Chapter 4

58 6 0
                                    

I WOKE UP in a hospital. Then I heard someone calling out my name and hold my hand. Everything is still blurry pero unti unti rin agad na umayos ang paningin ko at tuluyang nakita ang nag aalalang si Hope. Kasabay ng mabilis na pagbalik ng memorya ko sa nangyari kanina. I past out, God! I tried to get up pero pinigilan ako ng pinsan ko.

"Don't get up, please! Mag pahinga ka muna!" nag-aalalang sabi nito.

Nangungusap ang matang napa tingin ako sa kaniya. "Si Justice, a-alam ba niya? What time is it? I can't stay here, my husband needs me. Please, Hope!" nag-mamakaawang sabi ko, pilit pinaiintindi sa pinsan ang sitwasyon ko.

"Don't worry Couz. Hindi alam ni Justice na nandito ka. It's 3 pm, why?" Sagot ni Hope sa tanong ko.

"Help me! I have to get home. Hope..."

"What?! No! Stay here, Smile. Hindi pa maganda ang pakiramdam mo! Please Smile, stay here for a bit." nagmamakaawang pakiusap ni Hope.

I smiled at her. "I have to go home. My husband needs me. Don't worry, I'm okay!" naka ngiting sabi ko. Itinaas ko ang isang kamay na hindi hawak ni Hope at bahagyang hinaplos ang mukha nito. "Please, Hope. I have to get home to my husband." pakiusap ko pa.

Nagdadalawang isip na tumingin sa mga mata ko si Hope. "Don't do this Couz. You need to rest! Please, makinig ka naman. Sabi ng doktor mo kumakalat na raw ang cancer mo! Please Couz, stay!" sabi nito. Naiiyak na.

"Ano kaba! May apat na buwan pa ako para mabuhay. 'Wag mo muna akong iyakan, sa burol ko na." I tried to joke pero mas lalong sumama lang ang mukha ni Hope.

Mahina nya akong tinappal. "Bwisit ka Smile! Nakukuha mo pa talagang magpatawa sa lagay mong 'yan? Nakaka-inis ka alam mo?!" umiiyak nang sabi nito sabay yakap sa akin. Hindi ko maiwasang mapa-iyak din. Paano na ang asawa ko kapag namatay ako? Paano na itong pinsan ko?

"Basta si Justice ha, 'wag mong pababayaan ang asawa ko." naka ngiting sabi ko bagaman tuloy sa pagtulo ang mga luha ko.

"Ano ba? Tigilan mo nga 'yan Smile! Gagaling ka pa! 'Wag kang magsalita ng ganyan!" umiiyak na sabi nito nananatiling naka yakap sa akin.

"Please Hope! Kailangan ko nang umuwi. Sige na naman oh!" sabi ko.

"Bwisit ka talaga! Sigurado ka bang kaya mo nang umuwi? Hindi kaya himatayin ka nanaman ulit?" nag-aalalang sabi nito.

Naka ngiti akong umiling at pinahid ang mga nalaglag na luha sa pisngi niya. "I'm fine Hope, don't worry." sabi ko sa kaniya.

"Okay..." sagot nito at lumabas na ng silid.

"I'M SORRY Justice but I have to fire you." sabi ng manager ko. Pagkapasok ko sa building kanina ay pinatawag ako sa office ng manager naming si sir Ralph. Alam kong dahil sa Mommy ko ito.

"I understand sir." sabi ko nalang saka lumabas ng office niya. Nanghihina akong nagtungo sa office namin at nagsimula nang magligpit.

"What happened? Bro, are you leaving?" kunot nuong tanong ni Joseph katrabaho ko at kaibigan na rin.

"Haluh bakit? Anong meron? Bakla ka, ba't ka aalis diba magkaka jonakis ka na?" Michael or should I call her Michaela. Isa sa mga naging ka-close ko dito sa trabaho.

"I have to. Hindi talaga ako titigilan ni Mommy hanggat hindi ako maghirap ng husto." sabi ko na napapabuntong hininga nalang.

"Ayy nako, napaka nega naman niyang modrakels mo, beh!" si Michaela.

"So, anong balak mo, Bro?" si Joseph.

"For now I have to find a new job, ASAP." sagot ko.

"Kaloka! Saan ka naman maghahanap ng trabaho? Eh, lahat yata ng kumpanyang paga-applayan mo nasabihan na ng modrakels mong 'wag kang tanggapin." sabi ni Michaela na napabuntong hininga pa.

"Bro, may alam akong pwede mong pagtrabahuan. Maliit nga lang ang sweldo at medyo hindi bagay sayo." si Joseph naman.

"Okay lang 'yon Bro, ang mahalaga ngayon ay makahanap ako ng trabaho para sa mag-ina ko." sabi ko.

"Talaga? Okay lang ba sayong maging waiter? Doon kasi sa restaurant ng tita ko naghahanap sila ng waiter. Okay lang ba iyon sayo?" sabi ni Joseph.

"Oo naman! Kahit ano ngayon papatusin ko na sayang din ang kita." sabi ko

"Sige sasabihan ko agad si tita iti-text ko nalang sayo ang address." sabi nito

"Maraming salamat, Bro." saad ko.

"Nako, maka alis na nga. Ikaw na papa Josh!!" sabi ng bakla at bahagya pang kinurot ang tagiliran ni Joseph.

"Sige Bro, balik na rin ako sa trabaho ko. Text ko nalang sayo mamaya." sabi ni Joseph at naglakad na paalis.

Ako naman ay pinagpatuloy ang paglagay ng mga gamit sa karton. Hindi ko naman maiwasang hindi balikan ang iksena nong dalhin ko si Smile sa bahay para sana hingin ang basbas ni Mommy.

"No! Justice you have to choose! Ako at ang mana mo o siya na dihamak na hampaslupa lang---"

"Mom, ano bayang sinasabi mo?"

"Kailangan mong pumili Justice! Ako o ang babaeng 'yan?"

"Mom, you know my answer. Smile and I are getting married. Mom, please understand!"

"Hindi ako makakapayag! Kapag pinakasalan mo ang babaeng 'yan hindi mo na makukuha ang mana mo o kahit isang kusing galing sa akin. Maghihirap ka at babalik din sa akin!" sigaw ni Mommy.

Ito siguro ang sinasabi ni Mommy na maghihirap kami.

Tinapos ko na ang pagliligpit ng mga gamit ko at umalis na.

Mabilis akong naka-uwi at masarap na amoy ng adobo ang agad na nalanghap ko. Malaki ang ngiting nagtungo ako sa kusina at naabutang nagluluto ang asawa ko.

Naglakad ako palapit sa kaniya at marahan ko siyang niyakap mula sa likodan. "Hi Love, I'm home. Ang bango naman!"

"Nang niluluto ko?"

"Ikaw, ang bango mo."

"Sus, binola pa ako! Tigilan mo ako Justice ha!" naka ngising sabi nito at kumalas sa pagkaka-yakap ko.

"Aray!" daing niya ng mabilis kong hawakan ang kamang kamay niya. Akad na nangunot ang noo ko at tinago niya naman sa likod ang kamay niya.

"Anong nangyari diyan?" kunot nuong tanong ko.

"N-Nothing natalsikan lang ng mantika ang kamay ko kanina ng mag-gisa ako. Luto na ang ulam maghahain na ba ako?" tanong nito, iniiba ang usapan.

Sandaling nangunot pa ang noo ko saka tumango. "Sige Love, kain na tayo." sagot ko nalang.

Anong meron? Tanong ko sa sarili.

A/N: Sorry for the short update.
Vote & Comment. Your ever bitter author...

🍀Smile~

Her Smiles (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon