"Good morning Lucas, good morning Madison!" masayang bati ko sa mga kasama ko sa apartment na tinutuluyan namin.
"Aba ang bakla mukhang maganda ang gising mo ha anong nakain mo kagabi o baka naman may nilapastangan ka kagabi sa panaginip mo ha??" pang-aasar ni Lucas sakin.
"Hoy ikaw Luca-Luca wag mo nang asarin si Aya mamaya mawala bigla sa mood yan hehe." saway ni Madz sa kanya.
"Pano ba naman hindi gaganda ang mood ko, syempre masaya akong nakasama ko nung pasko at bagong taon ang pamilya ko. Nakakaproud lang kasi simula nung nagkawork ako mas masaya na yung bawat celebration kasi may panghanda na kami hehe." natutuwang ani ko sa kanila.
"Alam mo deserve mo naman lahat ng blessing na natatanggap mo eh alam namin ang hirap na pinagdaanan mo, sa pamilya mo at dun sa magaling mong ex!"
"Oh tama na nga yan pinaalala mo pa eh, ang mahalaga after 3 years and half years nakamove on si Vanessa Aya Fuentes! Bravo! Palakpakan!!" pagpapatawa ni Lucas.
Tama, tatlong taon na ang nakalipas mula ng umalis si Joel, magsimula noon ay hindi ko na sya nakausap pa. Wala na rin akong balita kung nakauwi na ba sya ng bansa o kung natuloy na ba ang pagpapakasal nila ng fiance nya.
Totoong nahirapan akong tanggapin noon ang katotohanang sa ganun nalang bigla magtatapos ang love story namin. Nakakatawa nalang isipin na ang hinahangaang samahan noon ng mga schoolmates namin ay hahantong sa hiwalayan. Tila lahat ng nangyari sa amin ay mauuwi lamang sa isang maling akala...
Maraming tumulong para makamove on ako, andyan sina Lucas, Madison at ang bestfriend kong si Joan. Masaya ako dahil makalipas ang dalawang taon noon ay nag-open na nga ng branch ng boutique dito sa Manila ang kaibigan ko. Halos araw-araw nya akong walang sawang inaaya noon para lang malibang ako. Matapos naming mag-usap ng mommy ni Joel napagdesisyunan kong tulungan ang sarili kong magmove on.
Wala akong choice kung hindi ang magpatuloy sa buhay at sa pagtupad ng mga pangarap ko dahil ang pamilya ko naman ang rason sa lahat ng ginagawa ko. Narealized ko na mas mahirap palang umahon mula sa pagkakadapa kapag wala kayong naging maayos na pag-uusap bago magkahiwalay. Puro tanong ang naiwan noon sa isip ko, ilang araw akong nagmukmok at hindi nakapasok sa trabaho kaiisip at kakahanap ng sagot.
Ang naging tambayan ko noon ay ang pagpunta sa iba't ibang beach. Naging sandalan ko ang magagandang tanawin at sariwang hangin na dala ng karagatan. Kahit pumapasok na ako sa trabaho basta't may extra akong pera ay nagtatravel akong mag-isa, tila hinahanap hanap ko ang dalampasigan. Makita ko lang ang asul na karagatan, ang dalampasigan at mga berdeng puno o halaman narerelax na agad ang isip ko.
"Ang bait talaga ng mga boss natin noh, imbes na dalawa o tatlong buwan lang tayong magstay dito sa apartment eh inabot tayo ng tatlong taon." totoo, kung ganu na kami katagal sa kumpanya at ganun na rin ang tagal namin sa pagtira dito sa apartment ng libre. Maging sina lola Matilda at lolo Berto ay nagulat sa anging desisyon ng mga amo namin.
"Korek ang bait talaga ni Sir Myk ang gwapo gwapo pa!" kinikilig pang sambit ni Lucas
"Hoy kayo ha, wag kalimutan engaged na ang papa Myk, wag na kayo umiksena pa kasi hindi rin naman kayo mapapansin!" paninita ni Madz
"Hep hep excuse me anong hindi mapapansin ito ang pambato natin oh" sabay turo sakin "ang bait bait kaya ni papa Myk dito kay Aya, hoy Aya yung totoo? Akala mo hindi namin napapansin ha..." nanunuksong tiningnan naman ako ng dalawa.
"Kayong dalawa pwede ba wag nyo ng lagyan pa ng malisya, kayo na rin ang nagsabing ikakasal na yung tao at isa pa.. alam nyo namang hindi pako handa sa ganyang mga bagay..."

BINABASA MO ANG
Maling Akala
Romansa"Ang pagmamahal ay laging may kaakibat na pagtitiwala. Ngunit paano kung biglang naglaho ang buong tiwala mo sa taong minamahal mo? Sapat pa rin ba ang pagmamahal para magpatuloy o sapat na ba ang pagkawala ng tiwala para lahat ng nararamdaman ay m...