Chapter 8

505 13 6
                                    


~Yrah's POV

"Move now, Ace. We need to be inside their ship," Nicolas uttered, looking at the Alta Mercy's men from the containers.

Nasa isang private port kami ngayon at mission naming pakawalan ang mga benibenta nilang mga babae sa mga client nila.

"I need back up, Nic. May nakabantay sa pinto. I need to take them down but the sniper might see me."

"Sure. Leave that fucking sniper to me. Basta, 'pag nasa loob ka na, hintayin mo muna ang signal ko bago ka kumilos. Mahirap na."

Tumango ako at agad na tumalikod. Salamat sa dilim ng gabi at hindi ako nakita ng mga nagbabantay na mga Mafia ng Alta Mercy.

Hanggang sa paakyat na ako ng barko, at dahil naka-hoodie akong itim walang nakapansin sa'kin. Saka pareho kaming nakaitim ng gwardiya kaya hindi niya ako nakilala.

"You." The guard pointed me. "Boss Restante said he needs someone to come with him in the meeting. You come with him," utos nito.

Lumakas bigla ang hataw ng dibdib ko nang lumapit sa'kin ang isa pa nilang kasama. Wait! I thought they're just two! Why now, tatlo na sila?

"You come with us, we need another man there," anito at hinila na lang ako basta-basta.

Hinanda ko na ang sarili sakaling mapansin nilang hindi nila ako kasamahan. Buti at hanggang mga mata ang hoodie ko kaya hindi nila ako agad na mabibisto.

I felt the watch Nicolas gave me vibrated. It's a modern and high-tech watch we use. He's calling me but I can't answer him.

Wala sa plano namin na mapasama ako sa meeting ni Restante Alta Mercy pero wala akong magagawa.

This is also another opportunity to come face to face with the Mafia boss' son. And also, to know more about their organization and what's inside their circle.

Maraming hallways bago kami nakarating at madilim din dahil kunti lang ang ilaw. Pumasok kami sa isang kwarto at agad na bumungad ang tatlong kalalakihan na nakaupo sa harap ng mahabang lamesa.

Restante is sitting at the center, across me.

May mga tauhan ang bawat lalaking nakaupo sa harap ng mahabang lamesa at agad silang napatingin sa'min pagpasok namin.

I immediately looked down, covering my nose and lips. My hair's tied so they couldn't see it.

Sumunod ako sa lalaking nagdala sa mga kasama at pumwesto sa likuran ni Restante. Ang kasama ko naman sa isang gilid at may isa pang kanina pa nandito na nasa kabila ring gilid.

Nakaramdam ako ng kaba dahil sakaling mabisto ako ay talagang yari ako. Malayo pa naman ako sa pinto. I just realized how dangerous my situation is. Paano pala kung patibomg pala 'to? Edi huling-huli ako.

"Let's continue our deal, Restante. Where are we again?" Saad ng gwapong lalaki na siguro nasa mga late twenties na ang edad.

May binigay na attaché case sa kanya ang tauhan niya.

"We're on the intense part now, Freñier," said Restante.

"Oh, about the high-end guns. Where did it come from again?"

"From Russia. We have connections with the rebels there. Also with the syndicate, they provide us what we need including guns. We trade."

"How much does it cost then? Looks like you're friend to the Russians," anang lalaking kausap ni Restante at nahigit ko ang hininga nang mapatingin ito sa'kin.

Kasabay no'n ang pag-vibrate ulit ng relo ko. Naulit pa 'yon ng dalawang beses. I immediately looked down and readied myself if ever I'll be caught. My chest throbbing furiously fast. Damn it.

Bachelor Series #1: Black Regoir (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon