Chapter 7

35 4 0
                                    

ONE month had past. I don't have much time left. I can feel my body getting weaker and weaker. Natatakot akong isang araw hindi nalang ako magising at iwanan na ng tuluyan ang asawa ko. Natatakot akong mawala na hindi sinasabi sa kanya ang totoo. Kailangan ng malaman ng asawa ko ang kalagayan ko.

Hapon na ngayon at kauuwi ko lang sa bahay. Palihim kasi akong sinasamahan ni Hope sa hospital para magpa-check up. Ayaw ko pa sanang magpa-check up kasi wala naman na akong pera pero mapilit si Hope at siya na daw ang bahala sa bayad.

Mayaman naman kasi si Hope. May naiwang pera ang mga magulang niya para sa kaniya. Samantalang ako ay naubos dahil sa pagpapalibing kay mama, kuya at papa. Bukod pa doon ang pinang tustus namin ng mauspital si kuya. Ginamit ko yung natitirang pera para sa pag-aaral ko.

Hapon na kaya nagmadali na akong para mag luto ng hapunan. Ng matapos ako, ang mga tuyong nilabahan ang inatupag ko. Plinansya ko ang mga pantrabahong damit ng asawa ko at maingat na tinupi. Ang mga pambahay naman ngayon ang inaatupag ko at isa-isa nading tinutupi.

Maya maya lang din ay narinig kong bumukas ang pinto. Alam kong ang asawa ko yon kaya mabilis akong tamayo at naglakad pabukas ng pinto pero biglang sumigid sa sakit ang puson ko. Mas malala at mas lumalala pa ang sakit. Natakpan ko nalang ang bibig ko dahil sa pagpipigil ng sigaw.

God help me!! Sobra na po ang sakit! Please po I need more time...

"Love andito na ako!!" narinig ko ang masiglang pagtawag ng asawa ko sa akin kasabay non ang mabibilis na hakbang palapit sa kwarto namin. "Love?" rinig ko pang tawag niya.

Pinilit kong gumapang palapit sa kama pero hindi kona talag kaya. Pinilit kong pakalmahin ang sarili. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto namin at ang nakangiting muka ng asawa ko ang bumungad sa akin. Diniinan ko ang puson ko at nagpilit ng ngiti. Sana hindi niya mahalata.

Malawak parin ang ngiti ng asawa ko ng pumasok siya at ipakita sa akin ang supot na dala niya. "Taran!! May dala akong mangga para sayo Love. Naalala ko kasi nong nakaraang linggo sabi mo gusto mong kumain ng mangga kaya binili ko...." nakangiti siyang lumakad palapit sa akin at hinalikan ako sa labi at ang tiyan ko. "Baby daddy's home! Did you miss me?" pagkatapos niyang kausapin ang tiyan ko ay umupo siya sa tabi ko. "Gusto mo bang balatan ko para sayo? Excited talaga kasi akong malaman ang itsura mo habang kinakain to." masiglang sabi niya kaya pilit akong tumango. Masaya siyang tumayo at halatang excited talaga. Buti nalng talaga at hindi niya nahalata ang sitwasyon ko.

Nang mawala siya sa paningin ko ay saka ako bumagsak sa sahig. Halos iuntog ko ang ulo dahil sa sobrang sakit.

Please I can't take it anymore!!

"Ahh!!!" mahinang sigaw ko takot marinig ng asawa ko.

"Love anong gusto mong sawsawan? Asin, toyo at asukal o alamang baguong?!" sigaw ng asawa ko na nasa kusina. Hindi ko magawang sumagot dahil sa takot na baka makasigaw ako sa sakit. "Love?!!" sigaw ulit ng asawa ko kaya kinalma ko ang sistema ko at pilit na sumagot ng mahinahon.

"K-Kahit a-ano nalang, L-Love!!" hirap na sagot ko.

"Okay sige lahat nalang para sure!!" sigaw niya pabalik.

"S-Sige!"

He can't see me this way!! You have to stand up Smile! Justice can't see you this way!!

Sabi ko sa sarili at pilit na tumayo. Kahit hirap ay pinilit ko parin. Mabilis kong kinuha ang mga gamot ko sa bag at sinubo ito. Nanginginig na kinuha ang tubig sa maliit na lamisang katabi ng kama namin at ininom.

Huminga ako ng malalim ng ilang beses. Napapansin ko din kasing mas matagal  ng umipekto ang gamot ko. Kung dati ay maghihintay lang ako ng mga ilangsigundo para umipekto ang gamot ngayon ay matagal na.

Inayos ko ang sarili kahit namimilipit parin ako sa sakit. Pumasok na kasi ng kwarto si Justice dala ang manggang binalatan niya. Andoon parin yung ngiti at excitement sa mukha niya.

Mabilis siyang naupo sa tabi ko at iniharap sa akin ang isang hiwa ng manggang hilaw. "Say ahhh love." masiglang sabi niya na sya namang ginawa ko. Isinubo niya yon sa akin at masayang hinintay ang sasabihin ko. "Kumusta? Masarap ba?" excited na tanong niya.

Marahan akong tumango at ngumiti sa kaniya. Masakit parin ang puson ko kaya napahiga na ako sa dibdib ng asawa ko.

"I-i love you. Always remember that." nanghihinang sabi ko.

"I love you too... I love you more than this whole planet. I love you times infinity and beyond, love always remember that also." sabi nito habang marahang hinahaplos ang buhok ko kasabay ng paghalik niya sa noo ko.

I'll always remember that love. Sadly I'm gonna have to leave you.

Kasabay ng unti-unting panghihina ng katawan ko ang mabilis na pagtulo ng mga luha ko. Umiipekto na ang gamot na ininom ko pero nanghihina parin ako.

"Why are you crying? Is that a pregnant thing?" tanong ng asawa ko habang pinupunasan ng hinlalaki ang basa kong pisngi. Ngumiti ulit ako ng pilit at tumango. Natawa siya at unti-unting tinataas ang baba ko. "Don't cry love..." sabi niya saka ako hinalikan sa labi na buong puso ko namang tinugunan.

How? How can I can't cry? Your happy of my lies. I make you believe of lie. Paanong hindi ako iiyak kung oras nalang ang natitira? How can I stop from crying?

"L-Love... can I sleep now?" tanong ko matapos niya akong halikan. "Can you carry me into bed?" nanghihinang sabi ko habang nakangiti.

"Oo naman Love." sabi niya pa bago ako buhatin pahiga sa kama. Inayos niya yung unan at kumot ko saka yung pagkakahiga ko.

Tumabi siya ng higa sa akin at niyakap niya ako. Maya-maya ang bahagya siyang bumaba sa tiyan ko at nagsimulang kausapin ito na parang may baby talaga sa loob.

"Pinagod mo ba si Mammy, baby? Bakanaman pasaway ikaw? Hmm sabi ni Daddy bait ikaw eh. Nag bait ba ikaw, huh? Mabait ba ang baby namin?" hindi ko mapigilang hindi maiyak sa nakikita. Marahang hinahaplos ni Justice ang tiyan ko saka manaka-nakang hinahalikan ito.

Alam kong magiging mabait na ama si Justice. Magiging isang napaka sayang pamilya siguro namin. Sana kaya kong magawa ko yon... sana.

Sa pagbigat ng talukap ng mga mata ko ang pagtulo ng isang butil na luha sa mata ko...

Two months is not enough. Alam ko, pero pipilitin kong maging sapat. Time is running out but not my love. The fight is not over yet... I can still win!

A/N: Sorry sa late update... writers block... walang kahit na anong idea ang pumasok sa kukuti ko😭 kaya sorry na...

Anyways hope you enjoy this chapter... Vote and Comment... and please STAY AT HOME...

🍀Smile~

Her Smiles (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon