Chapter seventeen

17 0 0
                                    

Napangawi ako Dahil sa malamig na titig niya sa akin. Grabe naman! Hindi ko naman kasalanan to eh! Malay ko naman din di ba? Ganito na ang nadatnan ko rito so malay ko ba talaga?

" grabe ka naman makatitig " reklamo ko habang yakap yakap ko ang sarili ko eh sa nilalamig na talaga ako sa tingin niya eh

Kumunot ang noo niya " sigurado ka bang wala ka talagang kinalaman dito? "
" isa Dalawa tatlo apat. Mga apat na beses mo ng tinanong yan eh." Reklamo ko. " magpakamatay man ang bakla kong kapatid maubos man ang kayamanan ko kahit malabong mangyari yun maging lalake man Si Bubbles pumangit man ako kahit impossible yun.... Wala akong kinalaman Dito. Promise "

" hindi ako naniniwala " mariing sabi niya.

" eh Di wag " grabe tong lalaking to. Wala naman talaga akong kinalaman eh.
Ang sabi ni mama. Pumunta raw ako sa farm. Malay ko ba namang madadapuan ko siya. Eh nanginginig yata ang abs niya sa inis. Eh anong magagawa ko? Malay ko bang nandito siya diba?

" teka nga! " biglang sabi ko " bat ba ako ang sinisisi mo? unang una farm namin ito. Nandito ako kasi ayaw na raw gumawa ng baby ng mga baboy ko kasi nalulungkot daw sila. Namimiss daw nila ako kaya pinatapon ako ni mama dito para gumawa ng ritwal "

" ritwal? " nagtatakang tanong niya " anong pinag sasabi mo at anong kinalaman ng mga baboy sa papunta mo dito? Para Sabihin ko Sayo. Pina punta ako rito Dahil Kailangan mo raw ng nakakatulong ayusin itong lugar niyo. Hindi ko kagustohang pumunta dito Pero buburahin ng nanay ko ang pangalan ko sa listahan ng angkan namin kapag hindi kita tinulungan "

Napakurap ako. Woow. Grabe. Ito na yata ang pinaka mahabang sinabi niya sa akin " teka teka anong ayusin dito? Wala namang ayusin sa mga baboy. Gagawa Lang ako ng altar at magaalay ng ritwal para sa mga kampon ng kalikasan " pagpapakilala go ko

" alam mo " panimula niya " hindi ka na normal. Sigurado ka bang hindi mo ako pinaglololoko? "

" grabe ka. Mukha bang nag joke ang Pagging malungkot ng mga baboy ko to the point na ayaw nilang gumawa ng baby? "

Hinimas niya ang noo niya. Bago pa man sin siya nakapagsalita. Lumapit ang mayodroma ng farm namin. Syempre rich kami eh right? so may mayodroma kami. Obviously.

" señiorita pinapasabi Po ng mama Niyo na hindi raw Po Kayo maaring umalis dito hanggang hindi nabubuntis ang mga baboy niyo " sabi niya sa akin
Tumingin ako kay John " see? Sabi ko naman sayo eh Wala akong kinalaman kung Bakit ka pinapunta rito. Kung may ipapa ayos sayo sa farm eh Di go ayusin mo " sabi ko

OO fan nga ako ni John eh alangang magtatalon ako sa tawa diba eh Di nagalit na naman siya? Kaya kalmado Lang ako kahit nauutot na ako sa kilig. Sinong hindi kikiligin? Ang gwapo niya Kayan nakasuot siya ng plain black shirt. Khaki shorts. Running shoes kahit na hindi ako alam kung saan siya tatakbo dito. At dark shades. Ito ang kanyang natural look Walang halong make up. Oo naka makeup din kaya yang mga performers! O kung Ano Ano pang ornaments sa damit.

Sumimangot siya at naghalikipkip. Tumayo na ako Pero biglang tumingin Si mayodroma kay John " at ikaw naman po señiorito pinapasabi po ng mama niyo na hindi ka raw pwedeng umalis hanggang hindi nabubuntis Si Señiorita este ang mga baboy po ni señiorita "

Napanganga ako. Alam kong tama ang pagkakarinig ko sa una niyang sinabi eh !
Kumunot ang noo Si John " Pero ang sabi sakin ayusin daw ang landscape ng farm na ito "

" kung Ano sayo wag mo ng problemahin ang landscape ng farm na to. Kung gusto ko makaalis sa lugar na to problemahin na Lang natin ang mga baboy ko " sabi ko
" architecture ang course ko at hindi veterinary medicine " iritadong sabi niya
Huh? Architect?

Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon