Kabanata 11:

8 1 0
                                        

Kabanata 11:

"Binibining Everhett" alanganing tawag ko sa kaniya

"Ano yun Clara?" Tanong niya sa akin

"Maaari mo ba akong ihatig papunta sa mol (mall) ?" Tanong ko sa kaniya

"Bakit Clara? Anong gagawin mo roon?" Usisa niya pa

"Gusto ko lang sanang mamasyal ngunit ayos lang na huwag mo akong samahang mamasyal.. Gusto ko kasing maranasang mamasyal mag-isa" Kasi ni minsan sa buhay ko, hindi ko naranasan na mamasyal na walang kasamang nagbabantay..

"Sure" saad niya sa akin atsaka iginaya ako papunta sa kaniyang garahe

Pero hindi naman talaga yun ang totoo kong dahilan kung bakit gusto kong pumunta sa mol (mall) na mag-isa o pumunta sa mol.

Gusto ko lang na pumunta roon kasi nagbabakasakali ako na makikita ko muli si Ginoong Kaiser, yung lalaki sa Palawan.

May iba kasi akong nararamdaman tungkol sa kaniya..

Para bang.. Hinahanap-hanap siya ng pagkatao ko nitong nakaraang mga araw.. Para bang.. Nangungulila ako sa kaniya.

"Ano ba Clara! Ang pusok pusok mo!" Mariing bulong ko sa aking sarili ko atsaka naglakad na papasok ng kotse ni Binibining Everhett.

Pagakatapos ng ilang oras na paglalakbay, nakarating kami sa aming destinasyon.

"Salamat Binibining Everhett.. Gracias.."

"Oh. You're welcome.. Paano kita susunduin?"

Napakamot ako ng batok. Paano nga ba? Susulatan ko ba siya?

"Hindi ko alam Binibining Everhett.." nakayukong saad ko

"Oh well, alam ko na" binuksan niya ang kotse niya at may kinuhang kung ano.

"Here. Sayo na toh. Uhmm.. Just.. Press this green thingy.. Ano nga ba amg Tagalog ng green? You know the fruit? Dalandan?"

"Oo. Bakit naman?"

"Yung kakulay nun pero much lighter. Pindutin mo. Heto.." tapos tinuro niya yung mukhang telepono

Tumango ako

"Then click my name. My pangalan.. and then click the green button again. Get it? Naintindihan mo ba?"

Tumango naman ako.

"Ciaooooo Clarsss!! Bye" tapos pumasok na siya sa kotse.

Huminga ako ng malalim. Etoh na.

Pumasok ako at ilang minuto pa ang nakalipas, naligaw ako sa mol.

I Love You Since 2064Where stories live. Discover now