Chapter 6 Miguel Devan Ramirez Rancio

11 0 0
                                    


"Oh my God!"

Wala sa sariling malakas na sambit ko kaya naman naagaw ko ang atensyon ng mga taong nasa loob ng town hall at maging ng lalaking nasa harapan ngayon ng stage.

"I-I'm s-sorry..." napapahiyang paghingi ko ng tawad sa naging reaskyon ko at nanatili akong nakatungo matapos nito.

"Hoy te anong eksena ng oh my god oh my god mo ha? Ang taas ng kuha mo dun ha napalingon mo lang naman halos lahat pati mga boss natin." nang iintrigang bulong ni Lucas.

"H-Ha?? A-Ahh wala..." hindi ko na nagawang iangat pa ang aking tingin sa stage dahil nasisiguro kong nakita nya ako.

"Ay utal utalan ang peg, nastarstruck ka sa kagwapuhan ni Sir Miguel noh? Sus kami din di ka nag iisa pero di mo kailangang umiksena teh! Hahaha"

"Ssshhhh! Ang ingay nyo makinig nalang nga kayo." sita naman samin ni Madison.

Natapos ang mahahalagang announcements sa mga oras na yun ngunit ni isa ay walang pumasok sa isip ko. Masyadong naukyupado ng lalaking yun ang utak ko.

Sya ba yun?

Sa naalala ko, ang nakasama ko noon ay ...

Matangkad. Matipuno. May magandang pangangatawan. May magandang korte ng panga. Makapal ang pilikmata at kilay. May matangos na ilong. At may mapupulang labi.

Ang nasa stage naman kanina ay ...

Mukhang maawtoridad. Mukhang suplado. Mukhang disente. Mukhang may pinag-aralan talaga. Mukhang mabango. Mukhang marami ng babaeng naloko. Mukhang matalino.

Pero magkahawig sila.. hindi kaya sya yun?

Pilit kong ibinalik sa wisyo ang akong sarili hanggang sa oras na ng uwian. Sabay sabay kaming bumaba ng elevator nina Lucas at Madison, batid nila ang pananahimik ko.

Hanggang sa makarating kami sa apartment ay hindi na nawala ang pagsalubong ng kilay ko at ang pagkunot ng noo ko.

Mababaliw na ata ako kakaisip! Hayst..

Bumungad sa amin si Lola Matty na abala sa paghahanda ng hapunan. Ganito kalimitan ang eksenang nadadatnan namin sa bahay. Kahit may edad na si Lola Matty at Lolo Berto ay hindi sila napapagod na pagsilbihan kami kahit pa pinagpapahinga namin sila. Pakiramdam daw nila ay mas nakakapagod kung wala silang ginagawa.

Masarap magluto si Lola Matty, hindi ko maiwasang mahalintulad ang pagluluto nya sa luto ni mama. Parehong masarap! Kaya naman sa tuwing namimiss ko ang mga paborito kong inihahanda ni mama ay nirerequest ko itong lutuin ni lola Matty. Para kaming isang pamilya na sila ni lolo Berto ang aming mga magulang.

"Mga anak balita ko ay dumating na daw si sir Miguel tama ba?" tanong ni lola Matty habang nasa hapag kainan kami kasama si lolo Berto.

Tahimik lang ako sa pag-uusap nila, hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang naging epekto sakin ng makita ko ang lalaking yun.

Una, hindi ako sigurado kung ang lalaking nakausap ko noon ay sya ring lalaking ipinakilala sa amin kanina. Pangalawa, may ilang detalye sila sa kanilang pisikal na itsura na masasabi kong may pinagkaiba. Pangatlo, paano sya makakarating don samantalang sa America namalagi si sir Miguel buhat noon. Pang-apat, kung sya nga yun at natatandaan nya ko, dapat ngumiti man lang sya kanina nung nagtama ang paningin namin. Blangko lang ang reaksyon ng mukha nya kanina habang nakatingin sakin. At panlg lima... kung sya man yun bakit ba ganito ko kaapektado? Matagal na panahon na yun at malamang hindi na nya ko maaalala, pati ang mga kinwento ko sa kanya. At kung sya nga talaga yun! Wala akong dapat na ipangamba dahil yun lang naman ang alam nya da pagkatao ko at nandito ako para paglingkuran sya bilang empleyado nya. Sino ba naman ako para matandaan nya, sa tatlong taong nakalipas paniguradong burado na ang mukha ko at ang mga kwento ko noon.

