Chapter Fifteen

9 0 0
                                    

So wala akong choice diba? Binuksan ko na rin Lang ang pinto at sobrang obvious ko naman kung hindi pa ako papasok. Isinara ko ang pinto at nilapitan ko siya.

" Hi John " medyo nagaalangang bati ng kagandahan ko sa kanya. Promise speechless ako.

" ano nga sabi ang ngyari sayo at Bakit naka suot ka ng hospital gown? " malamig niyang tanong. Nakaupo siya sa Kama ko at naka tingin ng malamig sa akin.
Brr. Ang lamig niya talagang tumingin. Para siyang yelo ng tinubuan ng gwapong mukha

" w-wala namang ngyari sakin pero-- " nagulat ako noong bigla siyang tumayo at idinampi ang palad niya sa noo ko. Kumurap ako what the hell is happening here?!
" Wala ka namang lagnat. Bakit sabi ni Angelo I umubo ka raw? " Ay iduuno pala ako? Kelan pa? " Medyo itchy Lang siguro kanina ang lalamunan ko " ng dahil sa kakapo lusot

Ugh. Teka sinabi ni Angelo sakanya na andito ako? Paano niya nalaman kung Anong room number ko?
The
" Bakit makati lalamunan mo? " naka kunot noong tanong niya

Eh kasi nga dahil sa kakapalusot. Pero Malamang hindi ko sinabi sa kanya yun
" baka dry Lang ang thoat ko " sabi ko. Ang pa lusot mo Nica obvious masyado
Kumunot ang noo niya at nilagyan niya ng tubig ang baso na nakalagay sa table. Inabot niya ang baso sakin.

" iinumin ko? " tanong ko

" may tubig bang kinakain? "

Ay tae msupalpal. Kinuha ko ang baso at iniinom ang tubig. Shit. Kinakabahan ako. Anytime eh mabilis to ako nito.

" higa " biglang sabi niya

Huh? Ano raw?

" higa "

Higa? " saan? " tanong ko

Tinignan niya ako ng malamig " kung ayaw mo sa Kama Di sa sahig ka humiga "
Ay sa Kama ba? Tabi kami? Ilusyon. Umupo ako sa Kama at.... Talaga bang pinapahiga niya ako?!

O eh Di humiga. So humiga nga ako. Nagulat ako dahil kumuha siya ng isang chair. Ipwinesto niya un sa tabi ng kama at doon siya umupo.

" teka. John Anong--- "
" matulog ka na. Baka mawalan ka na naman ng Malay "

Huh? " Pero Anong gagawin mo nga-- "

" hindi ba halata? Ano pa ba? Eh Di babantayan ka "

Babantayan niya ako? Babantayan niya ako?! Teka teka Si John ba to? Di kaya Alien to at kinain niya ang totoong John?! Ang swerte naman niyan ni hindi ko pa nga natitikman este na angkan Si John eh!

' Pero Wala ka bang ibang gagawin? I mean-- "

" matulog ka na " malamig niyang sabi. Pumikit siya at speechless naman ang kagandahan ko.

Pero hindi ko mahiwa sang ngumiti. Ewan ko ba. Kinikilig ako. Pero Oarang beyond pa sa kilig ang nararamdaman ko eh. Parang hindi Lang kilig. Higit pa talaga roon. Kaya hindi ko na iniintindi. Naka ramdam din kasi ako ng pagod.

Parang gusto ko na ring matulog at mag pahinga. Ngumiti na Lang ako at pumikit
Sweet dreams John hintayin mo ako sa Greenland este dreamland ha?

-

Ang ganda ng panaginip ko. Ayoko na nga sana ng gumising Pero hindi pwedeng hindi ako gumising dahil kapag hindi ako gumising aangkinin Lahat ni Cadmus ang Lahat ng kayamanan ng angkan namin. Hindi ako makakapayag . Lalo na ang pangit niya at mukha siyang ampon lang ng pamilyang Castillo kaya binuksan ko ang mga mata ko at muntik na akong mahulog sa Kama noong nakita kong may Lalaki ng naka patong ang kanyang ulo sa mga forearms niyang nakapatong sa kama ko.
Sisigaw nas dapat ako ng biglang gumalaw ang engkanto este tao. Agad siyang umupo ng tuwid. Huh ? Kumurap ako

Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon