Kabanata 12:

10 1 0
                                    

Kabanata 12:

Paikot-ikot lang ako sa mall nung may mabangga ako. Napatingin ako sa nakabangga ko at parang may kung ano sa tiyan ko na kinikiliti ako.

"Clara?"

"Naaalala mo pa pala ang pangalan ko ginoo?" Nahihiyang saad ko. Batid kong namumula na ang mukha ko ngayon.

"Oh yes. How can I forget your name? You're the only person I knew" tapos natawa siya. Ang.. Ang gwapo niyang tignan.

Hala Clara! Nagiging mapusok ka na talaga ng sobra! Nakakahiya.

Tumawa na rin ako, "Hindi kita maintindihan, ginoo"

"Uhmm.. Do you know any language? I actually know all languages except Filipino" saad niya

Ano raw? Filipino lang ang naintindihan ko.

"Wait, I'll ask Google.. Oh here.. A--no pa--ng i--bang leng--gwa--he ang a--lam mo?"

"Alam kong magsalita ng Espanyol."

"Oh, Spanish? Great" tapos napangiti siya na parang may inaalala

"Pwede bang umupo na tayo, Ginoong Kaiser? Pagod na ang mga paa ko kakalakad" natawa na naman siya. Anong nakakatawa sa simabi ko?

"Oh right. Lets go to somewhere" tapos hinila ako. Parang nawala ang mga tao sa paligid.. Siya nalang at ako sa paningin ko

******

"Hola, Clara, mi amiga"

"Hola" nakangiting saad ko

"De donde eres?" Taning ni
(Where are you from?)

"Lucban, Quezon. Vivo en nuestra casa, Mansion de Montemayor"
(I live in our house, Mansion de Montemayor)

"De que año eres?"
(What year are you from?"

"1964--- este.."

"Entonces eres la chica que busco"
(So you are the girl I am looking for)

"Ang ibig bang sabihin nun.."

Tumango-tango ako. Siya na nga yung hinahanap ko..

Nagkasama kami ng ilang araw at sa pagsapit ng Pebrero..

"May sasabihin ako sayo, Clara" kinabahan ako ng kaunti

"What is it? Marunong ka ng magsalita ng Filipino ah."

"Ikaw nga marunong na ring magsalita ng English" hes said then chuckle

"May sasabihin din pala ako.."

"Edi sabay na tayo"

"3.."

"2.."

"1!"

"Mahal ki----"

At bigla nalang dumilim lahat ng paligid.

I Love You Since 2064Where stories live. Discover now