MALAKAS pa rin ang buhos ng ulan sa labas. Nilalamig naman siya kahit nasa loob. Even though the windows and door are covered ay tumatagos pa rin ang malamig na hangin sa loob ng jeep. Kung titignan mula sa transparent covers ng bintana mukhang hindi pa titila ang ulan.
"Meron yatang naiwan si Ate Lita na malong rito." Dumukwang ito mula sa bukas na pagitan ng passenger seat at driver's seat. "Nakita ko na." Padukong lumapit ito sa kanya at ibinalabal 'yon sa katawan niya. "Bakit mo pa kasi ako sinundan?" He gently dabs the end of the cloth on her forehead and face.
"Na curious lang naman ako kung saan ka pupunta. Saka baka may kikitain kang ibang babae sa dis oras ng gabi."
Natawa ito. "Sino namang katatagpuin ko? Mga white lady?"
Napasimangot siya. "E ano ba kasing ipinunta mo rito?"
"May kinuha lang ako."
"Ano?"
"'Yong binili kong sandals para sa'yo." Napatitig siya sa mukha ni Pierce. He seem shy mentioning it. His mouth pursed and his forehead slightly knotted. Napakamot ito sa noo. "Napansin ko kasing sira na 'yong sandal mong suot-suot lagi. Hindi nga lang 'to branded pero nagandahan ako sa design."
Ngayon niya napansin ang box ng sapatos sa katapat na upuan – nasa likod nito 'yon.
"'Yon ba?" turo niya sa box. Kinuha nito 'yon at mahigpit na hinawakan sa harap niya. "O bakit parang sinakluban 'yang mukha mo? Magbibigay ka na nga lang sa'kin labas naman sa ilong."
"Hindi 'to labas sa ilong. Nahihiya lang ako kasi mumurahin lang naman 'to –"
"Ngayon ka pa nahiya, e, puro naman mumurahin binibili mo sa'kin." Kinuha niya mula rito ang box. "Patingin nga." She opened the box. Napangiti siya. "O, maganda naman ah." Suddenly his face lit up.
"Talaga?"
It was a plain brown flat strapped sandals. True, wala nga 'yong brand pero mukhang comfortable naman 'yon sa paa and she really appreciate that effort. Napansin pala nito na nasira na 'yong sandals niya.
Inilabas niya ang pares ng sandals at sinukat 'yon. "Sukat na sukat pa."
Ngumiti na ito. "Akala ko 'di mo magugustuhan. Kumpara sa mga gamit mo, ang simple lang niyan. Kapag nakaluwag-luwag ako, 'yong mas maganda at mas mahal ang bibilhin ko para sa'yo."
"Mahal man o hindi, kung bigay mo, okay lang." Tinapik niya ang pisngi nito. "Saka huwag kang mag-aksaya masyado ng pera sa'kin kung 'di ko naman kailangan. Save it for other important things."
"Nang makita ko 'yan kanina, ikaw agad ang naalala ko. Napansin ko kasing ginagamit mo pa rin 'yong sirang sandals mo at hindi ka naman nagrireklamo."
"Nagagamit pa naman kasi saka nandiyan pa naman 'yong bigay mo na sapatos."
Totoo, hindi na talaga siya nagrireklamo.
Nagtama ang mga mata nila. "Pero gusto pa rin kitang bilhan ng mga bagay na alam kong magpapasaya sa'yo. Kahit mahal, pag-iiponan ko para sa'yo. Hindi man madalas pero sana hayaan mo lang akong i-spoil ka sa paraan na kaya ko at kung kailan kaya ng budget ko." Natawa ito sa huling sinabi.
She cupped his face and smiled. "You're more than enough for me, Pier. Pero sige, kung 'yan ang gusto mo. I-spoil mo ako kung kailan mo gusto."
"Glad you like my simple gift."
"Not just like, I love it." Ginawaran niya ito ng mabilis na halik sa mga labi. "Thank you."
"You're always welcome, queen."
BINABASA MO ANG
THE HEIRESS POOR CHARMING - COMPLETE
RomanceSushi "Sushmita Costales" is a smart, spoiled, and heartless heir of Costales conglomerate. Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people. She doesn't believe in love and is willing to marry anyone who can be a great as...