Chapter 6

42 4 0
                                    

"BYE Love, alis na ako." sabi ng asawa ko paalis na papunta sa trabaho. Humalik siya sa labi ko at lumabas na ng bahay.

"Bye ingat ka." nakangisting sabi ko habang sinasara ang gate. Pumasok na ako sa bahay at nag simula nang maglinis.

Niligpit ko ang pinagkainan namin at hinugasan ang plato. Nag walis rin ako sa buong bahay. Nag hihiwalay ako ng mga dikolay sa mga puting damit dahil maglalaba na ako ng may biglang kumatok sa pinto ng bahay.

Sino naman kaya yon?

Mabilis akong nagpunta sa may pinto at ganon nalang ang gulat ko ng makita ko ang nanay ng asawa ko. Masama ang tingin sa akin at parang nandidiri sa bahay namin.

"A-Ano pong kailangan nyo?" magalang na sabi ko kinakabahan. "Kanina pa po nakaalis si Justice." dagdag ko ng hindi siya sumagot.

Nakataas ang kilay na ipinalibot niya ang mata sa kabuuan ng bahay namin. "Hindi si Justice ang ipinunta ko dito. I want to talk to you." naka taas ang kilay na sabi nito.

"P-Pasok po kayo..." sabi ko at nilakihan ang pagkabukas ng pinto.

Mahinang naglakad papasok ng bahay si maam Bianca. Pinalilibot niya ang mata sa bahay ko. Para pa siyang nandidiri sa nakikita. "U-Upo po kayo." sabi ko pagkatapos isara ang pinto.

Nandidiri siyang tumingin sa sofa may kinuha siya sa bag at alcohol pala. Nag spray siya sa sofa bago imupo dito. "Gusto nyo po ng kape, juice o tubig?" magalang na tanong ko pa.

"No. I'm fine." sabi nito. "Maupo ka." utos nito na agad ko namang sinunud.

"A-Ano po ang gusto nyong pag-usapan Ma?" magalang na tanong ko.

Nakataas parin ang matang tumingin siya sa akin. "Ma? Don't call me that hindi kita anak." mataray na sabi nito bahagya tuloy akong napayuko.

"Sorry po." nakayukong sabi ko.

"Anyway andito ako para personal na kausapin ka. Itinuloy pala talaga ng anak ko ang sinabi niya. Alam mo bang ito ang unang beses na sinuway ng anak ko ang utos ko? Nang dahil sayo sinuway ako ng anak ko. Hindi ko nga siya maintindihan eh. Mabuti sana kung si Amber ka eh isa kalang naman anak ng mga hampas lupa! Hindi ka karapat-dapat sa anak ko. Ngayon nahihirapan siya at dahil sayo yon. Isa ka lang namang hampas lupa." sabi ni pa ni maam Bianca. Hindi ko na napigilan ang mga luha kong nagunahan sa pagtulo. Ang sakit palang marinig nung mga salita nayon no? Lalo na kung galing sa nanay ng asawa mo.

May kinuha siyang papil at bullpen sa bag niya. May isinulat siya doon at inabot sa akin ang papel. Natakpan ko nalang ang bibig ko sa nakita. Isang cheke na naglalaman ng dalawang milyong piso.

"Siguro naman two million is enough for you? Sapat narin siguro yan para layuan mo ang anak ko? Kung gusto mo ipapadala kita sa American para layuan mona ng tuluyan ang anak ko." walang buhay na sabi nito.

Napahikbi ako sa mga narinig. Binabayaran niya ang pagmamahal ko sa anak niya? Binabayaran niya ako para layuan si Justice? Mahina akong umiling sa kaniya. "Pasensya na po pero hindi ko matatanggap yan." sabi ko habang inaabot pabalik ang cheke.

Biglang nangunot ang noo niya sa ginawa ko. "Hindi paba sapat yan? Don't worry..." sabi nito saka mabilias na pumirma sa isa pang cheke at iniabot sa akin. "Ikaw na ang bahalang maglagay ng halagang gusto mo." sabi pa nito.

Marahas akong umiling. Ayaw ko sanang maging bastos pero sinasagad talaga ng nanay ni Justice ang pasensya ako. "Hindi ko naman po kailangan ng pera mo. Sainyo na po iyan. Hindi ko ipagpapalit ang asawa ko sa kahit magkanong halaga!" bahagya kong nalakasan ang boses dahil sa inis ko. Agad na akong tumayo at muling binuksan ang pinto. "Makakaalis na po kayo. Dalhin nyo na rin po ang pera nyo." sabi kopa.

Napasinghap siya sa ginawa ko. Galit na lumapit siya sa gawi ko. Malakas niya akong sinampal. "Ang kapal ng mukha mo! Layuan mo ang anak ko! Nahihirapan siya ng dahil sayo! Hindi ka bagay sa anak ko, tandaan mo yan..."

"Mom! What are you doing!?" napahinto sa pagsampal sa akin si maam Bianca ng may biglang sumigaw sa likodan namin. Si Justice...

Halos sabay kaming napaharap kay Justice na mabilis na lumapit sa akin at agad akong inalalayan. "What are you doing to my wife? Mom, buntis si Smile don't slap her. Hindi lang siya ang sinasaktan mo pati ang anak ko!" napasinghap ang nanay niya dahil sa sinabi niya. "You heard it right mom. Magkakaanak na kami ni Smile kaya sana tigilan mona ako, kami! Maging masaya ka nalang para sa akin Mom, please!" pakiusap pa ng asawa ko.

Gulat ang nanay niya. Bigla itong napayuko at mabilis na lumakad balabas ng bahay at gate namin saka sumakay sa kotse nito. Mabilis na umalis ang kotse nito.

"Are you okay love? May masakit ba sayo?" alalang tanong ni Justice. Nakangiting umiling lang ako. Lalakad na sana ako ng biglang sumigid sa sakit ang puson ko at dumilim ang paningin ko. "Smile!" sigaw ng asawa ko saka ako pinangko papunta sa kwarto.

Hindi ako dapat makita ng asawa ko na ganito.  Kailangan kong uminom ng gamot. Ihiniga ako ng asawa ko sa kama at nagaalalang tumingin sa akin. "Napano ka Smile? Shit! Anong masakit sayo?" nagsisimula na siyang mataranta.

"T-Tubig love..." hirap na sabi ko. Agad namang lumabas ng kwarto si Justice kaya kinuha ko ang pagkakataon na kuhanin ang gamot ko sa may ilalim ng kama. Ang sakit ng puson ko!!

Agad kong nakuha ang gamot ko saka ininom. Nahiga ako ulit sa kama saktong dating ni Justice dala ang isang basong tubig.

Pinaupo niya ako at pinainom ng tubig. "Kailangan naba nating pumunta sa hospital? Nahihilo kapa ba? Shit talk to me please!" alalang sabi ni Justice.

Hindi muna ako nagsalita baka kasi makasigaw ako ng di oras. Hinintay ko munang tumalab ang gamot na ininom ko saka ako ngumiti sa asawa ko. "I'm okay love, don't worry. Nahilo lang ako normal lang sa buntis na mahilo." nakangiting sabi kopa. Mukaha naman siyang nakahing ng maluwag sa narinig.

"Are you sure normal lang yan? God nag-alala ako akala ko may masamang mangyayari sayo at kay baby. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nangyari yon!" alalang sabi parin nito.

"Love you..."

"I love you too."

"Stop worrying, okay? I'm fine nahilo lang talaga ako." sabi ko trying to convince him.

"Okay. Anong ginawa dito ni Mommy? Ano pang ginawa niya sayo?" he asked.

"Wala na..."

"Are you sure?" hindi naniniwalang sabi pa niya.

"Bakit pala bumalik ka?" binago ko ang topic. Kahit naman ganon ang ginawa ng Mommy niya sa akin ayaw ko paring maging masama nag tingin niya sa ina.

"I have a bad feeling kasi kaya bumalik ako. Tama naman yung pakiramdam ko." sabi niya.

"Nako late kana sa trabaho lakad na okay na ako dito." sabi ko.

"Sure ka? Sige tatawagan ko nalang si Hope para samahan ka." pilit niya pa. Sumangayon nalang ako wala narin naman akong magagawa.

"Sige na. I kove you lakad na. Hintayin ko nalang Si Hope." tumango nalang siya sabay halik sa labi saka ako iniwan.

Nang makaalis na siya saka na tumulo ang luhang kanina kopa pinipigilan. Ano bang mali sa akin at napaka malas ko? Umiyak ako ng umiyak. Nararamdaman ko narin kasi na mas lumalala na ang sakit ko.

I only have 3 months and 3 weeks to live. Ang dali ng oras. Ayaw ko pang iwanan ang asawa ko. Ayaw ko pa mamatay. I don't want to...

A/N: Guys stay at home. Alway sanitize yung hands and wear a mask. Life is too short please pahalagahan natin.

I hope you enjoy this chapter...
Vote & Comment... thank you😘

🍀Smile~

Her Smiles (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon