Kabanata 6

5.2K 239 44
                                    

TITIG na titig si Sushi sa batang babae na nakaupo sa sofa sa sala. Katabi nito ang malaking bag nito at isang lumang bag pang-eskwela. Nasa labas si Pier kasama ang ina ng bata. Kailangan daw nito na mapag-iiwanan ng bata dahil isinugod sa ospital ang asawa nito. Hindi raw pwedeng lumiban sa klase ang bata dahil exam week nito ngayon at may event sa school.

"Ang itim naman ng batang 'to – aw!" Napahawak siya sa ulo niya nang maramdaman niya ang pagbatok ng kung sino mula sa likod. Marahas na ibinaling niya ang tingin kay Pierce. She glared at him.

"Hindi sa lahat ng panahon na dapat mong isatinig ang mga opinion na nasa isip mo."

"Hindi ko naman nilakasan, duh? Ito naman masyadong sensitive."

"Kahit na, paano kung marinig ka ng bata? 'Di masasaktan mo siya?" Nakatingin sa kanila ang bata. Mabuti na lamang at sa may entrada sila ng kusina nag-uusap. "Hindi mo alam kung gaano kalakas ang mga salita, Sushi. Be cautious with whatever that comes out from your mouth, dahil madalas, kahit na bawiin natin 'yon, malaki na pala ang naging epekto nu'n sa buhay nila."

Napatitig siya sa mukha ni Pierce. Ito ang unang beses na naging sobrang seryoso nito. Madalas siyang pagalitan nito pero hindi naman ganoon siya naapektuhan. Pero kasi nitong mga nakaraang araw ang high blood nito saka laging pikon. And when he realized na nagagalit ito kahit sa simpleng bagay bumabalik ang dating kalmadong emosyon nito sa mukha.

Bumuntonghininga ito.

Tulad ngayon. Okay na naman ito. Mamaya niyan, kapag may nasabi na naman siyang masama, magagalit na naman 'yan.

"Well sorry," sabi na lang niya. She doesn't want to quarrel with him today. "So hanggang kailan dito ang batang 'yan?"

"Isang linggo lang naman. Wala kasing magbabantay kay Amaya. Pareho kasing dayo lang dito ang mga magulang niya. Cliché love story, nagtanan kasi parehong tinutulan ng mga magulang nila ang relasyon nila."

Sa pagkakaalam niya ay isinugod na raw sa ospital sa Iloilo ang ama ni Amaya dahil sa paglala ng ubo nito na sinabayan na nang lagnat. Kapwa katulong rin ni Pierce ang mag-asawa sa mango farm nito.

"Without thinking about their future? Masyado silang naging marupok sa sariling emosyon. Para namang mapapakain ka ng pagmamahal na 'yan."

"Sinasabi mo lang 'yan dahil hindi ka pa nagmamahal."

"Hindi ba pwedeng magmahal gamit ang puso? Hindi naman pwedeng puso lang lagi. Love when both of you are ready. Love when both of you are financially stable."

"Alam mo, 'di ko rin alam kung bakit nagiging marupok ang tao sa pagmamahal. Pero alam kong may point ka, pero masyado ka pa ring cynical pagdating sa pag-ibig. Let me tell you this, my queen. We all have our own definitions of happiness. If yours sounds practical, others may lessen to simplicity; their happiness is simply by being together with the one they love, including uncertainties in life. Pwede 'yong mali, puwede 'yong tama, pero we couldn't judge people by choosing the kind of happiness they want in life. Instead of pointing out their mistakes, help them to choose wiser decisions this time."

Ibinaling nito ang tingin sa bata.

"You don't need to worry. Ako ang mag-aalaga sa bata. Maglinis ka na lang ng bahay. Magwalis sa labas. Maglaba at magluto."

"I'm cool with that."

Nakatawang ibinalik nito ang tingin sa kanya. "You seemed like you're not fond of kids."

"You got that part correct."

Tinalikuran na niya ito at umakyat sa taas. Wala siyang panahon para maging yaya ng kung sinong bata. Wala nga siyang panahon kilalanin ang mga empleyado niya, ang batang 'yon pa kaya.

THE HEIRESS POOR CHARMING - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon