Chapter 2 Paglilihim

22 4 0
                                    


Joel POV.

Nanonood ako ng laban ng basketball ngayon sa aming sala. Si daddy naman ay nasa garden na nasa bandang likuran ng aming bahay dito sa Manila. Maganda ang bahay na ito, mukhang pinagkagastusan talaga ni Dad. Maaliwalas ang kabahayan at kumpleto rin sa gamit pero mas gugustuhin ko pa ring manatili sa tahanan namin sa Quezon, kung saan ako pinanganak at namulat.

"Kuya Joel, kuya Joel! Can we play at the garden with daddy?" tanong ni Sab. Ang nakababata kong kapatid. Sa totoo lang, ngayon ko lang sya nakasama sa iisang bubong. She's just eight years old.

"Sorry Sab but I'm watching my favorite team in basketball. Maybe you can play with dad, he's at the backyard with your mom." Yes, with her mom.

"Okay kuya! You're always busy hmppp!" nakatungong sambit nya sabay takbo papunta sa aming likod-bahay. Nakakaramdam ako ng awa sa batang ito, pero sa ngayon hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko kung bakit nilalagyan ko ng pagitan ang relasyon naming dalawa. Marahil sa kadahilanang hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang may nakababatang kapatid pa pala ako. Akala ko ako na ang bunso.

"Sir, may naghahanap po sa inyo sa labas. Aya daw ang pangalan." ani ng aming kasambahay.

Agad naming nanlaki ang aking mga mata dala ng pagkabigla. Hindi ko inaasahan ang kanyang pagdating dito sa Manila at lalong-lalo dito sa aming bahay.

Hindi ko na nagawang sagutin si manang dahil agad akong tumakbo palabas ng pinto. Nang buksan ko ang gate hindi ko maiwasang hindi matigilan dahil totoo ngang may isang magandang binibini na naghihintay sa akin. "Hindi ka pa rin nagbabago, napakaganda mo." wika ko sa isip ko.

Matapos ang aming pag-uusap napagpasyahan ko syang ayain sa pinaka-malaking mall dito sa siyudad. Alam kong unang pagkakataon nyang mapuntahan ito, gusto kong makabawi sa kanya dahil sa ilang linggong hindi naming pagkikita. Pinilit kong takpan ang nararamdaman nyang pagdududa kanina sa mga ikinilos ko. "Hindi ko gustong maglihim sayo Hon, ngunit hindi pa ako handang ibahagi sayo ang panibagong parte ng buhay ko. Dahil ako mismo ay hindi pa lubusang tanggap ang mga nalaman ko buhat ng pagluwas ko." bulong ko sa sarili ko.

Nakikita ko sa kanyang mga mata ang labis na pagkamangha sa loob ng mall. Aliw na aliw ang kanyang paningin at panay ang lingon sa kaliwa at kanan. Tinatapunan ng tingin ang bawat store na kanyang madaanan. Hinawakan ko ang kanyang kamay ng mahigpit habang patuloy ang aming paglalakad.

"Hon, thank you sa pagdala mo sa'kin dito ha alam kong alam mong ito ang unang beses na makapasok ako sa ganito kalaking mall." aniya na tila nangungusap pa ang mga mata. Walang ganitong kalaking mall sa aming probinsya, kaya naman alam kong maaaliw sya rito. Gusto ko ring sulitin ang mga oras habang hindi pa ko ganap na isang seaman.

"Aya, honey, mas nagpapasalamat ako dahil nandito ka ngayon sa harap ko, kasama ko, at hawak kamay ko. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa pagsorpresa mo. Sa lahat ng oras ikaw ang gusto kong makasama." paglalambing ko sa kanya.

"Honey, I'll do everything for you. And remember that I may not be always on your side but I will always be inside you heart. I love you Honey..."

Those words want to bring up my emotions into tears but I still manage to hold it. I don't want her to see me cry.

"I love you too Honey, I always do. You don't know how much I love you." tugon ko sa kanya habang malalim na nakatitig sa kanyang mata at mukha. Sa pagtingin ko sa kanyang maamo at mamula-mulang mukha na tila sinasaulo ang bawat parte nito. Natigilan lamang ako ng marinig ang kumukulo nyang tyan.

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon