Chapter 9

40 5 0
                                    

DUMAAN ang dalawang linggo hindi na pinayagang  lumabas pa ng hospital si Smile. Kailangan nilang parating ma-check ang lagay ni Smile kasi mas lumala pa siya. Grabe ang ibinawas ng timbang niya na halos buto't balat na lang ang asawa ko.

Malimitan siyang sinusumpong ng sakit niya at wala akong magawa kundi ang umiyak sa likod ng nakasaran pinto. Naririnig ko ang mga sigaw at paghihirap niya.

Nakangiti niya akong palalabasin ng kwarto niya tapos ay sisigaw siya sa sakit na nadarama. Si Hope ang palaging kasama niya... at wala akong magawa.

Tahimik akong nananalangin sa Diyos na sana... sana ako nalang yung nasa kalagayan niya. Na sana kahit kalahati nalang nong sakit na nararamdaman niya ay mapa saakin na. Kasi mas kaya kong ako ang mahirapan kisa siya. Mas okay na ako yung masaktan kisa makita ang pinakamamahal kong nahihirapan na.

Trabaho ang inaatupag ko... kailangan kong makaipon ng pera para sa pagpapagamot niya.

Lalaban siya... lalabanan niya ang sakit niya kasi nangako siya. Yung pangakong yon ang inaasahan ko ngayon.

Nasa hallway na ako malapit sa kwarto ni Smile ng makita ko ang mga doktor at nars na mabilis na tumatakbo papunta sa kwarto niya. Agad akong sinigid ng kaba at mabilis na sumunod sa kanila.

Nasa may pinto na ako takot pumasok. Natatakot akong makita ang kalagayan ng asawa ko. Sinusumpong nanaman siya ng sakit niya. Nakita ko lang ang nangyayari sa loob ng lumabas ang isang nars at iniwang bukas ang pinto.

Kitang-kita ko kung paano niya hinugot ang dextrose sa kamay niya. Tagaktak ang dugong tumutulo galing sa kamay niya.

Panay ang sigaw ni Smile at pinipigilan siya ni Hope at ibang nars kasi pilit niyang inuumpog ang ulo sa pader. Tapos ay babalik sa kama niya para lumumpasay nanaman. "Ahhhhh!!! Ahhhhh!!!" hindi ko kaya....

Napahawak ako sa pinto at nasabunutan ang buhok ko. Ayan nanaman... nasasaktan nanaman siya.

"Smile! Please tama na!! Shhh tama na!!" pakiusap ni Hope sa pinsan kasi bumalik nanaman si Smile sa paghampas ng ulo niya sa pader. Gusto kong lumapit... gustong-gusto ko pero nanlalambot ang mga tuhod ko. Hindi ko kaya!

Napaka hina ko!! Inutil!!

Hindi kona kaya kaya umalis ako sa harap ng pinto. Umupo ako sa upuan malapit sa kwarto niya.

Maya maya lang din ay tumigil na ang mga sigaw niya. Tumahimik ang kwarto at alam kong tinurukan siya ng pampakalma at gamot.

Ilang sandali pa ay lumabas ang doktor niya. Lumapit ito sa akin at naupo din sa katani kong silya.

"I'm sorry to tell you this, but the medication that we're giving her is not working. Hindi tinatanggap ng katawan niya ang gamot at natatakot kaming baka mas kumalat pa ang cancer at tuluyan nang bumigay ang katawan niya. Kulang ang pasilidad namin dito para mas mapatagal ang buhay niya. I suggest dalhin mo siya sa States doon baka may chance pang mag survive siya. We can no longer help your wife..." hindi niya natapos ang sasabihin dahil agad ko siyang kinwelyuhan.

"Anong you can no longer help my wife!? Doktor ka diba!? Trabaho mong magsalba ng buhay, diba!? Tapos sasabihin mong hindi muna matutulungan ang asawa ko!!? Ano pa't naging doktor ka!!?..."

"Justice!! Tama na!!" sigaw ni Hope at mabilis na lumakad palapit sa amin at pilit na tinanggal ang pagkaka hawak ko sa kwelyo ng doktor. "Justice please!!"

"I'm sorry Mr. Lopez. We did our best that we could but it wasn't enough." mahinahong sabi ng doktor.

"Just leave... please!" sabi ko sa tonong nagmamakaawa sa doktor. Naintindihan naman siguro ako ng doktor dahil mabilis na siyang umalis. Naupo ako ulit sa upuan at napayuko dahil sa pag-iyak. Na gulo ko din ang buhok ko sa sobrang inis.

Naupo si Hope sa tabi ko at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. "Justice you have to be strong. Smile can make it. She can win her war. Magiging okay din ang lahat." sabi niya na halatang umiiyak.

"Sana nga ganon nalang yon. Sana maging okay talaga pero hindi eh. Hindi daw tinatanggap ng katawan ni Smile yung gamot. I don't know what to do... Kailangang madala si Smile sa States..." tuluyan na akong napaiyak. Mas napahagulgul din si Hope.

"I'm scared... baka pati si Smile iwan na din ako..."

"No! Hindi gagawin ni Smile yon nangako siya sa akin, sa atin, diba? Lalaban yang pinsan mo malakas yan eh." mas dumarami yung luhang tumutulo sa mga mata ko. Si Hope ba talaga yung sinasabihan ko non o yung sarili ko. "Fuck! She'll make it.. She promised me!!"

Kahit umiiyak ay tumango si Hope. "Your right she'll make it. Si Smile kaya yon..." sabi nito tapos ay pinunasan ang mukha at tumayo na. "Lumalaban si Smile kaya dapat hindi tayo sumuko sa kaniya.... Hinahanap ka pala niya kapag okay kana pumasok ka sa loob ah. Hinihintay ka nong asawa mo." sabi niya at lumakad na papasok ng kwarto ni Smile.

Ayaw ko sana gawin to pero kung ito yung makabubuti. Kung ito yung makadurogtong sa buhay niya... gagawin kona.

Naglakad ako palabas ng hospital at nagtawag ng taxi at nagpahatid sa bahay... bahay ni Mommy.

Nang makarating ay agad akong nagbayad at mabilis na pumasok sa loob ng mansyon. Dumiritsyo ako sa office ni mommy dito sa bahay.

Nang nasa may pinto na ako bubuksan kona sana ng bigla itong bumukas at lumabas si mommy. Nagulat pa siya sa presensya ko. "Justice? What are you doing here?" wala na akong sinayang na oras at agad na lumuhod sa harap niya. Malakas na napasinghap si mommy sa ginawa ko. "What are you..." I cut her off.

"I'm begging you please help my wife! Please! I'll do everything... anything just please help her!" mabilis na namalisbis ang mga luha sa aking mga mata. "Please don't let her die... hindi ko kakayanin! Please!" napahagulgul na ako at naitukod ang dalawang kamay ko pakiramdam ko kasi nanlalambot na ang tuhod ko.

Naramdaman ko ang marahang paghawak ni mommy sa balikat ko at niyakap niya ako. Hindi kona napigilan ang sariling mapayakap na rin sa kaniya. Kailangang-kailangan ko ngayon ng isang ina. "Please don't let her die... I'm begging you!!" pagmamakaawa ko pa.

"Tutulungan kita sa abot ng aking makakaya pero kailangan mong layuan siya. Ipapadala ko siya sa ibang bansa kung kinakailangan. Pero Justice makikipag divorce kana sa kaniya at hinding-hindi muna siya lalapitan pang muli. Ngayon kung magagawa mo yon ay tutulungan ko ang babaeng yon."

Pikit-mata akong tumango sa kaniya. "Kung yan ang kailangan para maligtas ang buhay niya gagawin ko. Kahit parang pinatay narin ako gagawin ko. Basta mabuhay lang siya. Okay na ako doon... buhayin mo lang siya... makita ko lang buhay ang asawa ko that's more than enough for me!" patuloy sa pagluhang sabi ko.

"Okay bukas na bukas din ay ipadadala siya sa States para ipagamot." sabi nito at lumakad na ulit papasok sa opisina niya.

Ako naman...ito pilit nagpapakatatag para sa asawa ko. Hindi kona napigilang humagulgul sa iyak. Sobrang sakit lang kasi. Kung ito lang talaga ang natitirang paraan... gagawin ko.

I'm sorry Love, but I have to do this. Mas okay na makita kitang buhay sa malayo kisa malapit ka nga pero malamig na bangkay naman.

A/N: Hope you like this chapter... Vote and please comment what you feel and if something is wrong with my work so I can correct it hehehe...

Last two chapters na pala...

🍀Smile~

Her Smiles (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon