PROLOGUE

297 7 0
                                    

WARNING UNEDITED PIECE!!

Hindi mapigilang pagmasdan ni Justice ang napaka among mukha ni Smile na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Marahang sinusuklay ang napaka habang buhok nito. Hindi maitago ang saya sa mukha.

Si Smile kasi ang babaeng kapag nakita mong ngumiti parang napapawi ang pagod at lungkot mo. Isang ngiti galing sa kaniya parang napakasaya mo na.

Pero sa kabila nang anghel na mga ngiti nakatago ang napaka dilim na nakaraan. Nakaraang pilit niyang kinakalimutan.

Ako si Justice, at si Smile ang mapapangasawa ko. Kababata ko siya.

Hindi ko maitago ang ngiti sa aking mga labi. Ang babaeng ito papakasalan na ako bukas. Parang panaginip pero totoo.

Masaya kong inalala ang masasayang memorya naming dalawa. At sa pag-iisip ay hindi ko napigilang sariwain ang mga masasakit at madidilim na pangyayari sa buhay ng babaeng mahal ko. 

Noong 8 years old kasi siya namatay ang Mama niya. Pero hindi ko siya narinig na umiyak manlang. Ngiti lang siya nang ngiti. Hindi ko nga alam kung saan siya kumukuha ng lakas. Sa harap niya mismo namatay ang mama niya. Dahil sa mga magnanakaw na nanloob sa kanila. Nakatago lang siya sa ilalim ng kama kaya kitang-kita niya kung paano sinakal at pinagsasaksak ang mama niya. Kung paano ito nanlaban at kalauna'y binawian ng buhay. Wala ang Ama niya dahil nasa trabaho pa ito at nasa outing naman ang kuya niya. 

Noong 15 years old siya namatay naman ang kuya niya dahil sa sakit na cancer. Noong panahong iyon nawalan na ng pag-asa ang papa niya at sumuko na nang tuluyan. Pero si Smile, pilit nagpapakatatag at pinalalakas ang loob ng ama. Hindi ko rin makalilimutan ang mga sinabi niya sa ama, "Laban lang Pa, w'agkang susuko. Pagsubok lang ang lahat ng Diyos sa atin. Malalampasan din natin ito Pa, laban lang." At dahil na rin sa mga sinabi niyang iyon parang nabuhayan ng loob ang ama at paunti-unting bumangon. Isang taon ding nilabanan ng kuya niya ang sakit nito. Nang makabangon sa sila, ang buong akala ko'y tapos na ang trahedya sa buhay nila Smile. Pero hindi pa pala.

3 years after mamatay ang kuya niya namatay naman ang papa niya. Gumuho raw ang gusaling pinagtatrahahuan ng ama. Nabagsakan ito ng mga simento sa ulo nito at in coma ng 3 months. Lumaban ang papa niya pero kalauna'y iniwan din siya.

Pero sa lahat nang iyon nananatiling matatag si Smile at hindi pinanghinaan nang loob. Inayos niya ang buhay at pilit nagtapos ng pag-aaral.

Si Smile ang pinaka matapang at pinaka matatag na babaeng nakilala ko. She deserves to be happy more than anybody else. At gagawin ko ang lahat nang alam ko, mapasaya lang siya.

*****

Pero sadyang napakalupit ng tadhana kay Smile. Kinabukasan kasal niya at totoong masaya siya.

Naglalakad siya sa altar nang makaramdam siya ng sakit sa bandang puson niya. Hindi niya ito ininda at nagpatuloy sa paglalakad nang naka ngiti sa kabila nang sakit na nadarama.

At nang sabihin ng paring mag-asawa na sila doon na dumilim ang lahat sa kanya.

Nang buong akala niya'y tapos na ang paghihirap niya, nag-sisimula palang pala.

🍀Smile~

Her Smiles (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon