Kabanata 8:
"Girlllll, nandiyan ka palaaaaa--- Oh waiitttttttttt.. My goodness gracious! BA'T KAYO MAGKAHAWAK KAMAY NI FAFA?!" nanlalaking mga matang sigaw ni Binibining Everhett..Agad naman akong napabitiw sa kamay ni Ginoong Kaiser dahil baka magselos pa lalo si Binibining Everhett sa akin
"Huwag ka ngang sumigaw diyan Binibining Everhett.. Nakakahiya kay Ginoong Kaiser" saad ko sa kaniya
Tinaasan naman niya ako ng kilay tsaka napahagikgik ng mahina
Nababaliw na talaga siguro si Binibining Everhett.
"Nos vemos de nuevo, bella dama (See you again, beautiful lady)" saad ni Ginoong Kaiser sa akin tsaka hinalikan ang likod ng aking mga kamay tsaka umalis.
NAPAKAPUSOK NIYA!
Pagkaalis niya.. Bigla na lamang akong hinila ni Binibining Everhett papasok sa kaniyang sasakyan.
Nung makapasok na kami sa loib ng kaniyang sasakyan, bigla siyang tumili ng pagkalakas-lakas.
NAKAKABINGI ANG KANIYANG TILI!
"ACCCCCCKKKKK. MY HARTTT!!! BA'T SIYA GANUN?! ANG SWERTE MO GIRL AH! HABA NG HAIR" Saad niya at mas lalo pa akong niyugyog.
Ano bang nakain niya at para siyang nasasapian?
Ilang minuto pa ang nakalipas ngunit hindi pa rin siya tumitigil sa pagyugyog sa akin kaya sinampal ko siya ng mahina..
Di pa rin siya tumigil kaya sumigaw na ako.
"TUMIGIL KA NA SA PAGYUGYOG SA AKIN BINIBINING EVERHETT! NAKAKAHILO NA!"
Dahil doon, tumigil siya sa pagyugypg ngunit patuloy pa rin siya sa pagtili.
"Napaano ka ba Binibining Everhett at ganiyan kang kumilos? Naalog ba iyang utak mo o nasapian ka ng masamang espiritu?" Tanong ko sa kaniya
"WAHAHAHAHAHHA. DAMN GIRL! GRABE KA SA AKIN AH! I'm kinikilig lang kasi!" Sigaw niya at nagtitili na naman.
"Ba't ka naman kinikilig binibini?" Tanong ko sa kaniya.
Ganyan ba kiligin ang mga kabataan ngayon? Nakakarindi! Ang ingay-ingay!
"Arggg.. Hinawakan ka kasi nung guy na sobrang gwapo na nakita natin sa Palawan noon tapos hinalikan ka pa niya sa kamay tapos sinabihan ka pa niya nung achuchuchuchu. Hindi ko.maintindihan yung sinabi niya basta feel kong maganda yun!" Saad niya dahilan upang ako'y mapatawa ng mahina.
Yun lang pala ang dahilan kung bakit siya kinikilig at nagtititili.
Ano bang nakakakilig doon?
"Hayst.. Ang sinabi niya lang naman ay 'Nos vemos de nuevo, bella dama'. Di naman yun nakakakilig." Saad ko sa kaniya
Kinalikot naman niya ang selpon niya at biglang nagsalita.
"Aahhh! See you again, beautiful lady lang pala. Pero hinalikan niya parin yung kamay mo! Arggg.. Nakakainggit talaga. #sanaall. Kailangan ko na bang magpakaluma para lang makahanap ako ng jowa?" Mahabang lintanya sa akin
"Hmm, wala kang kailangang gawin upang makahanap ka ng kasintahan Binibining Everhett, kung talagang mahal ka niya, tatanggapin ka niya sa kung ano ka ba talaga." Nakangiting saad ko sa kaniya.
"Hmm, goodness! I want to rest na ha. Todo push ako na sana magkita kami nung gwapong fafa sa Palawan pero kayo lang pala yung magkakamoment. Arrgg.. Nakakainggit ha. Pero it's fine. Marami pa ring mga good-looking diyan sa mundo" saad niya at sinimulang paandarin ang makina ng kotse.
Hayst.. Ang gaming nangyari ngayon.. Kailangan ko yata ng mahabang pamamahinga
*************
Agad akong dumiretso sa kwartong nakalaan para sa akin nung kami'y nakarating na ng bahay nila Binibining Everhett.
Matutulog na sana ako nung bigla ko nalang naalala yung mga nangyari kanina..
Iyong lalaking nagngangalang Kaiser..
Yung matipuno niyang pangangatawan.
Yung maamo niyang mukha..
Yung nakakabighaning titig niya..
KUNG MERON MANG TAONG PERPEKTO, SIYA NA YUN!
Hindi ko lang mawari kung bakit parang may kuryenteng dumaloy sa aking katawan noong nag-sheyk hands kami.
Para ring may kung ano akong naramdaman nung maglapat ang aming mga kamay at nung magtugma ang aming mga mata..
Parang... Parang may koneksyon.. Koneksyon sa pagitan naming dalawa..
SIYA BA IYONG TINULUNGAN NG BALON?
Arrrgggg.. Sino ba talaga siya at anong magiging papel niya sa buhay at pagkatao ko?
![](https://img.wattpad.com/cover/203115302-288-k904335.jpg)
YOU ARE READING
I Love You Since 2064
DiversosAko si Clara Montemayor at nagmula ako sa taong 1945 at siya naman si Kaiser Launder at nagmula siya sa taong 2064 at ito ang kwento ng pag-iibigan naming dalawa