~Yrah's POV"I congratulate you three for accomplishing this mission. You saved the lives of those women kept by the Alta Mercy. Because of that, you also has rendered their operations," masayang saad ni Tito na siyang mismong nagbibigay sa'min ng mission.
He's a five star General and Hera's father. My mother's elder brother. May katandaan na pero malakas pa naman at nasa serbisyo pa.
"Pero 'yon pa lang 'yon, General. I'm sure the Alta Mercys would double their security from now on," singit ni Nicolas na siyang nakaharap sa 72 inches na flat screen TV kung saan ang mukha ng General.
"You're right, Cipher. Kaya mag-double ingat din kayo dahil hinahanap nila kayo ngayon. The Mafia will surely have you three assassinated."
"We're always prepared, Dad."
"Good...how about you, Yrah? Kamusta ka riyan?" Biglang sipat sa'kin ni General Garlet.
Napakurap-kurap ako, tahimik lang akong nakaupo sa sofa nang bigla niya akong kausapin.
"How's the old city, hija? I remembered you before, playing and wandering around your old house. Nabisita mo ba 'yon?"
I swallowed and nodded slowly.
"It was good to be back. Our house is...well, sira na ang ibang parte pero may maayos pa naman."
"So, ipapa-renovate mo ba 'yon? If yes, just tell me so I can help you find a great engineer."
"Sa ngayon wala pa akong naiisip na ganiyan."
Naisip ko kasing umalis na lang ulit at bumalik sa US after ng mission. Iyon lang din ang dahilan bakit ako nandito. At wala rin akong pamilya rito.
"Bakit? Ayaw mo bang manirahan dito, Yrah? I mean, nandito ang dating bahay niyo at kalahati ng buhay mo rito nabuo," singit ni Hera. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
Why does she sounds like she wants to stay longer? Most probably because of Black Regoir!
That damn playboy!
"I haven't fixed my mind yet," tanging sagot ko lang.
They seem buying it kaya nanahimik na lang ako.
After breakfast, I decided to visit my parents grave, sa memorial park. Matagal na akong hindi nakakabisita kaya muntik pa akong maligaw.
May dala akong isang basket ng dalia na paboritong bulaklak ni Mommy. Inilagay ko sa ibabaw ng libingan nila ni papa, napatigil ako nang makitang may mga lantang bulaklak din ng dalia sa paligid.
Maybe their friends visited them, huh?
Napatingin din ako sa paligid ng libingan. Walang kabasu-basura. Walang kalat. Tila ba inaalagaan talaga.
Hmm, I wonder then whose cleaning their graves. Is it one of their friends or faraway relatives?
"Hi mom, dad. I'm back," mababa ang boses na wika ko at sinubukang lumuhod sa puntod nilang dalawa.
Muli na namang bumalik sa isip ko ang lahat. The memories that I longed until now. And it pained me so much to be here. Coz it only reminds me of my tragic past.
Napapikit ako at napayuko habang nagpipigil na umiyak. I'm big enough to cry. But I swear in my parents' grave, I will have the justice that they deserved. Dad was a diligent policeman, mom was a good mother. But that person took their lives. Na parang laruan lang 'yon.
Lahat ng sakit at hirap na 'to, ibabalik ko sa mga taong totoong nararapat mamatay. I won't stop until I'm contented and served by the real justice. Halos kalahating oras din akong tulala sa dalawang puntod sa harapan ko habang nakaluhod sa damuhan.
BINABASA MO ANG
Bachelor Series #1: Black Regoir (COMPLETED)
RomanceA story of Black Regoir, a notorious playboy who was left by the girl he loved since childhood.