Hanggang ngayon ay nalilito at nawiwindang pa rin ako sa kung ano ang nakita ko kanina at kung sino ba talaga si Binibining Everhett..
Nakakatakot siyang pakinggan at tignan kanina kaya hindi ko masisisi ang sarili ko na pangat
'Ella está actuando extraña y no estoy acostumbrado a Esto (She's acting strange and I'm not used to this)' bulong ko sa sarili ko.
Sabagay, lahat ng tao naman ay may kapabilidad na magalit. Kahit nga ang pinakamabait na tao ay maaaring magalit.
"Bininibining Everhett.." tawag ko sa atensiyon niya.
Kaagad naman siyang bumaling sa akin at sa isang iglap lamang.. Nagbago ang mala-tigre niyang pagmumukha kanina sa isang mala-tupang pagmumukha.
Napalitan din ng magaang awra ang kanina'y maitim na awra.
"Ano iyon, Clars?" Nakangiting tanong niya sa akin.
Para bang hindi siya nagsungit sa harapan ko kanina at para bang wala yung babaeng sinungitan niya kanina.
"Uwi na tayo Binibining Everhett.. Mahaba-habang oras na kasi ang nagamit natin sa araw na ito kung kaya't nakalkula ko na pagod na kayo at kailangan niyo ng magpahinga. Pwede niyo namang ipagpabukas ang pag-uusap niyo kung gusto niyo pa itong ipagpatuloy at sana'y huwag kayong gumamit ng dahas sapagkat sa tingin ko, maaari pang maayos ang gusot sa pagitan niyong dalawa gamit ang mabuti at masinsinang usapan" mahabang pahayag ko habang pinapagpalit ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Napangiti naman si Binibining Everhett sa sinabi ko at bahagyang tumango.
Ibinaling naman niya ang kaniyang atensiyon sa kaniyang kaaway kanina atsaka ikinumpas ng paulit-ulit ang kaniyang dalawang daliri na itinapat niya sa kaniyang dalawang mata at ginalaw ito papunta sa direksyon ng mata ng kaniyang kaaway.
Mahina naman akong napatawa dahil sa ginawa niya.
Para siyang batang pinagbabantaan ang kaniyang kaaway na huwag siyang gagawa ng anumang kabaliwan kundi malilintikan siya rito..
Que linda (How cute)
Hinila ko nalang siya papalayo roon dahil baka sabunutan niya bigla ang babae at gumawa pa siya ng eskandalo rito.
Imbes na gumala kami ngayon, bumagsak ang katawang lupa namin sa kanilang mansiyon sapagkat ilang oras na kasi silang nag-aaway dun.
Sumakit na nga ang likod ko roon sa kakatayo eh.
Pero.. Parang nakita ko yung lalaki sa Palawan dun..
Ano kaya ang ginagawa niya roon?
Kung siya ang nakatakda sa akin, sigurado akong maswerte ako.. Ngunit malas din..
Maswerte ako sapagkat may itsura siya, mukhang mayaman at mabait, ngunit malas sapagkat hindi naman ako galing sa panahong ito.
Para bang.. Ipinagbabawal na ibigin ko siya sapagkat walang kasiguraduhan kung mananatili ako rito habang-buhay at isa pa, may mababago sa hinaharap kung mababago ang nakaraan..
Hindi ko gugustuhing sumugal para lang sa pag-ibig na hindi pa nasisimulan at walang kasiguraduhan kung masisimulan ba..
YOU ARE READING
I Love You Since 2064
AcakAko si Clara Montemayor at nagmula ako sa taong 1945 at siya naman si Kaiser Launder at nagmula siya sa taong 2064 at ito ang kwento ng pag-iibigan naming dalawa