Chapter Eighteen

4 0 0
                                    

" ayun ayun at ayun! ayun pa oh! "

" oonga nakita ko nga "

" tapos ayun pa! ang bango no amoy hanggang dito " masiglang sabi Ko

tumango siya. hay naku naman. kung ako ay masigla pa sapasko, siya naman ay malungkot pa sa biyernes Santo. Kung hindi lang talaga ako si Monica Marie Castillo susukuan ko tong lalaking to. Nagpamewang ako.

" Bumalik na nga lang tayo sa farm .Baka napapagod ka na " sabi ko

umiling siya " hindi naman "

" eh, bakit para kang pinasabugan ng milyon milyon na Mangga?"

hindi ko alam, pero bigla siyang ngumiti ng tipid. OMG. Kumurap ako, pero bago pa man din ako nakapagreact nagsalita na siya.

" literal ngang maraming mangga " sabi niya

" hindi lang kasi ito pig farm mango Farm pa! " proud kong sabi. Naglakad ako papunta sa mas maraming puno ng mangga. Sumunod naman siya sa akin.

ang ganda ng lugar, sagad. may medyo makipot na pathway na mabato tapos sa magkabilang side eh, mga nakahilerang puno ng mangga. At tag-mangga pa ngayon, so bukod sa maraming bunga, marami ding maliliit na bulakblak na nililipad ng hangin. Amoy na amoy po ang scent ng mga bulaklak.

At dahil mabato ang path at lampa ang mayaman kong face. Nadulas ako. At tumama sa lupa ang face kong maganda.

" ang matangos kong ilong! " reklamo ko. Agad akong tinulungan tumayo si John.

" napapansin kong accident prone ka " mahinang sabi niya

habang hinihimas ko pa ang ilong kong matangos, pinagpagan niya ang mga tuhod ko

OMG, nakikiliti ako! at wala akong pakialam kung nagasgasan man ang tuhod ko dahil hinawakan ni John ang mga ito! My. Gosh. Tama lang talagang na nagshorts ako today. Sobrang pagpipigil ko na talaga sa pag contain ng kilig ko. Ang hirap mag pigil ng Kilig! feeling ko eh sasabog ako. Sagad

" hindi naman ako accident prone " depensa ko

" eh di tanga lang yung patag na lugar " sahoy niya

" huh? Natatanga ba ang patag na lugar?" nagtatakang tanong ko

Napakamot siya ng ulo " sacrcasm . Dont you ever detect it?"

umiling ako. Tumingin ako sa palgid. " nasaan ang sarcasm?"

binigyan niya ako ng isang weird look. " hindi ko talaga alam kung paano tumatakbo yang utak mo " sabi niya

" tumatakbo ang utak? di ba nag iisip yun?"

" I give up " bulong niya tinignan niya ako from head to toe " ayos ka lang ba? "

sa lagay na to? di no nag ha-hyperventilate nga ako sa kilig eh paano ako magiging maayos?

" uy! concerned! "

" sayo? hindi. nag aalala lang ako dahil baka sabihin ng nanay ko eh hinayaan kitang mapasama. Baka magalit pa sakin at tanggalan ako ng mana "

ay grabe to. Mas concerned pa talaga sa mamanahin niya. hmp. pero di naman masamang mangarap right? lalo na kapag nasa tabi ko ngayon ang pangarap ko. Ay. Kinikilig ang butt ko . gutso ko talaga sumayaw ngayon na mismo!

tumalikod na siya akin at nagsimulang maglakad. Sumunod naman ako sa kanya. Bigla siyang lumingon ulit at malay ko bang lilinhon siya right? eh ang lapi ko lang sa kanya at tuloy tuloy naman ako naglalakad. Ako malaman tumama ulit ang ilong ko sa matigas na bagay. This time sa dibdib niya na. Bago pa ako naka aray nag salita na siya.

Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon