Chapter 1

1.4K 38 22
                                    

~Black's pov

Malakas akong napabuntong-hininga at minasahe ang sentido ko. Being a boss was never easy. Sa dami ng reports na binabasa ko pakiramdam ko nangangawit ang buo kong katawan.

Idagdag pa ang kaliwa't-kanang conference meetings and calls. I feel like, slowly, I regret being an Entrepreneur.

But of course there's no way I'll give up. I built my company with all of my hardship, sweats and blood. Baka ngayong successful na ako ro'n pa ako malugi dahil sa pagiging pabaya.

"Boss, lunch niyo po?"

A soft knock made my head turn, then my secretary's head peeked through the small gap of the door and doorway. There, was Terrence.


"H'wag mo na akong bilhan ng lunch. Maggo-grocery ako mamayang hapon kaya magha-half day lang ako. Hindi rin ako gutom."

Agad siyang tumango at ngumiti.

"As you wish, boss."

Tumayo ako at lumapit sa maliit kong living room. Umupo ako sa mahabang sofa at sandaling nagpahinga. Pinikit ko ang mata at niluwagan ang suot na necktie.

Eight years, and yet I'm still alone. Ang hirap niya namang hanapin. Ang galing niya masyadong magtago. Hindi ko pa rin siya nahahanap. Hanggang kailan niya kaya ako pahihirapan ng ganito?

Sa tuwing napapagod na ako at pakiramdam ko gusto ko ng sumuko, siya agad ang pumapasok sa isipan ko. Pinaaalala sa'kin kung bakit ko 'to ginagawa at kinakaya. Para sakaling magkita ulit kami, may maipagmalaki na ako sa kanya.

I smiled bitterly, is that so? So when will she show up again, huh? Or where should I search her? I've been into places to places, country to country, continent to continent and yet I didn't see her. Only vague traces but I still hoped that will lead me to her. However, she's just so hard to find. She's like a protected IP address, untraceable.

I'm at the berg of sleeping when my phone rang. I regret setting it on volume. It literally woke me up. Tapos kakapikit ko lang talaga.

Padabog ko 'yong sinagot kahit na inaantok pa ako. Ni-hindi ko tinignan kung sino ang tumatawag.

"Black Regoir speaking. Who's this?" I asked lazily.

"Bud, this is Summit." A familiar voice echoed. "Manlilibre raw ng merienda si Triego, nandito kami sa tapat ng  ihawan ni De Luca."

Napakunot-nuo ako. Triego? That asshole halfbreed Bernasconi? At kailan pa 'yon nakabalik ng Pinas?

"Triego has arrived? Just when? At manlilibre? That's new, buraot din 'yon, e."

"Kaya nga pumunta ka at ng maambunan ka ng yaman niya. Kahapon siya dumating dahil patapos na ang mansion niyang pinapagawa."

"Good to hear that then, at ng hindi na siya magkampo sa Tavern ni Casmir. "

"Yeah. So, you coming?"

"Sure. I'll be there in an hour—"

"What in an hour?" Reklamo niya. "Are you serious? Paalis na kami niyan, Black. Busy ka ba?"

"Biro lang. Nandiyan na,"

Bachelor Series #1: Black Regoir (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon