Chapter 5

56 4 2
                                    

NASA harap ako ng restaurant na pagtatrabahuan ko. Ito yung tinext ni Joseph sa akin. Huminga muna ako ng malalim saka tinulak babukas ng pinto.

"Justice Bro, here!" narinig kong tawag ni Joseph sa akin. Kaya agad akong humarap sa may counter at nakita kong kumakaway si Joseph. Salamat talaga at sinamahan niya ako ngayon.

"Bro." tawag ko sa kaniya at naglakad na palapit sa counter kung saan siya nakatayo.

"Tita si Justice nga po pala 'yung sinabi ko sa inyong pwedeng waiter natin dito. Justice si tita pala siya yung magiging boss mo dito." sabi ni Joseph. Agad naman akong nakipagkamay sa tita niya at nagpakilala.

"Nice to meet you ma'am,  I'm Justice." pakilala ko.

"Call me ma'am Jully. Welcome, handa ka ba magtrabaho dito? Sanay ka ba sa trabahong pinasukan mo, hijo? Baka kunting galit ng mga costumers natin eh umalis ka." sabi nito na medyo nakataas ang kilay.

"Ma'am Jully, don't worry po I'll do my best to work here. Just give me a chance to prove myself po." sabi ko naman.

"Mainam, ngayon ka na magsimula't marami tayong costumers. Joseph ikaw na ang bahala sa kanya't may gagawin pa ako." sabi nito at pumasok na ulit sa kusina.

"Opo tita. Pasensya ka na kay tita mukha lang masungit 'yan pero mabait naman. Tara na para makapagpalit ka na." sabi nito at naglakad na sa isang kwarto. Sinundan ko siya sa isang locker room. "Justice ito ang magiging uniform mo. Paano alis na ako, may trabaho pa ako eh. Good luck, Bro." sabi nito saka umalis na. Ako naman ay agad na nagbihis at lumabas na.

Nagsimula ako sa pagpunas ng mga lamesa, pagdala ng mga plato at baso sa kitchen. Hanggang sa kumukuha ng mga meno at orders ng mga customers. Naging maayos naman ang first day ko sa restaurant.

Ngayon nga ay pauwi na ako at masaya dahil sa may trabaho na ako.

"Love, nandito na ako..." sigaw ko at agad namang lumabas sa kwarto ang asawa ko na may napaka tamis na ngiti sa mga labi.

"Kumusta ang firt day, Love? Anong nangyari? Okay ba? Ano, mag kwento ka." masiglang sabi nito. Agad ko naman siyang niyakap at hinalikan sa pisngi.

"Syempre it went well, ako pabba?" nakangising sabi ko.

"Sus..." sabi nito na bahagyang kinurot ang tagiliran ko.

"Anong ulam, Love? Nakakagutom eh kain na tayo." sabi ko pa na inaya na papuntang kusina ang asawa ko.

"Sinigang Love, tara na kain na tayo." naka ngiting sabi ng asawa ko at naglakad na nga kami sa kusina.

Kinabukasan maaga akong nagising dahil 6 am ang pasok ko sa restaurant.

Nang makarating ako doon ay marami na agad costumers na kumakain kaya naging sobrang busy ako.

Nang mag tanghalian na ay kumain lang ako saglit at nagsimula na ulit akong magtrabaho. Taga bigay ng meno at taga kuha ng orders. Ang saya lang kasi hindi kalakihan itong restaurant pero dinadayo talaga ng tao. Kung minsan pa'y may nagpipila na sa labas makakain lang. 'Yung iba naman mas minamabuting itake out nalang ang order nila.

Busy ako sa pagkuha ng mga orders ng may tumawag sa akin.

"Justice? Is that you?" rinig kong tawag sa akin kaya nilingon ko ito. "Ikaw nga. What are you doing here? Wait waiter ka rito? So, totoo pala yung bali-balita." si Amber pala. Partners ni Mommy ang mga magulang nila sa nigosyo. Siya dapat ang gustong ipakasalan sa akin ni Mommy.

"Yeah..." maikling sagot ko na napakamot sa batok. Hindi sa nahihiya ako kundi wala talaga akong oras para dito. Maraming costumers ang kailangan kong bigyan ng atensyon.

"I can't believe it. Ganito ba ang buhay na gusto mo? I mean look at you, your a mess. Pinili mo talagang maging mahirap, kisa makasal sa akin? I can't believe you." sabi nito na halatang dismayado.

"Oh my God, is that Justice? Iww waiter ka na?" si Samantha. Kaibigan ni Amber. "Mahirap ka na ba? You look like a garbage na eh. Ayy, oo nga pala, since you choose that ugly poor girl naging basura ka na rin pala!" sabi nito. Mahigpit ko namang naikuyum ang mga kamao ko, pinipigilang hindi masuntok ang babaeng ito.

"What did you say about my wife?" masama ang tingin na ibinaling ko sa kaniya. Nakita kong sinamaan siya ng tingin ni Amber pero inirapan lang siya ni Samantha. "Subukan mo ulit sabihan ng ganyan ang asawa ko, makikita mo ang hinahanap mo. At saka ano ba ang ginagawa ninyo dito? Nakakaisturbo kasi kayo sa marangal kong trabaho na minamaliit ninyo." walang ganang sabi ko pa.

"Well sorry if we offended you. Kakain sana kami." sabi ni Amber.

"Here's the meno. Call me kung nakapili na kayo ng kakainin. Ngayon kung wala na kayong sasabihin aalis na ako't marami pa akong costumers na kailangan bigyan ng pansin." wala pa ring ganang sabi ko saka umalis.

Wala silang karapatang maliitin ang trabaho ko dahil marangal ito at wala akong tinatapakang tao. Mas wala silang karapatang maliitin ang asawa ko dahil wala silang ideya kung bakit at ano ang nagustuhan ko sa kaniya. Hindi naman nila nararamdaman yung nararamdaman ko para sa asawa ko. At ano rin kung mahirap lang ang asawa ko? Mahal ko siya at tanggap ko kung ano man at lahat sa kaniya. Ano rin kung waiter na ako? At least pera ko ang ginagastos ko. Pinaghirapan ko at pinagpaguran ko. Eh sila? Pera pa rin ng mga magulang nila ang ginagasta nila.

Wala akong ganang kinuha at ibinigay ang orders nila. Nang matapos sa pagkain ang dalawa ay nilinis ko ang mesa nila. Nauna nang lumabas si Samantha at si Amber naman ay naiwan pa.

"Can we talk?" sabi nito.

"Talk about what? May gagawin pa ako at mamaya pang  7pm ang uwi ko. Wala akong time." sagot ko sa kaniya.

"Hihintayin kita." sagot nito tumango nalang din ako. Bahala siya kung hihintayin niya pa ako.

Tumingin ako sa orasan at 5pm na pala.

Kagaya nga ng sinabi ni Amber ay hinintay niya ako. Nandito kami ngayon sa isang mamahaling café. Ayaw ko pa sana pero mapilit siya kaya para walang gulo at para matapos na ito ay sumama na ako. Nang dumating na ang order namin ay saka lang siya nagsalita.

"Justice sigurado ka na ba talaga?" tanong niya.

Agad na nangunot ang noo ko sa tanong niya. "Sigurado saan?" kunot nuong tanong ko pabalik.

"This. Are you sure na this is the life that you wanted? Alam mo kasi, pwede pa namang magbago ang isip mo eh. Pwede mo pang hiwalayan ang asawa mo't sumama sa akin. Promise, magiging maayos ang buhay mo hindi gaya nang ganito. I know nahihirapan ka na. I'll do my best just to surpass your wife..." ano daw? Hihigitan niya ang asawa ko? Paano? Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil agad na akong tumayo.

"Ano ba yang pinag sasasabi mo, ha? Para malaman mo, walang sino man ang makahihigit sa asawa ko, naiintindihan mo? Kung tapos ka na maari na ba akong umuwi? Hinihintay ako ng mag-ina ko sa bahay. Excuse me." sabi ko pero ng hahakbang na sana ako paalis ay agad niyang hinawakan ang mga kamay ko na agad ko namang pinaksi.

"Nalilito ka lang! Please, give me a chance to prove myself to you, Justice! Please!" sabi nito nagmamakaawa. Marahas akong umiling-iling. Maraming naka agaw ng atesyon sa amin dahil sa ginawa ni Amber pero wala akong paki-alam.

"Tumigil ka na Amber, sayang lang ng oras mo. Hindi na magbabago ang isip ko. At hindi ako nalilito lang kasi mahal ko si Smile kaya ko siya pinakasalan, naiintindihan mo? Kaya tumigil ka na, nagmumukha kanang desperada sa itsura mo." sabi ko saka tuluyan siyang tinalikuran. Maka uwi na nga lang.

PIGIL ang pag-iyak na naglakad ako pauwi. Nakita at narinig ko kasi ang lahat at tama si Amber. Mas magiging maayos nga naman ang buhay ni Justice sa piling niya. Pero wag siyang mag-alala. Malapit na itong matapos. Kailangan ko lang ng kunti pang panahon... kunti pa't hindi na maghihirap pa ng ganito ang asawa ko. Sandali nalang....

🍀Smile~

Her Smiles (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon