Kabanata 7:
"Damn girl.. Ikaw 'to ah" bulong ni Binibining Everhett sa akin.
"A-ako ba talaga 'to? Kamag-anak ko ba talaga si Claire?" Bulong ko pabalik kay Binibining Everhett
"Baka girl.." saad niya bago nagsalita si Binibining Claire-- yung binibining alam kong konektado sa pagkatao ko
"P--papaano-- Papaanong magkamukha at magkapareho kayo ng pangalan ng lola ko? Sa pagkakaalam ko.. Siya lang ang may pangalang ganiyan sa pamilyang Montemayor sapagkat.. Sapagkat.. Ayaw ng kaniyang mga magulang na magkaroon siya ng kaparehas na pangalan.." nanginginig na saad ni Binibining Claire sa akin..
Marahil nalilito siya kung bakit kaya siya nangiginig..
"Ikaw ba ang lola kong si Binibining Clara Montemayor? Ikaw ba ang babaeng nasa larawang iyan? Sumagot ka!" Sigaw niya sa akin dahilan upang ako'y magulat..
ANONG KARAPATAN NIYANG SIGAWAN ANG BUNSONG ANAK NG PAMILYANG MONTEMAYOR?!
"Huwag mo akong sigawan dahil wala kang karapatang sigawan ako! Marahil nagmula ka sa makabagong panahon ngunit WALA KA PA RING KARAPATANG SIGAWAN AKO!" Bulyaw ko sa kaniya
Kailan man ay walang sumigaw sa akin ng ganiyan.. Siya lang..
"Pa--pasensiya na lola ko.. G--gusto ko lang malaman.. Malaman kong ikaw ba talaga siya.." saad niya habang pinipigilan ang pagtulo ng kaniyang mga luha..
"Umupo ka muna doon at magpakalma.. Ikwekwento ko sayo ang mga nangyari mamaya" saad ko atsaka tinalikuran siya..
Kailangan ko ring magpakalma sapagkat ayaw kong makasakit na naman.
***********
"Girl, kalmado na siya, come here na" saad ni Binibinig everhett sa akin habang nakangiti..
Pumunta naman ako sa direksyon kung saan siya naroroon at nagsimula ng magkwento.
Pagkatapos kong magkwento, niyakap niya ako ng pagkahigpit higpit..
"Waaaaahhh!! Lolaaa koooo!! Makakasamaaaa kooo naaaaa kayoooo!! Waaaahhhh!" Saad niya habang yakap-yakap ako..
"Sshhh.. Baka may makarinig sa iyo.. Baka isipin nilang nababaliw ka na o di kaya ay nasasapian ka ng demonyo" saway ko sa kaniya.
WALA BA TALAGA SIYANG HINHIN NA ITINATAGO SA KATAWAN?
"Waaahhh!! Lola naman.. Sowwy.. Hindi ko kasi kayo nameet" saad niya habang nakayuko
"Hmm, sino ba ang naging asawa ko at ang iyong ina ba ang aking supling?" Saad ko sa kaniya..
Nakakaintindi naman siya ng wikang Filipino di gaya ni Binibining Everhett na kakaunti lang ang alam.
"Opo Lola. Si mommy yung anak niyo tsaka si lolo naman po ay si----" hindi na niya natapo ang kaniyang sasabihin sapagkat bigla na lamang bumukas ang pintuan nitong 'histuri rum'
"Baby! Gosh! Nag-alala si mommy sayo.. Halika na.. Maraming mga bisita ang naghihintay sayo sa baba" saad ng isang binibini-- at sa tantiya ko, siya ang aking supling, ang ina ni Binibining Claire..
ANG GANDA NG AKING SUPLING!
Pinigilan ko ang aking sarili na yakapin siya sapagkat alam kong magtataka siya..
Nagpaalam na kaming aalis na at dahil doon, nalungkot ng kaunti ang aking apo-- si Binibining Claire, ngunit sinabihan ko siya na maaari niya akong bisitahin sa bahay nila Binibining Everhett kaya naman gumuhit ang isang malaking ngiti sa kaniyang labi..
"Adios" saad ko bago pumasok sa magarang sasakyan ni Binibining Everhett..
Hindi ko alam kung bakit napakarami niyang sasakyan.. Sa totoo lang, hindi nga toh ang sasakyan na ginamit namin patungo rito.