Kung bakit ba naman kasi napakadaldal ko noon at nagawa kong ikwento ang personal na pangyayari sa buhay ko sa isang hindi ko naman kilalang tao.

Pero teka nga, sinabi na ngang hindi sya yun eh! NO! Malabong malabo!

"Kalma lang Aya, kalma.." nakapikit na sabi ko habang pilit na kinakalma ang sarili ko.

Pagmulat ko ng aking mga mata ay nailang ako dahil napansin kong titig na titig silang lahat sa mukha ko.

"S-Sorry po."

"Iha okay ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Lola.

"Oo nga naman Aya, pansin ko rin kanina habang nasa byahe tayo eh tahimik ka lang, hindi ako sanay na hindi ka nag iingay hehe." ani ni Lolo.

"Naku hayaan nyo po yang si Aya, mukhang di pa makamove on sa kagwapuhan ni sir Miguel kaya po ganyan." nangingiting sambit naman ni Madison.

"Hala, hindi po. Ano ba kayo? Iniisip ko lang sina mama at mga kapatid ko, bigla ko silang namiss kahit kakabakasyon ko lang."

"Sus! Sinong niloko mo akala mo naman nakalimutan na namin yung pag eksena mo kanina akala mo nakakita ka ng multo! Gwapong gwapong multo! Hahahah" todo ngiting pang aasar ni Lucas.

"Aminin mo na crush mo si sir Miguel noh? Wag na tumanggi kasi lahat naman ata ng empleyadong babae pati pusong babae! Grbe ang gwapo nya!!!" dagdag ni Madison.

"Kayo ha, sa pagkakakilala ko kay sir Miguel noong bata pa sya ay ilag sya sa mga tao. Hindi sya mahilig makihalubilo sa ibang mga bata di tulad ni sir Michael. Hinahayaan lang namin syang magbabad sa kanyang kwarto noon at nagpapakalunod sa mga libro nya." kwento ni lola

"Totoo, kapag nga nagkakaroon ng family gathering ay napipilitan lamang syang sumama, natatawa pa ako noon sa nakabusangot nyang mukha sa tuwing ihahatid ko sya noon sa mga event na dadaluhan ng pamilya nila di tulad ng kapatid nya na napakamasiyahin." nakangiting dagdag ni lolo Berto.

"Pero bakit po kaya ganun ang ugali nya?" Hindi ko maiwasang hindi magtaka kung bakit magkasalungat ang ugali ng magkapatid samantalang iisa lamang ang kanilang pinagmulan.

"Naku, masanay nalang kayo, mahirap magkwento hehe ang masasabi ko lang ay sa kabila ng cold na personality nun ay mabait syang bata. Siguro hindi lang talaga nabigyang pansin ng mga magulang nila na busy din naman sa mga negosyo nila."

"Hay nakakaloka kaya minsan masaya na rin akong di ako pinanganak na mayaman atleast may oras sakin ang magulang ko." nakangiting banggit ni Madison

"Ay trut teh! Pero kahit ganun ang yummy pa rin nya kahit hindi kami mag imikan buong araw basta nakikita ko lang sya solb na solb na!" hindi namin maiwasang matawa sa sinabi ni Luc.

Nagtuloy tuloy lang ang pang aasar nila Luc at Madz pero ni hindi ko magawang sabihin sa kanila ang mga tumatakbo sa isip ko. Natatawa nalang tuloy ang dalawang matanda sa mga papuri at pagnanasang naririnig nila.

Habang nakahiga sa aking kama bigla kong naramdaman ang pagkamiss ko sa pagpunta sa tabing dagat. Noon halos buwan buwan akong pumupunta sa kahit saang beach pero ni minsan ay hindi ko na nagawang bumalik kung saan ko nakita at nakausap ang misteryosong lalaking yun.

Ang lalaking nagpagaan ng mabigat kong nararamdaman noon kahit sa simpleng pakikinig lang sa madramang kwento ng pag-ibig ko.

Sana nga ikaw nalang sya, Miguel Devan Ramirez Rancio...


To be continued. . .

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon