Prinsipe ng mga Bad Boys!
Written by LJNiiAbra
All Rights Reserved © 2014
-
Ako si Chichay Villarosa..
I hate BAD BOYS!
Yeah. Kasi napaka yabang nila. Mga walang awa!
Isa silang hamak na, basagulero, babaero, mabisyo, mapang bully, mapang asar, walang respeto, puro gimik at cutting..
Lahat na ata ng bad attitude nasa kanila na!
Pero bakit tinitilian pa sila?
Porket gwapo? At Hot?
Oh my god! Nakaka inis!!
Nagsimula ang pagka inis ko sa mga badboys nung nangyari to..
*Flashback
Naglalakad ako sa hallway ng..
"Araaaaay!" napaupo ako sa sahig ng may bumangga sakin. Nananadya ba tong mokong na 'to?! Hindi ba sya tumitingin sa dinadaanan nya? Tanga ba sya? Ang sakit tuloy ng pwet ko.
Agad akong tumayo at humarap sa kanya.
"Hoy lalaki!" dinuro ko sya at tinignan ng masama. "Nananadya ka ba ha?!" tsaka ko sya pinameywangan.
Pero hindi siya nagsalita at nakatingin lang sya sakin. Baka bulag sya? Naka shades ang mokong e. "Hoy! Kinakausap kita!"
Parang nag slow mo ang paligid nung dahan dahan nyang inalis ang shades nya.
Shit! Ang gwapo nya. Erase, erase! May kasalanan parin sya sakin!
"Miss, pwede ba manahimik ka nalang jan? You're so disgusting." sabi ng mokong. Psh! Englishero! Hindi man lang ba sya magpapasorry sa pagbangga nya sakin?!
"Aba, aba. Sumosobra kana talaga ha?! Di ka man lang ba magpapasorry sakin?!" inis na inis na talaga ako sa mokong na to.
Lumapit sya at hinawakan nya ang baba ko, at nilapit nya ang mukha nya. Anong gagawin niya?! Hahalikan nya ba ako? Sabi ko mag pa sorry, hindi halik!
"SORRY MO MUKHA MO." ngumiti sya ng nakaka asar at tsaka na sya naglakad palayo.
WAAAAAAHHH! PRINSIPE NGA NG MGA BADBOYS! WALA TALAGANG PUSOOOOOO!
-
Hehe. Bitin po ba ang prologue? Sinadya ko po, hehehe. Please vote :)
Comment po kayo kung anong reaction nyo sa prologue :)
Prinsipe ng mga Bad Boys!
Written by LJNiiAbra
All Rights Reserved © 2014
BINABASA MO ANG
Prinsipe ng mga Bad Boys!
Teen FictionHate na hate ni Chichay ang mga Bad boys. Ano kaya ang mangyayari kung makakaharap nya ang PRINSIPE NG MGA BADBOYS? Matatakot kaya sya o hindi? Ano kaya ang mangyayari? ALAMIN! :D Prinsipe ng mga Badboys LJNiiAbra All Rights Reserved © 2014