*********
"Binibining Everhett" pukaw ko sa atensiyon ni Binibining Everhett kaya naman agad siyang napatingin sa akin na may nagtatakang mukha
"Sino kaya sa tingin mo yung asawa ko?" Tanong ko sa kaniya
"Hmm, actually, di ko pa talaga namimeet yung lolo ni Claire, di nga nameet ni Claire yung lolo niya eh. Bata pa kasi si Claire nung namaalam yung grandma at grandpa niya" saad niya sa akin..
Kaya naman pala grabe siya kung makayakap sa akin..
Nangungulila siya sa kalinga ng isang lola..
Hindi ko man alam kung paano magpakalola, ngunit susubukan kong busugin siya ng pagmamahal ng isang lola..
"Iiiiihhhhhh" biglang tili ni Binibining Everhett kaya naman nagulat ako at napahawak sa aking dibdib
"Huwag ka ngang tumili ng bigla bigla diyan Binibining Everhett! Nakakatakot ka na! Para kang sinasapian ng masamang kaluluwa!" Saad ko na ikinahagikgik niya
"Ihhhhh.. Naalala ko kasi yung lalaki sa Palawan. Gosh! Ang gwapo niya talaga! Ano kayang pangalan niya? Argggg.. Lets go to the mall, girl. Baka makita natin siya ulit. Ahihihi" saad niya
Tsk. Kalandian lang pala ang nasa isip niya kaya siya napahagikgik bigla.
Wala naman akong magagawa kundi sumunod sa kaniya atsaka.. Masarap kaya siyang kasama..
*****
Tatlong oras na kaming palibot-libot sa mol..
ANG SAKIT NA NG PA KO! DI BA SIYA NAPAPAGOD?!
Ang rami na rin naming dala-dalang mga pinamili..
Hayst..
Naglalakad lang ako habang nakayuko ng bigla na lamang may bumangga sa akin dahilan upang ako'y mawalan ng balanse.
Handa na sana akong bumagsak sa lupa ngunit may naramdaman akong pumulupot sa bewang ko..
Napadilat ako bigla dahil doon..
HINDI MAAARI!
Yung pumulupot sa bewang ko, ISANG LALAKI!
ASAWA LANG NG BABAE ANG PWEDENG GUMAWA NUN SA KANIYA AT HINDI NIYA AKO ASAWA! AAAHHHHH!!!
Napahinto ako sa aking pag-iisip nung mapagtanto kung pamilyar ang kaniyang mukha..
SIYA YUNG LALAKI SA PALAWAN POWNSHAP!
"Miss, are you okay?" Saad nung lalaki
Di ako nakasagot sapagkat.. HINDI KO NAINTINDIHAN YUNG SINABI NIYA! INGLES YUN! INGLES!!! PAANO NA 'TO?!
"Oh wait.. I think you can't understand English.. So I'll adjust" saad niya atsaka may pinindot sa hawak niyang parehabang gamit.
'Selpon' ang tawang ddon kung hindi ako nagkakamali.
Hindi gaya ng ka Binibining Everhett, alam kong mas maganda yung sa kaniya. Mukha kasing napakamamahalin.
"Okay. Here. A-- y-- o-- s-- k-- a-- l-- a-- n-- g b-- a? There. Ayos ka lang ba?" Saad niya atsaka pilit na ngumiti para magmukhang mabait.
Tumawa naman ako ng mahina dahil sa itsura niya..
"Ayos lang ako" saad ko atsaka ngumiti ng pagkatamis tamis
Napahinto siya dahil sa ngiti ko at nung makabawi na siya, ngumiti na rin siya-- Totoo na yung ngiti niya.
At dahil sa ngiti niya, mas lalo siyang naging matipuno sa tingin ko.
"I'm Kaiser.. Kaiser Launder" saad niya atsaka inilahad ang kamay niya sa akin..
Ayaw ko mang kunin yung kamay niya sapagkat alam kong kapusukan iyon ngunit kailangan sapagkat baka sumama ang loob niya sa akin
"Ako si Clara.. Clara Montemayor"
'ANO KAYA ANG SUSUNOD NA MANGYAYARI PAGKATAPOS NITO?'

YOU ARE READING
I Love You Since 2064
SonstigesAko si Clara Montemayor at nagmula ako sa taong 1945 at siya naman si Kaiser Launder at nagmula siya sa taong 2064 at ito ang kwento ng pag-iibigan naming dalawa