"What are these?" puno ng pagtataka ang mababasa mo sa reaksyon ng mukha ngayon ni Sir Miguel. Napapikit nalang ako ng marealized na laking abroad nga pala sya kaya marahil hindi nya pa natitikman ang mga ito. Hindi nga sya ito..
"Sir masarap po ang mga ito, inorder ko po sa 'Lola Idangs'." Isa isa kong tinuro ang mga putahe. "Ito po ang crispy binagoongan, kare kare at sinigang na salmon belly. Yang kare kare po sinasabayan nitong alamang."
"I see." simpleng sagot nya habang nakatuon ang paningin sa mga pagkain. Dinampot nya ang spoon and fork at tinikman isa isa ang mga pagkain. "Mmm.. delicious.." tumatango tango pa sya. Tila walang reaksyon ang kanyang mukha pero mapapansing mong nasarapan sya dahil tuloy tuloy ang subo nya. Baka hindi sya nagbreakfast kaya gutom sya? Hmm.. "What are you looking at? Eat."
"H-Hindi na po sir, sasabay na po ako kay Leah kumain sa canteen.."
"You said these are delicious right?" tumango ako bilang pagsagot. "Then, eat with me. I can't have a lot."
"O-Okay po." kumuha na rin ako ng pagkain tulad ng utos ni Sir. Mahinhin akong sumubo dala ng pagkailang kahit ni minsan ay hindi ko sya nakitang sumulyap man lang sakin. Nakatuon lamang ang pansin nya sa pagkain. Ilang minuto lang ay natapos na sya samantalang ako naman ay nakakailang subo pa lamang. Pano ba naman ako makakakain ng maayos kung nakaka intimidate ang kasabay mong kumain. Ito rin ang unang beses na makasabay ko kumain ang nasa mataas na katungkulan ng kumpanya.
A year ago, napromote ako as a Supervisor for Marketing. I was really happy when Ms. Magie told me about it. Agad kong binalita ito sa pamilya ko, tinawagan ko agad si mama at nagcelebrate naman kami ng mga kaofficemates ko sa isang restobar. Ngayon naman na napili ako bilang PA ni ng President, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. I admit, the salary is really higher. Ni hindi ko maisip na ganito ba talaga ang sinasahod ng assistant or secretary ng nasa mataas na posisyon?
Sa ngayon, ang dapat kong isipin ay pagbutihin ang aking trabaho. Nararapat lang na suklian ko ng magandang serbisyo ang malaking sweldo nila sa akin. Kung bakit ako ang napili.. na personal na pinili ayun kay Ms. Magie ay hindi ko alam..
"Aya, kamusta naman ang maging personal assistant ng pinakagwapong boss sa balat ng lupa ha?"
"Ayun okay naman Luc, kaso hindi ko maiwasang hindi kabahan sa kada ring ng telepono ko. Kasi kada ring alam kong sya ang tatawag. Nagtataka nga ko kung bakit si Leah nakakatanggap ng mga calls galing sa ibat ibang tao samantalang sakin si Sir Miguel lang lagi."
"Weh talaga ba? baka naman naka exclusive lang sayo Aya, haha mukhang patay na patay sayo si Boss ha." pang-aasar ni Madison
"Naku mukhang tama ka Madz!"
"Hindi nga???"
"Talaga?" sabay na sambit ng dalawa.
Hindi ko naman maiwasan ang matawa sa naging reaksyon nila. "Totoo, patay na patay.. sa sobrang lamig ng pakikitungo ni boss sakin hindi ko malaman kung ako ba ang patay o sya.." sabay namang ngumiwi ang dalawa. "Hahaha kayo talaga kung ano ano ang iniisip nyo kasi."
"Naku wag kang mag-alala bakla. I'm sure baka bumubwelo lang yan si papa Migs, hindi pa nya alam kung pano ang diskartihang noypi!"
"Tumigil na kayo ha, mamaya marinig ng ibang kasamahan natin yang panunukso nyo sakin at makarating pa sa boss ko tiyak mayayari ako!"
Ilang linggo ang lumipas, ang lahat ay abala sa kanya kanyang gawain lalo na ng dati kong department dahil sa gaganaping event sa Subic. Samantalang ako, hindi ko maiwasang matulala na lang sa monitor ng desktop ko, minsan naman ay sa telepono na naghihintay na tumawag ang masungit kong boss.
BINABASA MO ANG
Maling Akala
Romance"Ang pagmamahal ay laging may kaakibat na pagtitiwala. Ngunit paano kung biglang naglaho ang buong tiwala mo sa taong minamahal mo? Sapat pa rin ba ang pagmamahal para magpatuloy o sapat na ba ang pagkawala ng tiwala para lahat ng nararamdaman ay m...