng protons. Normal din naman akong magkakaron ng BV. Kahit na mababaw Lang ang dahilan ng BV ko. Umiling ako. Ano ba yan Monica?

Para kang namang Batang inagawan ng candy kahit hindi naman talaga sayo Yung candy. Ngumangala Ka sa kantang nagfifeeling Ka Lang na inspired sa sexy mong pagkatao

Tama. Ang babaw ko naman. Suportahan ko na Lang dapat ang Zues dahil successful ang single nilang Purple girl. Well sinusuportahan ko naman Sila Eh. I am genuinely happy for them. Iritado kang talaga ako kasi Si Lovely ang model sa MV.

Eh anong gusto mo Monica? Ikaw?

Aba. Hindi ko naman tinatangging iniimagine kong ako yun Eh. DI naman ako importika para sabihin kong hindi ko gustong ako ang maging model ng MV na yun. Pero Grabe naman yata ang feelingera ko na kapag pina tagal ko pa ang pagmumukmok ko rito dahil Lang hindi ako ang model ng MV na yun. In the first place celebrity ba ako? At bakit ako? Why not other girls? Ako Lang ba ang mahilig sa purple? Ay kababawan nga monica. Ng dahil Lang sa purple Eh.

Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon