"If you don't want to be my Personal Assistant then file your resignation right away. I'll sign it."
Napaawang ang aking bibig sa mga sinabi nya. Is he serious? Nang dahil sa ayokong maging PA nya ay uutusan nya kong magresign?? I've spent more than three years in this company tapos bigla nalang one day i-aassign ako sa PA nya? What about the secretary of Sir Myk before? Bakit hindi sya? Tss ..
"Why me Ms. Magie? I've never been a personal assistant or even a secretary of anyone and I'm into marketing.."
"Then, from now on you will learn how to be a PA, you've been working here for more than three years right? Then you should be somehow familiar with different things."
"O-Okay, President.." ramdam kong wala na akong magagawa dahil decided na sila sa bagay na ito.
Marami akong gustong itanong tulad na lamang ng of all the employees here, why me? Hindi naman sa ayaw kong pagsilbihan si Sir Miguel, aaminin ko may parte sakin na masaya dahil ang ibig sabihin nito ay lagi ko syang makakasama, pero hindi ko alam kung bakit naiilang ako. Siguro dapat isang araw matanong ko sya kung nagawa ba nyang pumunta sa beach noon sa Quezon..
"Oh Aya, anong sabi ni Ms. Magie bakiot ka daw pinatawag sa opisina ng Boss natin?" tanong ni Lucas.
"Hayy.. ayun hindi ako makapaniwalang inappoint nya ko as his personal assistant..." nanlulumong sambit ko.
"Wow talaga?? Ang swerte mo naman Aya, halos lahat gustong mapalapit kay President. Eh ikaw ayan na nasa harap mo na ang chance nakalatag na eh bat mukha kang nalugi? Choosy pa teh??"
"Hindi naman ganun yun, hindi ko pa kasi naranasang maging secretary o kahit maging PA man lang. Natatakot akong magkamali, mukha pa naman syang seryoso at into details.. baka mapahiya lang ako."
"Eh ano bang pinagkaiba ng PA at secretary?" salubong ang kilay na tanong nya..
Bigla namang sumingit sa usapan namin si Madison. "Ang isang secretary ay karaniwang isang manggagawa sa opisina na nagtatrabaho sa pangkalahatan para sa buong kumpanya o department, hindi bababa sa ilang mga tao ang pinagsisilbihan, samantalang ang isang personal assistant ay isang empleyado rin pero gumagana for a specific person, usually yung may pinakamataas na position sa isang company." pagpapaliwanag ni Madz.
"So meaning, I'll be closer with him? Pati personal nyang mga lakad ako ang aasikaso?"
"Truth! ganun yun. At sa tingin ko naman ay kayang kaya mo yun kaya wag ka na masyadong mag-isip dyan at iligpit mo na ang mga gamit mo para madala mo na sa taas."
"Ewan ko sa inyo, parang parehas lang naman ang secretary at PA.. Basta Aya ha kahit sa taas ka na mag-ooffice wag mo kaming kakalimutan ha sabay sabay pa rin tayo ng lunch you knowwww." taas kilay pa si Lucas habang sinasabi ito.
Nag-umpisa na akong maglagay ng mga gamit ko sa isang kahon at pedestal na iaakyat mamaya malapit sa office ni Sir Miguel. Pag-akyat sa floor bubungad sa bandang kaliwa ang glass doors kung saan naroon ang isang malaking meeting room. Sa kanan naman ay glass doors muli kung saan pagpasok mo naroon ang secretary ni Sir Myk. May kulay brown na pinto sa bandang kanan ng secretary kung saan naman naroon ang opisina ng Presidente. Malawak ang loob kaya naman ilang hakbang pa bago mo marating ang pinto ng President mula sa glass doors. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano pa ba ang gagawin ko kung alam ko naman na meron na syang secretary. Hindi ko na rin nagawang itanong kanina si Ms. Magie kung paano na ang secretary na si Ms. Leah.. Dala marahil ng kaba kaya naman matapos nila akong kausapin ay dumiretso na ako agad sa floor ng marketing.
BINABASA MO ANG
Maling Akala
Romance"Ang pagmamahal ay laging may kaakibat na pagtitiwala. Ngunit paano kung biglang naglaho ang buong tiwala mo sa taong minamahal mo? Sapat pa rin ba ang pagmamahal para magpatuloy o sapat na ba ang pagkawala ng tiwala para lahat ng nararamdaman ay m...